Chapter 41

1.5K 26 4
                                    

Isang buwan na ang nakalilipas simula ng magkausap silang mag asawa, sumama na rin silang mag ina kay Thunder pabalik sa dati nilang bahay noong una ay ayaw ni Storm pero sa katagalan ay napilit din siya ng ina, ito lang kasi ang paraan na naisip ni Jewel para magkalapit ang kanyang mag ama, sa mga unang araw ay hindi nahing madali para kay Thunder ang lahat.

Kapag sinusubukan niyang kausapin ang anak ay hindi ito sumasagot sa kanya, kapag naman niyayaya niya itong maglaro ay ayaw nito, kapag ipinagluluto niya ito ay hindi man lang ito pinapansin ng anak. Mahirap at masakit para sa kanya bilang ama pero wala siyang magagawa kung hindi tiisin ang lahat kung ito lang ang paraan para magkaayos sila.

Minsan pakiramdam ni Thunder ay mukhang wala ng pag asa na maging maahos sila ng kanyang anak. He feel unwanted and useless pero iniisip niya na hindi siya pwedeng sumuko, hindi niya pwedeng sukuan na lang basta ang pamilyang inaasam niya. Iniisip niya na lang na kulang pa itong kabayaran sa lahat ng nagawa niya sa asawa.

Wala ngayon si Jewel dahil sumama ito kay Kevin para asikasuhin ang nangyari sa kanilang bahay noong makaraang linggo at dahil na rin sa pangamba ng mga magulang nito kaya pumayag silang dito na muna sa bahay ang mag ina ko para na rin sa kaligtasan nila.

Pinili din niyang mag leave muna sa trabaho dahil gusto kung matutukan muna ang anak ko, gusto kung makabawi muna sa kanila at sa lahat ng pagkukulang ko. Alam kung mahihirapan akong gawin 'yon pero pursigido akong ayusin ang pamilya ko. Ayokong dumating sa puntong pagsisisihan ko na wala akong ginawa para sa pamilya ko, ayaw kung mawala pang muli ang mag ina ko.

Maya maya pa ay dumating na si Jewel, aalis sila ngayon para bumisita sa bahay nina Dark dahil namimiss daw ni Calleigh si Jewel at gusto din nitong makita si Storm, ilang buwan na lang ay manganganak na ito kaya sobra ang pag aalaga at pag iingat ni Dark dito, hindi ako makapaniwala na ang isang playboy na kagaya ni Dark ay mapapabago ng kaibigan ng asawa ko.

Pagkatapos na mag ayos nilang mag anak ay umalis na agad sila para hindi sila abutan ng traffic, alam din ni Jewel ang nangyayari sa pagitan ng kanyang anak at ama nito, per kagaya ng sabi sa kanya ni Thunder ay huwag siyang mag alala dahil okay lang naman daw ito sa kanya.

Halos 30 minutes din ang byahe nila bago makarating sa subdibisyon kung saan nakatira si Dark agad silang bumaba at nag doorbell sa gate, nasa labas pa lang sila ay rinig na rinig na nila ang boses ni Calleigh.

Mabilis naman silang binuksan ng isa sa kasambahay ni Dark at dumiretso na sila ng pasok.

"Ang ingay mo naman Cali, mahiya ka sa kapitbahay niyo, baka mamaya mapalayas dito si Dark." pang aasar ni Jewel dito ng makapasok na sila.

"Anong maingay ka riyan? Ang hina na nga ng boses ko eh," wika nito at inirapan ang kaibigan

Umupo naman si Thunder katabi ni Dark. "Buti at natitiis mo ang bunganga nito pre? May oras kapa naman para magbago ang isip mo at iwan si Cali." saad ni Thunder at tumingin kay Cali

Tumayo naman si Cali na nakapamewang. "Alam mo Thunder okay na sana eh, masaya na sana ako na naging maayos na kayo ng bestfriend ko, pero 'yang tabas ng dila mo hindi pa rin umaayos, sana masarap ulam mo noh?" wika nito

Natawa naman silang tatlo dahil sa sinabi nito na mas lalong kinainis niya.

"Can you just shut up na ninang? You are too loud, baka mamaya hindi na lumabas si baby kasi natatakot na sa boses mo." singit ni Storm

"Alam mo baby Storm dapat hindi ka naglalapit sa ama mo eh, kasi nahahawa kana sa kanya." pagpatol ni Cali sa bata

"Why ninang? He is my father, so it's okay if we have some similarities," depensa naman ni Storm

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon