Chapter 60

958 17 2
                                    

Mabilis na lumabas si Jewel sa sasakyan at tuloy tuloy na umakyat papunta sa kanilang kwarto. Pagpasok niya ay mabilis niyang kinuha ang kanyang maleta kasunod ang kanyang mga damit.

Maya maya pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at alam niya kung sino 'yon.

"What are you doing?" biglang tanong nito.

"Nakikita mo naman ang ginagawa ako diba? Kinukuha ko ang mga gamit ko."

"Hindi ka aalis Jewel!" seryosong turan nito at ibinalibag ang maleta ko.

"Sa tingin mo sa nakita ko kanina papayag pa akong manatili dito?"

Mabilis na hinawakan ni Thunder ang dalawang balikat ng asawa. "Let me explain. Huwag kang mag conclude agad."

"Nakita ko na ang dapat kung makita. Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. I thought you've already change pero hindi pa din pala. Akala ko totoong bumabawi kana, pero akala ko lang pala 'yon."

"Makinig ka kasi sa akin! Bakit ba ayaw mong pakinggan ang sasabihin ko, hindi porket nakita mo eh totoo na."

"Kitang kita ng ng dalawang mata ko magsisinungaling kapa rin ba? Hindi ako tanga Thunder!" aniya habang nagsimula ng lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata.

"H-hon," mahinahon na turan ko.

Ngunit umiling lamang ito at naglakad papunta gulid ng kama. "Akala ko totoo ng itong lahat ng pinapakita mo, akala ko okay na pero hindi pa pala," at bigla itong tumawa.

"Bakit nga ba ako umasa? Bakit nga ba ako naniwala eh ikaw nga pala si Thunder Alcantara diba? At ako naman itong si tanga na nagpahuli sa patibong mo! Tangina naman Thunder! Bakit ang galing galing mong manakit ha? At ang bobo bobo ko dahil binigay ko agad ang sarili ko," dagdag pa nito.

Nilapitan ko siya agad para yakapin ngunit umiwas lang ito. "T-tama na Thunder, ang sakit sakit na. Huwag mo na akong ubusin ulit kagaya ng ginawa mo noon. Nakikiusap ako sayo," aniya at napaupo na lang sa sahig habang umiiyak.

Mabilis ko siyang niyakap, noong una ay nagpupumiglas pa siya pero hindi ko hinayaan na makawala siya. Ilang beses niya pa akong pinaghahampas pero hindi ko ininta 'yon dahil alam kung nasasaktan siya ngayon. Habang tumatagal ay pahina na pahina ang paghampas niya sakin na animo'y nawawalan na ng lakas.

"P-please h-hayaan mo na ako, h-hayaan mo na lang kami ng anak ko. H-hindi ko tatanggalin ang karapatan mo bilang ama niya, p-pero hayaan mo na ako. N-magmamakaawa ako sayo T-thunder, ayoko ng makita ulit ang sarili ko ng nagpapakatanga sayo katulad noon." aniya

Ilang minuto pa siyang niyakap ni Thunder hanggang sa maramdaman na nitong kumalma na ang asawa pero umiiyak pa rin. Kumalas siya sa pagkakayap dito at iginaya ito paupo sa kanilang kama. Hinawakan niya ang mukha ng dalaga na halos mabasa na ng kanyang luha.

"H-hon please listen to me, please. Wala akong planong saktan ka ulit, kayo ng anak natin. Diba sinabi ko na sayo na gagawin ko ang lahat para mabawi kayo ng mag ina ko, gagawin ko ang lahat para mapatawad niyo ako at mabuo tayo na isang pamilya. 'Yong nakita mo kanina wala 'yon, nakita mo naman diba na tinulak ko siya dahil kahit ako nagulat lang din na hinalikan niya ako."

Nakatingin lang ito sa akin ngunit hindi nagsalita. Kaya ngapatuloy na ako sa sinasabi ko. "Maniwala ka sa akin ikaw lang ang mahal ko, sapat na kayong dalawa ni Storm sa akin. Hon magkasama kami ni Cain kanina nauna lang siyang umuwi, nanatili lang ako doon pero pauwi na din ako ng biglang lumapit ang babae na 'yon sa akin, hindi ko naman siya pinagpapansin tapos biglang niya lang akong hinalikan kaya nagulat din ako at tinulak siya. Please hon, maniwala ka sa akin hindi ko ginusto ang nangyari."

Ngunit wala siyang sagot na nakuha sa asawa, patuloy pa rin itong umiiyak. Niyakap niyang muli ito ng puno ng pagmamahal, ayaw niyang masira ang pamilyang binabawi at binubuo niya dahil lang sa isang hindi pagkakaunawaan.

Maya maya pa ay naramdaman niyang hikbi na lang ang ginagawa ng dalaga at tumingin ito sa kanya. Kita niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito kaya nasasaktan din siya kasi alam niya sa sarili niya na kahit hindi niya sinadya ay napaiyak niya pa rin ito.

"Hon, talk to me please. Alam kung meron tayong hindi pagkakaintindihan noong nasa resort tayo pero hindi ko magagawa ang maghanap ng iba, kontento na ako sa kung anong meron ako. Alam kung may mali ako sa nangyari mas pinairal ko ang emosyon ko at pinangunahan ako ng selos. Natatakot kasi ako na baka tuluyan na kayong mawala sa akin ng anak natin at 'yon ang hindi ko makakaya. Alam kung walang namamagitan sa inyo ng kaibigan ko, I know Cain since we are kids sadyang nagselos lang ako sa nakita ko. Nasa isip ko paano pag narealize mo na hindi na pala ako, na ibang na pala ang nagugustuhan mo." sambit nito

"A-alam mong may anak na tayo, kahit pa na sinabi ko sayo nakaraan na hindi pa kita napapatawad pero alam mo sa sarili mong binibigyan kita ng chance at pagkakataon na maitama ang mga nagawa mong pagkakamali. Alam ko na kung sa iba ito nangyari sasabihin nila na ang tanga tanga ko dahil hindi kita pinahirapan at tinanggap pa kita ulit kahit na gano'n na ang ginawa mo sa akin, marahil ay tanga nga ako pero si Storm ang pinakainaalala ko. Nabuhay tayong buo ang mga pamilya natin at ayaw kong ipagkait sa anak natin ang gano'n. Hindi ko iniisip ang sarili ko mas iniisip ko si Storm," mahinang turan nito.

Marami pa silang napag usapan hanggang sa maging maayos na sila, habang nagsasalita siya ay napansin niya na parang bumibigat ang kanyang balikat at ng tiningnan niya ito ay nakita niyang nakatulog na ang asawa. Tiningnan niya ang orasan at mag uumaga na pala, naalala niya na bukas ay darating na ang kanilang anak galing sa bakasyon. Pinagdarasal niya na sana okay na ito at hindi na masyadong natrauma dahil sa nangyari.

Maingat niyang hiniga si Jewel sa kanilang kama at kinumutan ito, pagkatapos ay pinaandar niya ang kanilanga aircon at nahiga na rin.

Habang nakahiga siya ay tumagilid siya para tingnan ang asawang nahimbing na sa pag tulog, hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti habang makatitig dito. Hindi siya maintindihan kung bakit hindi niya nakita ang halaga ng asawa noon, kung sana ay binigyan niya ito ng pagkakataon ay sana hindi na sila umabot sa puntong nasaktan niya ito at umalis ito sa kanyang puder para magpakalayo layo.

'I'm still lucky na mabait ang asawa ko dahil kahit na sobrang gago ko binigyan niya pa rin ako ng pagkakataon para sa anak namin,' bulong niya sa sarili bago niyakap ng mahigpit ang asawa at ipinikit na rin ang kanyang mga mata.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon