Chapter 14

2.3K 44 1
                                    

Matapos bumalik ang pangyayaring iyon sa isip niya ay hindi niya mapigilan ang maiyak, naaalala niya ang matalik na kaibigan nito na tinuring siyang parang isang kapatid. Nang dahil sa kanya ay namatay ito, kung hindi sana siya iniligtas nito ay malamang buhay pa ito ngayon. Tatlong taon ng nakalipas simula mangyari ang isang bangungot sa buhay niya na iyon pero hanggang ngayon dala dala pa rin niya ang bigat sa kanyang dibdib.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata para pigilan ang patuloy na pagdaloy ng nga luha sa kanyang mga mata. Akala niya ay okay na siya at nakamove on na pero ang totoo hindi pa rin pala, sariwa pa rin sa kanya ang pangyayari na iyon kahit na nakalipas na, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sobrang pag iisip.

Nagising lang siya ng marinig ang sunod sunod na katok sa kanyang hotel unit. Malamang ay ang kaibigan niya na iyon na si Cain, agad siyang tumayo para buksan ito dahil mukhang naiinip na ito. Pupungas pungas siyang naglakad patungong pintuan at agad na binuksan ito, bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ng binata.

"Anong nangyari? Bakit nandito ka sa hotel? Nasaan si Thunder? " bungad agad nito sa kanya

"Pwede isa isa lang? Hindi ka naman siguro nagmamadali diba? Maupo ka muna at ikukuha kita ng makakain." natatawang wika ko

"Nah ah! Huwag na, busog pa ako. So, ano na?" atat na ata na ito.

Napabuntong hininga muna ako bago umupo sa tabi niya, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat lalo na't matalik na magkaibigan sila ni Thunder, ayaw kung masira ang samahan nila ng dahil lang sa akin, pero wala na akong ibang choice dahil alam kung siya lang ang makakatulong sa akin.

Nagsimula akong ikwento sa kanya ang buong nangyari sa pagitan naming dalawa ng asawa ko, sa buong pagsasalita ko ay nakikinig lang siya at hindi nagsasalita kaya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"Tangina lang! Mapapatay ko talaga si Thunder kahit na matalik ko siyang kaibigan!" nabigla ako sa sigaw nito ng matapos na akong magkwento

Maya maya pa ay bigla itong tumayo. I immediately grab his hands to make him stop, mukha kasi itong aalis. "Saan mo balak na pumunta?" tanong ko

"Pupuntahan ko ang gago kung kaibigan!" madiin na turan nito

Agad naman akong umiling. "Don't."

"Ano ka ba naman Jewel! Naiintindihan mo ba 'yang mga sinasabi mo? Tangina lang! Sobra na ang ginawa sayo ni Thunder, oo kaibigan ko siya pero hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang kahayupan sa iyo. Ano magtatanga tangahan kapa rin ba?" galit na saad nito

"Asawa ko pa rin siya Cain! At mahal ko pa rin siya." depensa ko

"That's bullshit! Mahal mo siya pero ikaw mahal ka ba niya? Tingnan mo nga 'yang sarili mo Jewel, you're better than this. Wake up! Walang gamot sa katangahan. Tulungan mo ang sarili mo bago ka pa tuluyang masira." ramdam kung nagpipigil ito base sa kamay nitong nakakuyom

Natahimik ako sa sinabi niya, walang gustong lumabas na mga salita sa bibig ko. Naiyak na lang ako, agad niya naman akong dinaluhan at niyakap.

Sa loob ng mga nagdaan araw ay labis ang paghihirap na pinagdaanan ng dalaga, hindi siya nakakatulog sa gabi dahil paulit-ulit niyang napananaginipan ang ginawa sa kanya ng asawa, grabe ang naging epekto nito sa kanya. Madalas itong tulala o di kaya ay malalim ang iniisip. She's been suffering in depression and trauma.

Laking pasasalamat na lang nito dahil hindi siya iniwan ng kaibigang si Cain, palagi itong nasa hotel kung saan pansamantala siyang nakatira para samahan ito. She has also check up 3 times a week dahil na nga sa anxiety na dinadanas ng dalaga. Madalas din magising si Cain dahil sa mga sigaw nito.

Nandito ngayon si Cain sa kwarto ni Jewel, ngayon lang ulit ito nakatulog dahil nagising na naman ito kanina dahil sa bangungot na nangyari sa kanya nitong nakaraan dahil sa kagagawan ng asawa nito.

Naaawa ang binata sa kalagayan ng dalaga, madalas niya itong naabutan na umiiyak o di kaya ay tulala sa kawalan. Labis na trauma ang dinulot sa kanya ng ginawa ni Thunder. And speaking of that bastard ay hindi pa ulit sila nagkikita, mas mabuti nga iyon dahil baka hindi siya makapagpigil at makalimutan niyang matalik na kaibigan niya ito.

Inayos niya ang pagkahiga ni Jewel at nilagyan ito ng kumot bago itong tuluyan ng lumabas sa silid ng dalaga, hindi niya maiwan iwan ito lalo na kapag gabi dahil ganito ang nangyayari sa kanya. It's been a week na palagi na lang ganito kaya sinamahan na siya ng binata na pumunta sa doctor para magpatingin. She's in deep trauma at the same time nati-trigger ang emosyon niya dahil sa masamang pangyayari sa buhay niya kaya madalas itong parang wala sa sarili at takot.

Sa tuwing nakikita niyang ganito ito ay hindi niya alam kung ano ang gagawin, kagaya na lang noong unang gabi na maabutan siya nitong nasa gano'ng kalagayan.

FLASHBACK

Kakarating niya lang sa hotel kung saan nag iistay si Jewel, madalas siyang napupunta dito para dalawin ang dalaga at ngayon pasado alas dose ng ng madaling araw at napagpasyahan niyang dito na lang umuwi at matulog para may kasama ang dalaga, sanay na din naman siya sa presensiya nito na bigla na lang sumusulpot.

Habang nasa elevator ang binata ay may dala dala siyang mga chocolates para ibigay dito. Nakakaramdam na din siya ng antok, marahil ay pagod dahil maraming ginawa ito sa kompanya.

Kaya no'ng tumunog ang elevator ay dali dali siyang lumabas at naglakad patungo sa unit ni Jewel at ng makapasok na siya ay dumiretso muna ito sa kusina para ilagay sa refrigerator ang binili niya para rito, alam niyang tulog na si Jewel kaya bukas na lang niya ito ibibigay.

Nang maayos niya na ang lahat ng chocolates na dala niya ay naglakad na ito papunta sa sala at para do'n matulog, nakailang hakbang pa lang ito ng makarinig siya ng sigaw na nanggaling sa kwarto nito, patakbo siyang nagtungo sa kanyang silid.

Mabilis niyang binuksan ang pinto nito at nakita niya itong nagsisigaw na animo'y nagmamakaawa, puno na rin ng luha ang kanyang mga mata. Agad siya nitong nilapitan at niyakap para kumalma, no'ng una ay nagpupumiglas pa ito na parang takot na takot na mahawakan.

"Hey, Jewel calm down. It's me, Cain." mahinahon na wika ko

Ngunit parang wala siyang naririnig at patuloy pa rin sa pagpupumiglas sa pagkakahawak ng binata. Ramdam niya ang takot at panginginig ng buong katawan nito. He can't blame her, sa naranasan niya sa mga kamay ni Thunder alam niyang hindi iyon madali.

Niyakap niya ulit ng mahigpit, mabuti naman at hindi na ito umalma pero patuloy pa rin sa paghikbi. "Cain baka makita niya ako! Sasaktan niya ulit ako, gagawin niya ulit sa akin iyon." namamaos na saad nito habang nakakapit sa akin

Agad namang hinimas himas ng binata ang hibla ng kanyang buhok. "No one can hurt you, especially him. Nandito lang ako, babantayan kita. Hindi ka niya malalapitan." Cain assure to her.

Hindi niya alam kung ilang minuto sila nasa ganoong posisyon ng namalayan niyang parang bumibigat na ang balikat nito at ng tiningnan niya ito ay nakatulog na pala abg kaibigan.

END OF THE FLASHBACK

Simula no'ng araw na 'yon ay madalas na siyang gano'n tuwing madaling araw ay nagigising siya, napapanaginipan ang nangyari. Kaya nag desisyon muna ang binata na samahan siya rito, hanggang sa napapansin niyang may nag iiba na sa dalaga. Naging tahimik ito at hindi na masyadong umiimik, madalas itong tulala sa kawalan o kaya malalim ang iniisip. Madalas niya rin nadadatnan na umiiyak na animo'y natatakot ito sa paligid, kaya dinala na siya ng binata sa hospital para matingnan ang kalagayan niya. At do'n nila nalaman lahat.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon