Chapter 93

969 11 0
                                    

It's been a year simula ng mabiyayaan ng bagong anak ang mag asawang Thunder at Jewel. Mas lalong naging masaya ang kanilang buhat ay kontento na silang pamilya kasama ang dalawang anak nila.

Tatlong linggo na simula ng makabalik sila sa Pilipinas dahil nagtagal sila sa New York ng halos 11 months dahil gusto ni Thunder na maglaan ng oras sa kanyang pamilya at wala naman naging tutol do'n ang kanyang asawa.

Laking pasasalamat nila dahil sa loob ng isang taon ay walang problema na dumating sa kanila o walang taong sumubok na sumira muli sa kanila, maliban na lang sa paminsan minsan na pagkakaroon nila ng tampuhan o away na normal naman sa isang mag asawa.

At ngayon ay anibersaryo ng kanilang kasal pero hindi nila ito maiicelebrate ngayon dahil bukas pa sila aalis, binigyan kasi sila ng kanilang magulang ng isang regalo para magkaroon sila ng oras sa isa't isa. Gusto nga nilang isama ang kanilang dalawang anak perp pinipigilan naman sila ng mga kaibigan.

Lingid sa kaalaman ng mag asawa ay maaga pa lang ay nando'n na ang kanilang mga kaibigan sa bahay nila para ipaghanda sila ng isang sorpresa. Wala pa sila sa kanilang bahay kaya hindi nila alam ang balak ng mga ito, umalis kasi sila para mag grocery.

Kasalukuyang nasa sasakyan na si Jewel dahil katatapos lang nila mamili ng asawang si Thunder at hindi din naman sila nagtagal sa mall dahil naiwan ang anak nila pero tiwala naman sila dahil may mga yaya naman ito.

"Hon, sigurado ka ba na iiwan natin ang mga bata bukas?" tanong ni Jewel kay Thunder.

"Kahit na anong pilit natin na isama sila siguradong hindi din papayag sila mama at papa isama mo pa ang mga kaibigan natin." sagot naman ng asawa.

"Hindi kasi ako mapakali kapag wala sila." anas naman ni Jewel.

"Hindi naman sila pababayaan ng mga magulang natin, lalong lalo na 'yong mga tito ninong niya na akala mo sila pa ang tatay ng dalawa." natatawang turan ni Thunder.

"Sabagay at isa pa malaki na din si Storm, baka hindi natin mamalayan maging binata na ang panganay natin." wika ni Jewel.

"Kaya nga at baka sa susunod na mga araw ay may ipapakilala na 'yan sayo." pang aasar ng asawa.

"Sigurado akong matagal pa 'yon hon, knowing Storm parang hindi mo pa kilala 'yong panganay mo manang mana sa'yo mapili sa babae." saad ni Jewel.

Natawa na lang si Thunder dahil sa sinabi ng asawa, hindi naman maipagkakaila 'yon dahil kuhang kuha ng kanyang anak ang ugali niya samantalang ang bunso naman nila ay nakuha ang ugali kay Jewel. At kahit na bata pa 'yon ay nakikita niya na kung paano ito protektahan ni Storm.

Hindi din nagtagal ay nakarating na sila sa kanilang bahay, nagtataka pa si Jewel dahil napakatahimik ng bahay at imposible naman na tulog pa ang kanilang anak dahil tanghali na. Kinuha muna ni Thunder sa kotse ang kanilang pinamili.

"Oh bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong ni Thunder kay Jewel dahil naabutan niya pa itong nakatayo sa may pintuan.

"Nagtataka lang ako dahil ang tahimik ng bahay natin, tulog pa kaya ang mga bata?" anas ng dalaga.

"Malay mo nandiyan lang sa loob o kaya nasa pool area. Halika pasok na tayo." saad ni Thunder.

Dumiretso na si Thunder sa kanilang kusina at sumama naman si Jewel sa kanya para tulungan siyang ayusin ang kanilang pinamili pero naabutan nila do'n ang isang katulong nila.

"Ay Ma'am, Sir nandito na pala kayo, ako na lang ang mag aayos ng mga pinamili niyo. Nando'n ang mga bata sa pool area." saad nito sa kanila.

Agad naman na tumango ang mag asawa at naglakad patungo sa pool area kung saan ang sinabi ng kanilang katulong, kaya siguro hindi sila sinalubong ng kanilang mga anak dahil hindi ng mga ito alam na nakarating na sila.

"Happy Anniversary couple!" sigaw ng mga kaibigan nila.

Gulat na gulat si Jewel dahil sa sigaw ng kanilang mga kaibigan, may hawal pa itong banner na may nakalagay na Happy Anniversary Thunder and Jewel at may mga nakahandang pagkain pa sa mesa kasama na din mga alak. Hindi lang kaibigan nila ang nando'n kung hindi pati ang kanilang mga magulang.

"Ano ba naman kayo! Kaya pala ang tahimik ng bahay dahil may pakulo kayong mga ganito." naiiyak na turan ni Jewel.

"You're welcome best1" natatawang saad naman ni Calliyah.

"Naisip kasi namin na gawan kayo ng sorpresa, diba aalis kayo bukas na dalawa kaya dapat magcelebrate din tayo na magkakasama." anas naman ni Dark.

"Kaya nagplano kami ng ganito at tinawagan din namin sina Tita at Tito." segunda naman ni Cain.

"Happy Anniversary guys!" wika naman ni Monique.

Lumapit naman ang mga magulang nila at binati sila, walang katumbas na halaga ang saya na nararamdaman ng mag asawa. Masasabi nilang maswerte sila dahil nagkaroon sila ng mga magulang at kaibigan na nakasuporta sa kanila sa lahat ng bagay at hindi sila iniwan.

Buong araw ay puro kasiyahan lang ang nangyari sa kanila. Kwentuhan, kainan at inuman. Hanggang sa nag gabi na ay magkakasama pa din sila, dito din kasi matutulog ang kanilang mga kaibigan pati na din ang kanilang mga magulang dahil sila ang pansamantalang titingin sa kanilang anak kapag umalis sila.

Halos madaling araw na din silang natapos, nauna lang matulog ang kanilang mga magulang at tulog na din ang anak nila. Do'n na ang mga ito sa kwarto nila natulog dahil gusto no Storm na magkakatabi silang matulog ngayong araw.

Umakyat na ang mag asawa sa kanilang kwarto habang ang mga kaibigan naman nila ay dumiretso na sa guest room.

Pagpasok nila Thunder at Jewel ay nakita nila ang dalawang anak na mahimbing na natutulog, si Storm na nakayakap ng kanyang bunsong kapatid. Hindi nila maiwasan ang magtinginan sa isa't isa at ngumiti.

"Storm will be a good brother." anas ni Thunder.

"Indeed hon, halata naman sa kanya eh. Tiyak na mahihirapan ang mga magtatangkang manligaw sa bunso natin." natatawng turan naman ni Jewel.

Hindi din nagtagal ay tumabi na din sila sa kanilang mga anak at natulog na.

Kinaumagahan ay maagang nagising ang mag asawa para mag ayos sa pag alis nila. Nagising din ng maaga ang kanilang mga anak.

"Mom, Dad aalis na kayo?" tanong ni Storm.

"Mayamaya anak, aayusin lang namin ang ibang gamit namin." sagot ni Jewel.

"Be a good brother to your sister Storm, ikaw na ang bahala muna sa kanya." bilin naman ni Thunder.

"I will Dad, Mom! I will forever protect her no matter what happen." sagot naman ni Storm, kahit kailan ay mature na ito mag isip at magsalita at alam na alam nila na magiging mabuting kapatid ito.

Hindi din nagtagal ay kumain na sila ng sabay sabay kasama ang kanilang mga kaibigan at mga magulang. At pagkatapos ay umalis na din ang mag asawa para hindi din sila abutin ng hapon sa byahe.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon