Chapter 61

920 15 2
                                    

Monique POV

Nagmamadali akong magdrive ngayon papunta sa bahay nina Jewel iba kasi ang kutob ko ngayon dahil nalaman kung nakatakas si Marga sa rehab kaya alam kung si Jewel ang una niyang pupuntahan. Tinawagan ko na rin ang kanyang mga magulang para ipaalam ang nangyari.

Kailangan kung maabutan si Marga bago pa mahuli ang lahat at isa pa iniisip ko kung nasaan si Cain dahil dumaan ako kanina sa kanyang opisina pero wala pa siya roon kaya mas lalo akong kinabahan.

Flashback...

Nang makarating ako sa opisina ni Cain ay dumiretso ako sa kanyang sekretarya, gusto ko kasi siyang makausap at ipaalam na nakatakas si Marga, hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko.

"Excuse me, nandiyan ba si Cain?" nakangiting tanong ko

"Ay ma'am Monique kayo po pala, wala dito si Sir hindi pa siya pumapasok pero tumawag siya kanina at sinabing baka malate siya ng pasok may idadaan lang daw siya sa bahay nila Sir Thunder."

"Ah gano'n ba sige salamat," kako at mabilis na umalis

Mabilis na nilisan ko agad ang opisina ni Cain, ilang beses ko din sinubukan na tawagan si Thunder at Jewel ngunit kahit isa sa kanila ay walang sumasagot.

Margaux POV

Ngayon na ang araw ng paghihiganti ko at sisiguraduhin kung matatapos ang lahat ng ito sa araw na 'yon, hindi ako makakapayag na maging masaya kayo ng matagal hanggang nabubuhay ako. Kailangan ko ng gawin ito bago pa malaman ng mga magulang ko na tumakas ako. I love them both pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya para kay Daven.

Nandito ako sa harap ng bahay nina Jewel at hinihintay kung umalis si Thunder dahil alam kung papasok ito ngayon sa opisina at magagawa ko na ang bagay na matagal ko ng inaasam 'yon ay ang mamatay na ng tuluyan si Jewel at isusunod ko naman si Monique. Mga walang kwentang nilalang na kailangan ng mamatay.

Maya maya pa ay napangiti ako ng makita ko ang paglabas ng sasakyan ni Thunder at mukhang papasok na ito sa trabaho.

Bumaba na ako sa aking sasakyan para sana malapit ito ng biglang may dumating at nakilala kung si Cain, swerte nga naman at kumakampi sa akin ang tadhana, dalawa sa mga pakay ko ang nandito ngayon.

Hinintay ko muna matapos silang mag usap at ng makita kung sumakay na ulit sa Cain sa kanyang kotse ay dali dali kung nilapitan si Jewel at tinutukan ng baril.

Jewel POV

Nang makaalis si Thunder ay agad na tumalikod na ako para pumasok sa bahay dahil gusto kung ipagluto ang anak ko dahil uuwi na ito mamaya galing sa bakasyon kasama ng kanyang mga lola at lola, hindi pa ako nakakapaglakad ay biglang may bumusina sa labas at ng tiningnan ko kung sino ito ay nakilala ko agad.

Naglakad ako papalabas ng gate at sinalubong si Cain.

"Bakit ka napadaan?" tanong ko

"Hi Jew, nandiyan ba si Thunder? May kailangan kasi ako sa kanya eh," kamot kamot nito ang kanyang ulo

"Naku kaaalis niya lang, hindi mo ba nakasalubong?"

"Hindi, umikot kasi ako sa kabila."

"Tawagan mo na lang siya hindi pa naman nakakalayo 'yon o kaya puntahan mo na lang din sa opisina."

Agad din naman nagpaalam si Cain at sumakay na sa kanyang kotse, akmang tatalikod na si Jewel ng biglang may humila sa kanya at ng makita niya kung sino ito ay kinabahan siya.

"M-marga, paano...,"

"Surprised bitch? Sinabi ko nasa inyo na hindi matatapos ang lahat sa pagkakarehab ko." nanggigil na turan nito habang nakatutok kay Jewel ang baril niya hawak niya.

Nakita ni Cain ang nangyari kaya mabilis siyang bumaba sa kanyang kotse.

"Ano na naman ito Margaux? Bitawan mo si Jewel!" sigaw nito

"Huwag kang magkakamali na lumapit kung ayaw mong tuluyan ko ngayon din itong kaibigan mo!" sigaw nito pabalik sa binata

Nagsimula ng umiyak si Jewel dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Marga sa kanyang leeg.

Magsasalita pa sana ulit si Cain ng biglang may isang kotse na naman ang dumating at iniluwa nito si Monique na hangos hangos pababa ng sasakyan.

"Marga! What are doing? Are you crazy? Alam mo bang pinaghahanap kana dahil tumakas ka sa rehab." wika nito

"Wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin mong traydor ka! Isa kapang babae ka, matapos ng lahat lahat ay iiwan mo lang ako ng basta basta!" sigaw nito

"Itigil mo na ito Marg, may panahon pa para magbago ka. Hindi kita iniwan simula noon alam mo 'yan pero hindi na tama itong ginagawa mo eh. Masyado kana nabubulag sa galit mo." aniya ni Monique.

"Nasasabi mo 'yan dahil masaya kana, kinalimutan mo na ang nangyari sa kapatid ko! Samantalang ako nagdurusa pa rin sa pagkawala niya, kayong dalawa ng babaeng ito ang dahilan kung bakit nawala sa buhay ko si Daven. Simula ng dumating ka sa buhay niya ay naitsapwera na ako at idagdag mo pa itong babae na ito." gigil na saad nito at mas lalo pang inilapit ang baril sa ulo ni Jewel

Sobrang kaba ang nararamdaman nila ngayon dahil sa sitwasyon, pasekretong tinatawagan ni Cain si Thunder ngunit hindi ito sumasagot marahil ay nagdidrive pa din ito.

Humakbong paunti unti si Monique papalapit sa kaibigan. "Huwag kang lalapit!" sigaw ni Margaux

"M-marga, please tama na. May mga taong nagmamahal sayo nandiyan pa sila tita at tito, huwag mong sayangin ang buhay mo sa paghihiganti lang. Isipin mo si Daven mahal na mahal ka ng kuya mo." pakikiusap ni Monique

"Noooooo! Kung mahal niya ako hindi niya ako iiwan, pero wala na siya!" gigil na turan ni Marga

"Marami kapa pwedeng gawin Marg, pwede kapang mamuhay ng masaya kasama ang mga magulang mo. Ikaw na lang nag meron sila kaya parang awa muna itigil mo na 'to, bitawan mo na si Jewel." pagsusumamo nito at lumapit pa lalo sa dalaga

Ngunit napatigil siya sa paghakbang ng mapansin niyang itinutok ni Margaux ang baril kay Cain at akmang kakalabitin na ito ay mabilis siyang tumakbo sa binata at niyakap ito kasabay ng pagputok ng baril. Napahiyaw si Jewel sa nasaksihan at si Cain naman ay labis ang pagkagulat habang yakap yakap si Monique na natamaan.

Halos hindi makapaniwala si Cain dahil mas pinili siyang iligtas ng dalaga.

"What a great drama indeed! Masyado kang nagpakahero para iligtas ang lalaking ilang beses ka ng pinagtatabuyan." aniya ni Marga

"Ano ba Marga! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ni Jewel

"Manahimik ka kung ayaw mong mamatay ng maaga tonta!" at hinila si Jewel pasakay sa kotse.

Samantalang si Cain naman ay hawak hawak si Monique.

"B-bakit mo ginawa 'yon ha?"

"Dahil alam kung 'yon ang dapat," nakangiting saad nito, napansin niya ang pagharurot ng kotse kaya pilit siyang bumangon sa pagkakahawak ng binata.

"Anong ginagawa mo? Dadalhin kita sa hospital!"

Umiling naman si Monique. "Okay lang ako, kaya ko pa naman sa balikat lang ito. Kailangan kung sundin sila Marga at ikaw tawagan mo si Thunder. Naka on naman ang gps ko at kay Jewel mabilis niyo kaming matatrack. Alam ko kung saan niya dadalhin si Jewel."

"P-pero...,"

"Wala ng pero pero, sundin mo na lang ang sinasabi ko sa 'yo. Kahit dito man lang magawa kung iligtas si Jewel."

Wala ng nagawa si Cain kung hindi ang sundin ang sinabi ng dalaga at dali dali na tinawagan si Thunder, samantalang si Monique naman ay sumakay nasa kanyang kotse at sinundan kung saan nagtungo ni Margaux.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon