Chapter 26

2.1K 34 4
                                    

Sa labis na frustration na nararamdaman ng dalagang si Jewel ay umalis muna ito sa kanilang bahay, naisipan niyang magpunta ng bar. Masama ang kanyang loob sa magulang dahil nasa isip niya na hindi siya maintindihan ng mga ito. Bago siya umalis ng kanilang bahay ay tatawagan niya dapat si Calleigh para samahan siya nito ng maalala niyang hindi ito pwedeng magpuyat at mastress dahil buntis pala ito ng dalawang buwan.

Ayaw niya rin namang abalahin ang kaibigang si Cain dahil alam niyang kasama ito ni Monique, ayaw niya naman na siraan ang moments ng dalawa. Sobra na ang ginawa sa kanya ni Cain at gusto niya naman itong maging masaya at magfocus sa kung anong meron ang binata ngayon.

Nakailang tequila na siyang nainom ngunit parang hindi pa rin siya tinatamaan ng kalasingan. "One glass of tequila again." sabi niya sa bartender, nandito kasi siya nakaupo ngayon sa bar counter

Maya maya ay dumating din ang kanyang inorder. Napansin niyang may umupo sa katabing upuan niya pero hindi niya ito binigyang pansin. "Hi gorgeous. Are you alone?" the guy asked him

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag inom.

"Hey, I'm asking you." pag uulit ng katabi niya

Agad naman siyang umirap dito. "May nakikita ka bang kasama ko? Diba wala. So why aslign the obvious." She said

Natawa naman ang lalaking katabi niya. "Ang sunget mo naman, nagtatanong lang naman ako. You know malungkot uminom ng mag isa." sabi nito

"Why do you care? Iinom ako kung kailan ko gusto, at kaya kung uminom ng walang kasama." pagsusungit pa rin ni Jewel

Maya maya pa ay nakaramdam na siya ng kalasingan pero hindi pa rin siya tumigil sa pag iinom. Ilang beses pa siyang umorder, noong una ay pinipigilan pa siya ng lalaking katabi niya ngunit wala din itong nagawa.

Pagkatapos niyang inumin ang kanyang order ay tumayo ito at naglakad papunta sa dance floor. Halos lahat ng madadaanan niya ay napapatingin sa kanya, sino ba naman ang hindi. She is a goddess! Nang makarating siya sa gitna ay nagsimula na itong sumayaw, nagpatuloy naman sa pagsasayaw ang mga taong nasa paligid niya.

Sayaw lang siya ng sayaw na animo'y walang pakialam sa paligid niya. Marami na rin ang lumapit sa kanyang mga lalaki para makipagsayaw. Habang patuloy ito sa pag indayog ng may malakas na pwersa ang humatak sa kanya paalis sa dance floor.

Inis niyang iwinaksi ang kamay ng kung sino mang nakahawak na kanya. "Bitawan mo nga ako! Bakit ka ba nanghahatak, ha? Anong problema mo?" galit na sigaw niya rito.

"Are you out of your mind? Alam mo pa ba ang ginagawa mo ha? Halos pagnasaan kana ng mga lalaki sa paligid mo pero parang balewala lang sayo! Are you for real?" balik sigaw ng lalaking humatak sa kanya

"Pwede ba mind your own business! Huwag ako ang pakialamanan mo, buhay ko ito. Kaya pwede ba leave me alone! Hindi kita ka ano ano at mas lalong hindi kita kilala." sigaw nito

"You've change a lot Jewel." saad ng lalaki

Hindi masyadong maaninag ni Jewel kung sino ito dahil na rin siguro sa kalasingan. Almang tatalikuran niya na sana ang lalaki ng bigla itong ma out of balance siya, mabuti na lamang at mabilis ang naging galaw ng lalaki at nasalo siya nito.

Mabilis siyang binuhat ng lalaki at dinala palabas ng bar, magrereklamo pa sana ang dalaga ngunit hindi niya na ito nagawa dahil sa sobrang kalasingan ay unti unti na itong napapapikit habang karga karga siya ng lalaking hindi niya alam kung sino.

Nang makalabas na sila sa bar ay isinakay siya ng lalaki sa sasakyan nito at mabilis na nagmaneho paalis sa lugar na iyon.

Kinaumagahan at nagising si Jewel dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo, ngunit nagtaka siya ng mapatingin sa kabuuan ng kwarto at nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto na hindi ito ang kanyang kwarto. Nasa isip niya na kung hindi ito bahay nila ibig sabihin ay hindi siya nakauwi.

Mabilis niyang hinanap ang kanyang maliit na bag at nakita niya itong nakapatong sa bed side table, mabilis niya itong kinuha at hinanahap ang kanyang telepono para tawagan ang kanyang magulang para hindi ito mag alala sa kanya, ngunit nakailang tawag na siya ay hindi ito sumasagot kaya naisipan niya na lang na magpadala ng mensahe sa mga ito.

Halos pukpukin ni Jewel ang kanyang ulo dahil sa nangyari, sa sobrang pagpapakalasing niya ay hindi niya namalayan na may ibang kasama na pala siya at ibang condo ang kanyang nauwian. Tumayo siya para libutin ang silid para malaman kung nandito pa rin ba ang may ari nito, nakarinig siya ng lagaspas ng tubig na nagmumula sa comfort room at mukhang naliligo ang kung sino man ang kasama niya dito.

Lumabas siya ng kwarto at maingat siyang naglalakad para hindi makagawa ng ingay, napansin niya ang frame na nakapatong sa mesa kung nasaan ang sofa, lumapit siya rito para tingnan kung sino ang nasa frame. Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita kung sino ito at mapagtanto kung kanino ang condo na ito.

'T-thunder' - halos mautal utal siya sa pagbigkas ng pangalan nito

Mabilis siyang bumalik sa kwarto para kunin ang kanyang gamit, maingat siyang pumasok dito at nang masigurado na naliligo pa rin ang binata ay agad siyang pumasok at kinuha ang kanyang bag.

Halis lakad takbo ang ginawa niya para lang makalabas sa unit na 'yon. Sa dinami dami ng lalaking makakasama niya sa bar hindi niya inaakalang ang lalaking kinamumuhian niya pa ang makakasama niya at mag uuwi sa kanya.

Hindi niya gustong makita si Thunder kahit kailan, pero mukhang pinaglalaruan talaga siya ng tadhana dahil sa dinami dami ng lalaking makikita niya ay ang lalaking ni sa panaginip ay ayaw niyang makita.

Nang makalabas si Jewel sa building na 'yon ay agad siyang pumara ng taxi. Gustong gusto niya ng makalayo pa sa lugar na 'yon dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya. Laking pasasalamat niya na lang at naliligo ang binata noong nagising siya dahil hindi niya alam kung paano ito haharapin, alam niya sa sarili niya na hindi pa siya handa sa muling pagkikita nila ng binata.

'Mukhang mali yata ang desisyon kung umuwi kami dito sa Pilipinas'- bulong niya sa kanyang isipan.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon