Chapter 33

2K 32 8
                                    

Kinabukasan ay abala si Thunder sa pagpirma ng mga papeles sa kompanya ng biglang pumasok ang kanyang sekretarya. "Sir Mr. Davis is already here." aniya nito

"Let him in, thank you." sagot nito habang nakatingin pa rin sa papeles.

Maya maya pa ay pumasok ang isang lalaki.

"Goodmorning Sir," bati nito at saka umupo sa upuan na nasa harap niya.

"Kilala mo naman diba ang asawa ko?" tanong nito.

"Yes Sir, what about her? Did you already found her?" sagot ng kausap.

Agad naman binaba ni Thunder ang papeles na kanyang hawak. "Yes, she's back again with a child. Gusto kung imbestigahan mo kung ano ang nangyari kay Jewel noong mga taong wala siya rito sa Pilipinas, kung sino ang nakasama niya at kung sino ang ama ng anak niya."

"Don't worry about it Sir, bukas na bukas ay ipapadala ko sayo lahat ng impormasyon na hinihingi mo." mabilis na sagot nito.

Napangiti naman ang binata dahil dito. "Thank you! Maaasahan ka talaga sa ganitomg bagay. Isesend ko na lang bayad sa bank account mo pag nagawa mo ang pinatrabaho ko."

"No problem Sir," sagot nito at tumayo na. "I need to go, may importante pa akong pupuntahan." dagdag pa nito

"Alam kung babae lang ang pupuntahan mo, gago." asik ni Thunder at tumawa pa ito.

"Ganun talaga pag magandang lalaki, hindi nababakante. Alis na ako." wika nito at tuluyan ng lumabas.

Napailing na lang ito, isa si David sa pinagkakatiwalaan niya, magaling itong imbestigador at businessman. Ang problema lang ay isa din itong babaero na hindi mapirme sa isang babae lang sa isang araw.

Samantalang si Jewel naman at nagsisimula ng bumawi sa kanyang anak. Magkasama sila ngayon sa kwarto dahil binibihisan niya ito, aalis sila at pupuntang mall dahil ito ang gusto ng anak.

"Look at you my baby boy, ang gwapo gwapo mo." papuri nito sa anak.

"Mana lang ako sayo mommy, you are so pretty also."
"So ready kana? Aalis na tayo." nakangiting tanong niya sa anak at agad naman itong tumango. Pinag day off niya muna ang nanny nito dahil gusto niyang siya lang muna ang kasama ng anak.

Habang pababa sila ng hagdan ay naabutan niya ang kanyang magulang na nakaupo sa sofa, mabilis na napatingin din ang mga ito sa gawin nila, kumunot ang noo ng mga ito marahil ay nagtataka.

"What is happening here?" nagtatakang tanong ng ina.

"Saaan kayo pupunta?" segunda naman ng ama.

Natawa naman si Jewel sa nakikitang reaksyon ng kanyang mga magulang.

"Anong mukha iyan mom? dad? Para namang nakakita kayo ng multo Hahahaha. Aaalis kami ni Storm magbobonding lang kami." sagot nito habang natatawa pa rin.

Mabilis na lumapit ang ina nito sa kanya at sinapo ang noo ng anak. 

"Mom, what are you doing?" natatawang sagot nito at inalis ang kamay ng ina sa kanyang noo.

"Wala ka namang sakit anak diba? Hindi ka naman mainit." saad nd ina

Napabuntong hininga muna ang kanyang ama at naglakad papalapit sa asawa nito. "Honey, let them leave. Hayaan mo muna silang magkaroon ng oras para sa isa't isa, huwag kana masyadong maraming tanong diyan." 

"Storm magpaalam kana sa grandma at grandpa mo para makaalis na tayo."

Sumunod naman agad ang anak nito at lumapit sa mga ito at humalik sa kanilang pisngi. "We will have a mother and son bonding lola, so you don't need to worry about us. Mom is not sick or what, she just really want to have a time for me." bulong nito sa kanyang lola at bumalik nasa pagkakahawak kay Jewel.

"Aalis na kami mom,dad." paalam nito saka na tuluyang naglakad paalis kasama ang anak.
Nang makaalis ang mag ina ay nagkatinginan ang mga ito. "Anong nangyari sa anak mo?" tanong ng ginang sa asawa.

Nagkibit baliktat naman ang ginoo sa tanong ng asawa. "Let her, baka nagising nasa pagkakahimbing kaya ganoon ang nangyari. Mas mabuti nga iyon at ng makabawi siya sa kanyang anak." wika nito.
Tumango naman ang ginang at naglakad pabalik sa sofa.

Mabilis lumipas ang mga araw at hindi naman nahirapan si Jewel sa pagbawi sa anak, palagi silang magkasama na dalawa na halos ayaw ng maghiwalay. Mas naging malapit pa ang dalawa na labis naman na ikinatuwa ng kanyang magulang. Kitang kita nila ang saya sa apo nilang si Storm.
Hindi naman lubos maisip ni Jewel na mararamdaman niya ulit ang totoong saya sa piling ng anak, laking pagsisisi niya na ngayon lang niya napagtanto kung gaano kahalaga ng kanyang anak saa kanya, narealized niya na din ngayon kung bakit maraming nagmamahal sa anak dahil sa kabaitan at pagiging sweet nito na taglay.

Kasalukuyang nakaupo ngayon si Jewel sa kanilang sofa habang nagtitipa sa kanyang laptop, natutulog pa kasi ang kanyang anak kaya nagkaoras siya para makapagtrabaho. Wala ngayon ang kanilang mga kasambahay dahil sabay sabay niya muna itong pinauwi para makapagbakasyon pati na rin ang nanny ni Storm, habang ang kanyang mga magulang ay hindi pa nakakauwi dahil may pinuntahan itong business conference kaya tanging sila lang ng kanyang anak ang naiwan sa bahay.
Habang busy siya sa pagchecheck ng mga sales nila sa Canada ay may biglang nagdoorbell, kumunot naman ang kanyang noo dahil hindi niya alam kung sino ang bibisita sa kanila, bigla niyang naisip na baka si Cain ito kaya dali dali siyang naglakad papuntang pinto para buksan iyon.

Nakangiti pa siya ng pihitin ang pinto. "Cainnnn." bulalas niya pagkabukas ng pinto

Ngunit mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapagtanto na hindi ang kaibigan ang nasa harapan niya ngyon kung hindi ay si Thunder, ang taong iniiwasn niyang makita.

"You look disappointed Jewel, dahil ba hindi si Cain ang bumisita?"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ng binata

"Don't ask me that question Jewel, alam kung alam mo kung ano ang pakay ko kung bakit ako nandito ngsyon." diretsong sabi nito

Biglang nakaramdam ang dalaga ng kaba dahil sa sinabi nito. Nababakas niya sa boses ng binata ang kaseryosohan nito.

"Shall I come in? Diba dapat pag bisita ay pinapapasok mo muna? Hindi mo naman siguro gugustuhin na dito tayo sa labas mag usap." dagdag pa nito

Halos manlambot na si Jewel, pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina dahil sa taong kaharap niya. 
Wala siyang nagawa ng pumasok at ito, kaya sumunod na lamang siya rito.

"Ano ba talaga ang sadya mo dito Thunder?" tanong ulit nito na pinipilit itago ang kaba na nararamdaman.

"Do you really want me to answer that question Jewel? I want an answer! I want the truth!" madiin na saad nito na mas nagpadagdag ng kaba niya

"W-what do you mean? W-wala akong alam sa sinasabi mo." sagot nito

Ngumisi naman sa kanya ang binata. "Really? Bakit ka na uutal?" tanong nito. "Kilalang kilala kita alam mo 'yan. You can't lie to me." dagdag pa nito

Halos hindi alam ni Jewel ang magiging reaksyon, hindi niya alam kung paano tatakasan ang lalaking nasa harap niya dahil alam niyang wala na siyang kawala at walang tutulong sa kanya ngayon.

"Pwede ba Thunder, kung wala ka naman sasabihin o kailangan umais kana. Marami pa akong gagawin." matigas na anas niya

"Your son, magkamukha kami diba Jewel? Ano saa tingin mo ang iniisip ko ngayon?" seryosong turan nito.

Sunod sunod na paglunok ang ginawa ni Jewel, alam niyang darating ang araw na mangyayari ito, pero hindi niya pa napaghahandaan ang bagay na ito. Alam niyang matalino si Thunder kaya alam niyang bago pa ito pumunta at humarap sa kanya ay may alam na ito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon