Chapter 15

2.4K 35 1
                                    

Dark POV

Nandito ako ngayon sa isang cafe kasama ang girlfriend kung kanina pa ay mainit ang ulo. Hinahanap niya ang kaibigan niyang si Jewel dahil hindi raw nito sinasagot ang mga tawag niya, kanina niya pa ako pinipilit na tawagan o puntahan namin si Thunder para natungin.

"Babe, pwede maupo ka muna? Kanina pa ako nahihilo sa ginagawa mo." kako sa kanya na tiningnan lang ako ng masama.

"Tawagan mo na kasi 'yang dyablo mong kaibigan!" inis na turan niya

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang phone ko para tawagan si Thunder, dahil kapag hindi ko pa 'yon ginawa ay siguradong hindi titigil ang isang 'to.

Nakailang tawag na ako kay Thunder pero hindi man lang ito sumasagot.

"Oh ano na? Ano sabi? Nasaan daw?" atat na tanong ni Calliyah sakin

"Hindi sinasagot ni Thunder."

Napairap naman ito at sabay na umupo sa tabi ko. Alam kung nag aalala lang siya para sa kaibigan niya, pero alam ko naman na okay lang 'yon sa puder ng kaibigan ko.

"Babe, puntahan na natin si Thunder." pagsusumamo nito

"Hindi ko alam babe kung nasaan ang kaibigan kung 'yon hindi niya sinasagot ang tawag ko. Huwag ka nga ma paranoid diyan, baka busy lang si Jewel kaya hindi nasagot tawag mo." saad ko

"Seriously Dark? Busy? Ilang araw na busy pa rin? Eh wala naman ginagawa 'yon sa bahay nilang dalawa ni Thunder!" she burst out

"Malay mo kung busy sila ni Thunder, tapos pupunta ka doon at manggugulo." anas ko

Mabuti naman at tumahimik na ito at hindi na nagpumilit pa. Umorder na lang kami ng makakain.

Kahapon lang kami nakabalik galing sa Paris dahil nagbakasyon kaming dalawa.

Nagkaroon kami ng problema dati at pumunta ng ibang bansa si Calliyah kaya no'ng nalaman kung bumalik na siya rito ay agad ko siyang kinausap at hindi na ulit pinakawalan pa.

Hindi din natagal ay dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Ang akala ko ay nakalimutan niya na ang kaibigan niya ng bigla na naman itong magsalita.

"Babe, hindi talaga ako mapanatag hanggang hindi ko nakikita o nakakausap man lang si Jewel." aniya

Ibinaba mo muna ang hawak kung kutsara at tinidor at saka siya tiningnan ng masinsinan. "Huwag kang praning babe, ang likot likot kasi ng isip mo kaya kung ano ano ang sinasabi mo. Okay lang ang kaibigan mo, hindi naman iyon pababayaan ni Thunder." pangungumbinsi ko

Tumango lamang siya at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Kahit ako hindi ko din alam kung okay ba si Jewel o hindi, alam kung hindi maganda ang relasyon nila ng kaibigan ko pero sigurado naman ako na hindi naman gagawa si Thunder ng makakasira sa kanila at sa pamilya nila.

Ang pinagtataka ko lang kung bakit wala sa opisina si Thunder, ang sabi ng sekretarya niya at hindi pa ito pumapasok at ng tinawagan ko naman si Cain hindi din ito sumasagot.

Iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang tungkol sa dalawa kung kaibigan, soguro mga busy lang talaga ang mga iyon.

"You know what babe, hindi ko talaga maintindihan ang kaibigan mo. Okay naman sila noon ni Jewel at close ang pamilya nila, pero bakit gano'n ang turing niya sa kaibigan ko simula no'ng ikinasal sila?" biglang tanong na naman ng girlfriend ko

"I don't know babe, hindi ko din alam kung bakit. Siguro may dahilan si Thunder." sagot ko

"At ano naman 'yon? Tama ba na saktan niya ang asawa niya? Sana hindi na lang siya pumayag sa kasal kung ganyan lang din naman."

"Sa tingin mo pag hindi siya pumayag hindi na matutuloy ang kasal? Wala naman siyang choice babe, let's hope for the better, malay mo sooner magiging maayos din sila." wika ko

"I hope so babe, masyado na akong naaawa sa kaibigan ko, Jewel don't deserve this." aniya

Matapos namin kumain ay niyaya ko muna si Calliyah na mag ikot sa mall, para kahit papaano mawala ang pag aalala niya sa kaibigan.

FAST FORWARD

1 Months Later

Nakangiting nagmamaneho si Cain habang si Jewel naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi nito.

Kakagaling lang nila sa hospital para sa huling check up ng dalaga. Tuwang tuwa siyang malaman na naging maayos na ulit ito kahit alam niyang hindi pa talaga tuluyang magaling ito sa trauma at depresyon pero masaya pa rin siya na kahit papaano ay bumabalik na ulit ang sigla ng kaibigan.

Bukas ay aalis na sila papuntang Canada at doon ipagpapatuloy ang buhay ng dalaga, malayo sa sakit, pagdurusa at lalong lalo nasa kanyang asawa.

"Hey, masyado yatang malalim ang iniisip mo." pagkuha niya sa atensyon ng dalaga

Agad naman napatingin ito sa kanya ng nakangiti. "Wala naman, iniisip ko lang kung paano ako nakasurvive sa pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan.

"You're strong Jew! Sabi nga ng doctor 'yong mga dumadaan sa ganitong sitwasyon ay matagal nakakarecover, but look at you now. Sa loob ng dalawang buwan nakaya mo." wika ko

"Thank you Cain, thank you for everything! Sa lahat ng naitulong mo sakin at sa hindi pag iwan sa akin."

"Kaibigan kita at nandito lang ako palagi para sayo."ngiting saad ko

"Pwede ka naman na huwag sumama sa akin sa Canada, tama na 'yong isang buwan na pag aasikaso mo sa akin. Kailangan ka din dito sa Pilipinas at ng kompanya niyo."

"It's okay, mas gusto kung samahan ka muna doon kahit ilang araw o linggo lang, gusto kung makasigurado na okay ka." pamimilit ko

"May magagawa ba ako? Knowing you hindi ka papatalo." aniya na natatawa

"Alam mo naman pala tapos makikipagbangayan ka pa sa akin?"

"Hindi na nga! Ahm. Cain, pwede ba tayo muna dumaan sa mcdo? Ibili mo naman ako ng nuggets, sundae, friends, choco float at pie."

Napataas naman ang kilay ko."Mauubos mo ba lahat ng 'yan? At kailan ka pa kumain ng pie? Alam ko hindi ka naman kumakain niyan." tanong ko

"Obcourse! Mauubos ko 'yan, kaya nga nagpabili ako diba? Hmm. Bakit ba eh sa gusto ko kumain ng pie eh! Huwag kana kasi masyadong matanong."

Tumango na lang ito bilang sagot at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ilang linggo ng napapansin ng binata ang pag iiba sa dalaga. Madalas itong pabago bago ng mood at lumalakas ito sa pagkain. Hindi niya na lang masyadong binibigyan ng pansin dahil baka bumabawi lang ito sa ilang linggo na hindi siya masyadong kumakain dahil sa mga nangyayari sa kanya.

Nang makarating sila sa Mcdo ay mabilis lang sila umorder at nag take ng pagkain na gusto ng dalaga para makauwi na dahil mag aayos pa sila ng gamit.

Halos 30 minutes din ng makarating sila sa gotel kung saan namamalagi ang dalaga, pagkarating nila sa suit ay mabilis na sumalampak sa sofa ang dalaga at sinimulan ng kainin ang kanyang pinabili sa mcdo.

" Oh dahan dahan lang mabilaukan ka! Para kang hindi pinakain ng ilang araw." natatawang wika ni Cain.

Inirapan lang siya ng dalaga at nagpatuloy sa pagkain.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon