Chapter 35

2.1K 40 15
                                    

Thunder POV

Pagkatapos ng naging usapan nila ni Jewel ay dumiretso siya sa condo ni Cain, ngunit wala dito ang binata. Alam niya na rin na ang kaibigan ang kasama ni Jewel noong mga panahong umalis ito sa kanyang puder. Noong araw na malaman niya lahat sa private investigator ay mabilis na pinuntahan niya agad si Cain noong una ay hindi naging maganda ang naging usapan nila, nasuntok pa siya ng kaibigan ng ilang beses, pero kalaunan ay nagkaayos din sila noong pinaliwanag ni Thunder ang lahat.

Iisa na lang ang gusto niyang mangyari ngayon, 'yon ay ang makasama ang mag ina niya at maging buo silang pamilya. Sobrang saya ang naramdaman niya noong malaman na may anak sila ni Jewel at nalaman niya rin kay Cain na wala pa itong kasintahan na iba. Kaya hindi din siya nagsayang ng oras kinaumagahan ay pumunta agad siya sa bahay nila Jewel para kausapin ito at kumpirmahin ang katotohanan sa mismong asawa, ngunit noong una ay mukhang wala itong plano na sabihin sa kanya mabuti na lang at dala dala niya ang DNA test result na binigay din ni David sa kanya para kung sakaling itanggi ni Jewel ang totoo ay may pinanghahawakan siyang katibayan dito.

At ngayon pinoproblema niya ang kanyang anak, labis ang lungkot at sakit ang nararamdaman ng makitang ayaw sa kanya ng sariling anak. Hindi niya ito masisisi dahil lumaki itong hindi siya kasama at ayon na rin kay Jewel ay alam nito ang buong pangyayari kung bakit hindi sila magkasama, kaya alam niyang galit ito sa kanya dahil sa ginawa nito noon sa kanyang ina. Labis niya an iyong pinagsisihan at handa siyang harapin at gawin ang lahat para makuha lang ang pagpapatawad ng mga ito, hindi siya makakapayag na muli pang mawala sa kanya ang mag ina.

Iniisip niya na kasalalan iya din naman ang lahat kung bakit nangyaari ang mga bagay na ito, dahil kung sana naging mabuting asawa lang siya noon kay Jewel ay marahil masaya na sila ngayon, kung hindi niya sana sinaktan ang asawa sana hindi humantong sa ganitong sitwasyon.

Kinuha niya ang kanyang telepono para tawagan si Cainat yayain na uminom, hindi niya mayaya si Dark dahil alam niyang hindi ito pwede ngayon dahil buntisa ang kasintahan na si Calleigh. Nakailang ring lang ng sagutin ito ng kaibigan. "Napatawag ka T?" tanong ng nasa kabilang linya

"Nasaan ka? Are you with Monique?" he asked

"Hindi ko siya kasama, may pinuntahan siyang kaibigan. Pauwi na ako ngayon. Bakit?"

"Tara uminom tayo." yaya niya rito

"Mukhang problemado ka ha. Nasaan ka at ng mapag usapan natin 'yan?"

"Nandito ako sa condo mo kaya bilisan mo na lang." aniya sabay end ng call

Agad na siyang pumasok sa condo ng binata, alam niya naman ang password ng pinto nito. Sa loob niya na lang hihintayin ito. Pagkapasok niya ng unit ay dumiretso agad siya sa ref. para kumuha ng mga alak. Inilagay niya ito sa isang tray at dinala papuntang sala at nagsimula ng uminom habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan.

Wala pang sampung minuto ang nakalipas ng dumating si Cain. 

"Ang tagal mo naman," reklamo nito ng makaupo ang kaibigan.

"Anong matagal, binilisan ko na nga para makauwi agad." napailing pa ito bago kumuha ng isang boteng alak.

"Anong nangyari sa pagpunta mo kanila Jew?" tanong nito

Nilapag muna ni Thunder ang hawak na alak bago sumagot. "Hindi naging magada ang nangyari." aniya

"Bakit? Anong nangyari?" 

"Noong una nagmamatigas pa si Jewel at ayaw umamin." panimula nito

"Para namang hindi mo pa kilala ang asawa mo, eh ganyan naman talaga siya at hindi mo din siya masisisi after what happen to the both of you."

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon