Chapter 84

676 10 0
                                    

Jewel POV

Kadarating ko lang sa Baguio mabuti na lang at mabilis ang naging byahe kahit na maga pa ang mga mat ko ay pinilit ko talagang makaalis at makalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta may mahanap lang ako na pwedeng marentahan dito ay maayos na sa akin.

Gusto ko munang makapag isip sip dahil sa ngayon ay magulo ang isipan ko at gusto ko ng peace of mind. Habang naglalakad lakad ako ay may nakabangga akong babae na may mga dala. "Ay sorry po, hindi ko po kayo napansin." hinging paumanhin ko.

"Ayos lang iha, hindi din kita napansin dahil sa iba ako nakatingin. Mukhang may hinahanap ka iha?" tanong nito sa akin.

Nagkamot naman ako sa ulo ko. "Ah eh, meron nga po, naghahanap kasi ako ng pwedeng marentahan eh." sagot ko naman.

"Bago ka lang ba sa lugar na ito?"

"Opo eh." anas ko.

"Pwede ka sa bahay, mayroon pang bakanteng kwarto do'n pero hindi nga lang kalakihan at kung gusto mo naman ay may hotel sa kabilang barangay." wika nito.

"Talaga po meron sa inyo? Ayos na po 'yon hindi naman ako naghahanap ng malaki at importante ay may matutuluyan ako." anas ko/

"Kung gano'n ay pwede kang sumama sa akin, may makakasama ka naman sa bahay,"

"Anak niyo po?" tanong ko.

"Hindi ko siya tunay na anak, nagkaroon siya dati ng aksidente at nakita siya ng asawa ko kaya tinulungan niya ito. Kaya kinupkop na lang siya namin at tinuring na parang tunay na anak."

Tumango naman ako sa kanya ay sumabay na sa kanya dahil pauwi na din naman siya. Hindi din naman kalayuan ang bahay nila kung saan kami naroroon, sumakay lang kami ng isang tricycle para makauwi agad.

"Halika na iha sa loob, huwag kang mahihiya." yaya nito sa akin, kung tutuusin ay maganda at malinis ang kanilang bahay. Hindi siya kalakihan katulad ng bahay namin pero kasya na ito para sa isang pamilya.

"Nasaan po ang asawa niyo manang?" tanong ko dahil naalala ko na nabanggit niya kanina na may asaw siya,

Ngumiti naman ito sa akin. "Namatay na siya no'ng isang taon pa kaya kami na lang ni Marga ang magkasama ngayon." saglit akong natigilan dahil sa pangalan na nabanggit niya.

"Oh bakit iha may problema ba?" tanong nito sa akin na mukhang nahalata ang naging reaksyon ko.

"Wala naman po, may naalala lang ako sa nabanggit niyong pangalan. May kakilala din kasi ako." sagot ko naman.

"Ah gano'n ba? Eh nasaan na siya ngayon?"

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. "Patay na po siya eh, nakasama ko siya sa isang aksidente at ako lang po ang nakaligtas." sambit ko.

"Kaya pala gano'n na lang kalungkot ang mukha mo ng mabanggit ko ang pangalan niya. Feel at home ka lang muna diyan ha? Magluluto lang ako ng makakain natin at mayamaya ay nandiyan na din si Marag, baka naglibot libot lang kasi 'yon."

Tumango naman ako at dumiretso na lang sa kwarto kung saan ang tinuro ni manang para maayos ko na din ang mga gamit ko. Hindi naman madami ang dinala ko sapat lang para sa akin. Pwede naman akong bumili.

Inilabas ko lang a bag na dala ko ang mga damit ko at inayos sa cabinet at pagkatapos ay nahiga na muna ako sa kama dahil nakaramdam ako ng antok.

Nagising lang ako ng marinig ko na parang may kumakatok sa pinto ko kaya napabangon na ako para buksan 'yon.

"Ate kakain na daw ---" natigi sa kanyang sasabihin ang babaeng kaharap ko ng makita ako at gano'n din naman ang reaksyon ko ng makita siya.

Hindi ko akalain na makikita ko siyang buhay dahil ang akala ko ay matagal na siyang patay.

"Margaaa." mahinang sambit ko.

"A-ate Jewel." halos maluha luha niyang saad.

Mabilis ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Alam kung hindi pa kami nakakapag usap ng maayos noon ng mangyari ang aksidente at dahil sa pag aakala namin na tuluyan na siyang namatay ay hindi ko lubos maisip na makikita ko siya ngayon.

"Oh mga anak anong nangyayari sa inyo diyan? Inutusan ko si Marga na tawagin kana niya para makakain na tayo." biglang sulpot ni Manang.

Agad ko naman sinabi sa kanya na ang naikwento ko sa kanyang kakilala ko at si Marga na kasama namin ngayon ay iisa. Halos hindi siya makapaniwala na darating ang araw na matatagpuan ni Marga ang isa sa kakilala niya dahil nahihiya ito na lumapit sa kanyang mga magulang kaya mas pinili niyang manatili dito kasama si Manang.

Sabay sabay naman kaming kumain habang nagkwekwentuhan. At pagkatapos ay sinabi ni Manang na siya na ang magliligpit at mag usap na lang kaming dalawa ni Marga dahil alam niyang may mga kailangan pa kaming pag usapan. Kaya pumunta na lang kaming dalawa sa veranda kung saan my magandang view na natatanaw.

"Kamusta ka naman?" tanong ko sa kanya.

"Ito ate maayos naman." nakangiti niyang sagot.

"Hindi ko alam na nandito ka lang pala, ang akala ko ay namatay ka sa nangyaring aksidente." anas ko.

"Iyon din ang akala ko ate, sadyang masamang damo siguro talaga ako kaya hindi namatay, pero mas naniniwala ako na niligtas ako ni Kuya Daven, siya ang naging guardian angel ko ng mga oras na 'yon. Iyon nga lang ay nawalan ako ng isang paa pero okay lang kasi buhay naman ako." malungkot na wika niya.

"Ano ba ang sabi ng doctor? Makakalakad ka pa naman diba? Pwede pang lagyan 'yan para magsilbing isang paa mo." ani ko.

'Pwede pa naman ate, kaso syempre hindi ko na itinuloy dahil masyadong malaking pera ang kailangan para mangyari 'yon."

"Bakit hindi mo pinaalam sa parents mo na buhay ka, they suffered a lot ng malaman na wala ka na." wika ko.

Ngumiti naman siya ng mapait. "Hindi ko ginawa ate dahil nahihiya ako sa kanila, sa lahat ng mga nagawa ko na nadamay sila. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila."

"Alam mong mahal na mahal ka ni tita at tito at matatanggap ka nila kahit ano pa ang nagawa mong mali dahil anak ka nila. Ikaw na lang ang meron sila." pagpipilit ko.

"Sana gano'n lang kadali ate, pero naniniwala ako na darating din tayo sa oras na 'yon na haharapin ko sila ulit at humingi ng tawad. Ikaw ate bakit ka nandito? Nasaan si Kuya Thunder at si Storm?"

Napayuko naman ako dahil sa kanyang tanong, wala pang isang araw ay namimiss ko na ang asawa at anak ko pero hindi naman ako pwedeng bumalik do'n. Ikwenento ko naman kay Marga ang nangyari kung bakit ako napadpad dito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon