Chapter 79

570 6 0
                                    

Jewel POV

Ang bilis lumipas ng mga araw at ngayon ay sabado na naman, namimiss ko na ang anak ko kahit kasama naman namin siya nitong mga nakaraang araw. Hiniram na naman kasi siya ng kanyang lolo at lola.

Nasa tabi ko ngayon ang asawa ko na hanggang ngayon ay tulog pa, marahil ay madami na naman trabaho sa opisina. Pero ayos lang kasi sa susunod na linggo ay magbabakasyon kaming mag anak 'yon kasi ang gusto ni Thunder.

Dahan dahan kung tinanggal ang kamay nitong nakayakap sa akin at bumango na, dahil maaga pa naman ay ako na lang ang magluluto ng almusal. Hahayaan ko na lang muna matulog ang asawa ko dahil pagod din ito kaya mas mabuting makapagpahinga muna siya.

Naalala ko din pala na kagabi ay tumawag sa akin si Jhazzy at nangangamusta, niyaya ko pa siyang dumalaw dito sa bahay at pupunta 'yon dito mamaya kaya kailangan makapagluto na ako at makapa ayos.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na, pero pagpasok ko ng kusina ay nagsisimula ng magluto ang isang kasambahay namin.

"Good morning ma'am, ang aga niyo naman nagising." bati nito sa akin.

"Maaga din kasi akong nakatulog kaya maagang nagising. Akala ko tulog ka pa ako na sana ang magluluto ng almusal." ani ko.

"Maaga din kasi ako nagising kaya nagluto na ako. Gusto niyo po ba ng kape?" tanong nito sa akin.

Tumango naman ako. "Ako na ang magtitimpla manag, ituloy niyo na lang 'yang ginagawa niyo. Magkakape lang muna ako at mamaya na kakain may darating kasi akong bisita."

Tumango naman ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa at ako naman at kumuha ng tasa at nagtimpla na ng kape.

Pagkatapos ko ay nagpaalam na ako na aakyat pabalik sa kwarto dahil maliligo na ako. Dinala ko na lang ang kape ko para mainom ko ito, pagpasok ko sa kwarto ay pinatong ko muna ang tasa sa mini table at kumuha ng damit sa cabinet.

Akmang papasok na ako sa banyo ng tumunog ang phone ko, tiningnan ko muna ito at nakita kung may message mula kay Jhazzy.

Hi Jewel, I'm on my way na.

Pagkasaba ko no'n ay nireplyan ko lang siya at pumasok na sa banyo, binilisan ko lang ang paliligo ko dahil baka dumating na si Jhazzy. Tamang tama ang pagpunta niya dito dahil makikilala niya na ang asawa ko.

Halos limang minuto lang ang ginawa kung pagligo at lumabas na sa banyo, naglagay lang ako sa light make up at saka lumabas na ng kwarto.

Umupo lang ako sa sala habang hinihintay ang pagdating ni Jhazzy, binuksan ko muna ang tv para manood ng k-drama. Mayamaya pa ay may nag door bell na sa pinto kaya tumayo na ako para pagbuksan ito.

Bumungad sa akin ang nakangiting si Jhazzy. "Ang laki ng bahay niyo ha, iba talaga ang laking mayaman at isama mo pa na mayaman din ang asawa mo." anas niya.

"Ano ka ba, akala mo naman ikaw hindi mayaman. Halika pasok kana." aya ko sa kanya.

Dumiretso na kami sa may pool area at nagpadala na lang ako kay manang ng makakain, nasa kalagitnaan kami ng pagkwekwentuhan ng makita ko ang asawa ko kaya agad ko siyang tinawag at lumapit naman ito sa amin.

"Hon, may bisita pala ako 'yong sinabi ko sayo nakaraan na kaibigan ko." ani ko sa kanya at bumaling naman sa kaharap ko ."Jhazzy ito pala ang asawa ko si Thunder." pagpapakilala ko.

Nakita ko ang pagkabigla ng asawa ko habang nakahawak sa kamay ko.

"Hi Thunder, ikaw pa lang ang asawa ni Jewel. Nice meeting you." wika ni Jhazzy sa asawa ko.

"May problema ba hon?" tanong ko sa asawa ko dahil hindi pa din ito umiimik.

"Wala hon, inaantok pa din kasi ako." sagot naman nito sa akin.

Nagpaalam muna ako saglit dahil may kukunin lang ako sa loob, naiwan naman silang dalawa dahil kasabay na naming kumain ang asawa ko.

Thunder POV

Nang makaalis ang asawa ko dahil may kukunin ito sa kwarto ay mabilis kung hinila ang braso ni Jhazzy, hindi ko alam na siya pala ang tinutuloy ng asawa ko na nakilala niyang kaibigan. Ayaw ko na maging close sila sa isa't isa dahil wala akong tiwala sa babaeng 'to.

"Aray Thunder, masakit." reklamo niya.

"Anong ginagawa mo dito?" madiin na tanong ko.

"Inimbitahan lang ako ng asawa mo dito, hindi ko naman pwedeng tanggihan 'yon." asagot naman ni Jhazzy.

"Layuan mo ang asawa ko!" seryosong turan ko.

"Why? Magkaibigan lang naman kami, you don't need to worry dahil wala akong sasabihin sa kanya kung 'yan ang inaalala mo."

"I don't trust you! Sana ito na ang huling magkikita kayo." anas ko.

"Hindi mo ako kailangan utusan ng gagawin ko o hindi ko gagawin Thunder. Hindi mo ako mapapalayo sa buhay ng asawa mo. Kung ako sa'yo sabihin mo na lang sa kanya na may anak ka sa iba."

"Shut up! Itikom mo 'yang bibig mo, baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita Jhazzy. Siguraduhin mo lang na wala kang sasabihin sa asawa mo kung hindi ako ang makakalaban mo." madiin na wika ko.

"Are you treathening me? Oh I'm scared. Kahit ano pang gawin mong pagtatago ay lalabas at lalabs din ang totoo. Malalaman din 'yan ng asawa mo."

"Tama ka lalabas din naman ang totoo, kaya maghintay ka lang. Ako ang magsasabi sa asawa ko at hindi ikaw." saad ko at binitawan ang kanyang braso.

"What's wrong?" rinig kung tanong ng asawa ko, nakabalik na pala ito.

"Wala naman Jewel, natapon lang 'yong juice kaya napatayo ako. Diba Thunder?" sagot naman ni Jhazzy.

"Oh nabasa ka ba? Gusto mong magpalit?" wika ng asawa ko.

"No need na, hindi naman ako nabasa. And also Jewel aalis na din ako may kailangan kasi akong puntahan na importante." pagpapaalam ni Jhazzy.

"Ay gano'n ba? Sayang naman. Sige next time ulit."

"Sure." sagot niya naman.

"Ihahatid na kita sa labas." sabi pa ng asawa ko.

"No need hon, si manang na ang maghahatid sa kanya right Jhazzy?." singit ko naman dahil nakita ko ang katulong namin na palapit at may dalang tray ng almusal ko, ayaw kung magkausap pa sila.

"Oo nga naman Jewel, para sabay na kayo kumain ng asawa mo." segunda naman ni Jazzy at sumabay na kay manang paalis.

Umupo na ako at gano'n din ang asawa ko.

"Huwag kang masyadong makikipag usap sa kanya." biglang saad ko.

"Why?"

"Wla lang akong tiwala sa kanya. Kagaya ng sabi mo na nakilala mo lang siya sa mall, hindi natin alam kung saan siya galing, kung mabuti siya o masama. Baka mamaya mapahamak ka pa." paliwanag ko.

"Mabait siya hon, no need to worry."

"Just follow me hon." pagpupumilit ko.

"Oh ang aga huwag magsalubong ang kilay mo, huwag na nga natin pag usapan 'yon."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain, kailangan ko ng makaisip ng paraan para mailayo ang asawa ko kay Jhazzy, hindi ako magiging panatag kapag nasa paligid lang siya ni Jewel. Isang linggo pa ang hihintayin ko para malaman ang buong background ng babaaeng 'yon.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon