Chapter 36

1.9K 32 5
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula noong nangyari sa kanilang bahay ni Jewel, mabuti na lamang at hindi na ulit bumalik pa doon ang binata at tungkol naman kay Storm ay naging maayos na ito kahit papaano at sinusubukan din ni Jewel na kausapin ito tungkol sa kanyang ama.

Kasalukuyang nasa mall ngayon si Jewel dahil may binili ito, kagagaling niya lang sa paaralan kung saan papasok ang kanyang anak kagaya ng gusto ng kanyang magulang. Habang nag iikot ikot siya sa mall ay may nadaanan siyang isang sweet cafe kaya pumasok siya rito para kumain at mag order na rin ng take out para sa anak. Hindi niya kasama ang anak dahil tulog pa ito noong paalis siya, naiwan ito sa kanyang nanny.

Nanag makapag order na siya ay naghanap siya ng bakanteng mauupuan, ilang minuato lang ay agad din namang dumating ang kanyang inorder kasama ang nakabalot na take out, habang kumakain siya ay naaptingin siya sa dalawang babae na kakapasok lang, umorder ang mga ito sa counter. Nang tinitigan niya ng mabuti ay nakilala niyang si Monique ito ngunit hindi niya kilala ang kasama pero nasa isip niya na parang pamilyar ito sa kanya hindi niya lang maalala.

At nang makaorder na ang dalawa ay iwinagayway ni Jewel ang kanyang kamay para maagaw nito ang atensyon ng dalawa, nang makita siya ni Monique ay agad itong ngumiti at lumapit sa kanya kasabay nung babaeng kasama niya.

"Hi Jewel, nandito ka rin pala. Sino ang kasama mo?" tanong nito at nakipagbeso sa kanya

"Ako lang mag isa, may binili lang kasi ako eh." sagot niya naman, "Kaibigan mo?" dagdag niyang tanong.
Pero bago pa si Monique makasagot ay naunahan na siya ng kaibigan. "Hi, I'm Margaux. Kaibigan ako ni Monique." pagpapakilala nito

"Nice to meet you." nakangiting sagot naman ni Jewel

"Jew, can we share table na lang? If it is okay." saad ni Monique.

"Oo naman, wala din naman akong kasama eh," sagot nito

Saktong pagkaupo nila ay ang pagdating din ng kanilang order kaya nagsimula na silang kumain ng biglang magsalita si Magaux. "What is it Jewel? May gusto ka bang itanong? Napapansin ko kasing kanina mo pa ako tinitingnan." natatawa na ito.

"Wala naman, kanina kasi nung nakita kita parang pamilyar ka sa akin, hindi ko lang maaalala kung nagkita naba tayo o hindi."

"Obcourse Jewel, we have meet before. I will introduce to you myself again, baka kasi hindi mo na ako maalala. I'm Margaux Villafuerte, sister of Daven." saad nito

Gulat ang namutawi sa kanyang mukha. "Ikaw na 'yan Marga? Mas gumanda ka lalo." bulalas nito na halos hindi makapaniwala na kaharap niya ngayon ang kapatid ng kanyang matalik na kaibigan, kaya pala pamilyar ito sa kanya.

"Yes ate, I thought na makikilala mo ako." aniya

"Kanina pa nasa isip ko na pamilyar ka sa akin kaso hindi ko lang talaga maalala. Ilang taon na rin ang nakalipas kasi."

"Yeah you are right. It's been a years." mapait na sabi nito

"Kamusta naman? Sila tita?"

"Ito unti unti ng nakakamove on sa pagkawala ni kuya and about our parents okay naman sila, nasa ibang bansa pa rin sila at nag aasikaso ng business." sagot nito

"Mabuti naman kung ganun na okay sila. Namiss ko din sila kasi, and about to what happen to Daven I apologized for it Marga, nang dahil sa akin namatay siya."

"I'm sure they miss you too. Huwag mong sisihin ang sarili mo, desisyon ni kuya na iligtas ka. Right Monique? So don't blame yourself."

Napatingin naman ako kay Monique dahil napapasin kung kanino pa ito tahimik at hindi masyadong umiimik, para siyang may gusto sabihin pero hindi niya magawa. Hindi ko na lang din tinanong dahil baka tinatamad lang ito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon