Chapter 58

881 15 0
                                    

Maagang nagising si Thunder dahil may mga kailangan pa siyang ayusin sa opisina, maayos ang takbo ng kompanya kaya sinisigurado niya na walang magiging problema ito. Matagal ng nag merge ang Alcantara-Dawson simula pa lang ng maikasal sila ni Jewel kaya ayaw niyang madumihan ang pangalan ng dalawang pamilya.

Bago siya tuluyang umalis ng kanilang bahay ay dumaan muna siya sa kwarto ng kanilang anak, nakita niyang mahimbing pa na natutulog ang kanyang asawa, umupo siya sa gilid ng kama at maingat na hinawakan ang mukha nito, plano niyang kausapin ito mamaya pagkauwi niya para magkaayos na sila. Nagtagal pa siya ng ilang minuto habang nakatitig lang sa dalaga at maya maya ay hinalikan ito sa noo at tumayo na para umalis.

Ilang minuto ang lumipas ng umalis si Thunder ay ang pag gising din ni Jewel, ilang beses pa siyang tumingin tingin sa paligid ng kwarto bago niya napagtanto na wala hindi pala siya nakabalik sa kanilang kwartong mag asawa, napabuntong hininga na lang siya ng maalala ang naging sagutan nila.

Maya maya pa ay nakaramdam na siya ng gutom kaya tumayo na ito para kumain, pagbaba niya ay may nakahanda ng almusal sa lamesa. Kakasimula niya pa lang sa pagkain ng may marinig siyang boses na biglang nambulabog sa kanilang bahay.

"Yow Jew, pakain din ng almusal," turan nito at nagsimula ng kumuha ng pagkain.

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah, wala ka bang trabaho?"

"Aww, Bawal naba ako dito? You are hurting my feelings. Kahit naman anong oras ako pumasok pwede."

"Sus arte! Ginagamit niyo pa pagiging boss niyo," anas niya.

"Nasaan pala si Thunder?"

"Maaga siyang umalis," maiksing sagot ng dalaga at kumain na ulit.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?" seryosong tanong ni Cain.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jewel bago umiling.

Natawa naman ang binata. "Anong nakakatawa?" inis na tanong ng dalaga.

"Kayong dalawa, masyadong mataas ang pride niyo. Grabe naman kung magselos si Thunder ilang araw ang inaabot tapos ikaw naman manhid ka."

"Ewan ko sayo! Kung makapagsalita ka diyan akala mo naman ang tino mo," biro nito na ikinatawa lang din ng binata.

Madami silang napagkwentuhan hanggang sa natapos silang kumain. Nanatili pa ng ilang oras si Cain pasado alas kwatro na rin ng hapon ng magpaalam ito para umalis, ang sabi nito ay pupuntahan niya si Thunder sa opisina para kausapin ayaw niya din naman na mag away ng matagal ang mag asawa dahil lang sa kanya.

Naabutan niyang tutok na tutok sa kanyang laptop ang kaibigan na hindi man lang nito binigyan ng pansin ang pagdating niya.

Maya maya pa ay tumikhim siya kaya nakuha nito ang atensyon ng kaibigan. Kunot noo siya nitong tiningnan. "Anong ginagawa mo dito? Oras ng trabaho ngayon ah, bakit ka nandito?" taning nito at nagpatuloy sa ginagawa.

Umupo naman si Cain bago sumagot. "Tinatamad ako pumasok kaya bukas na lang, wala naman akong gagawin doon at wala din akong meeting. Tara mag bar! Masyadong kang tutok diyan."

"Hindi kasi ako pabayang katulad mo."

"Hoy grabe ka Thunder ha, anong akala mo sa akin hindi matinong boss?"

Tiningnan naman siya nito."Tinatanong pa ba 'yan? Mas matino pa nga sa 'yo si Dark."

"Hindi naman ako babaero at isa pa okay na 'yon basta kumikita at hindi nalulugi. Tara na kasi," pagpupumilit nito

Wala namang nagawa si Thunder kung hindi ang pumayag alam niyang hindi siya nito titigilan hanggat hindi umooo.

Isinara nito ang kanyang laptop at inayos ang mga papeles na nasa mesa. At ng magawa niya na ito ay inayos niya ang suot na coat at sabay na silang umalis sa opisina. Hindi nila maisasama si Dark ngayon dahil wala ito at nasa ibang bansa kasama si Calleigh dahil gusto ng mga magulang nila na doon ito manganak.

Pasado ala sais na ng gabi ng makarating sila sa bar, naghanap agaad sila ng mauupuan dahil isa naman sila sa VIP dito kaya may upuan at lamesa na nakalaan para sa kanila.

Habang umiinom silang dalawa ay naalala ni Cain na kakausapin niya pala ang kaibigan tungkol sa asawa nito.

"Anong balak mo?" tanong niya

"Balak saan?" pabalik tanong naman ni Thunder at saka ininom ang hawak na alak.

"Sa inyong dalawa ng asawa mo, I know what happen. Pumunta ako kanina sa bahay niyo at nakapag usap kami ni Jewel. Bro naman ilang araw na ang dumaan ng makauwi tayo galing batangas hindi pa rin kayo nagkakaayos."

"We are trying to talk pero umaabot lang din sa away," maiksing turan nito

"Bro alam mo naman mga bata pa tayo at magkakasama na tayo nila Dark at hindi mo na dapat bigyan ng malisya 'yong nakita mo, alam mo naman na parang kapatid na ang turing ko sa asawa mo at wala akong gusto sa kanya. At isa pa hindi ako pumapatol sa may asawa na at kung papatol man hindi sa asawa ng bestfriend ko," natatawang saad nito

"Gago! At may plano ka pa talagang pumatol sa may asawa na. Alam ko naman na may mali din ako napangunahan lang ako ng selos alam mo naman na hindi pa kami gaanong okay ni Jewel at lalo na si Storm na galit pa rin sa akin. Hindi mo maiaalis sa sakin ang mag isip ng mga bagay bagay lalo na at hindi ko pa lubos na nababawi ang mga ina ko, I need to gain their trust again, magkasama kami ni Jewel at nag uusap pero alam kung hindi niya pa ako napapatawad ng lubos," aniya

"Para saan pa at magiging maayos din kayong pamilya. Tiyaga lang at effort makukuha mo din sila, mabait na bata si Storm kaso halata din naman na may pinagmanahan kaso hindi sa ina nagmana ng ugali kung hindi sa ama."

"Anong ibig mong ipahiwatig, ha? Anong gusto mo sayo magmana ang anak ko. Huwag na, lalaking sutil 'yon." wika nito

"Hoy grabe ka ah, kung sa pagmamanahan ng ugali na lang rin ang usapan aba mas maganda nga kung sa akin nagmana ang batang 'yon. Kaso hindi eh kitang kita kung kanino nagmana."

Napailing na lang si Thunder dahil sa kaibigan.

"EH ikaw? Wala ka bang balak na ayusin ang sa inyo ni Monique?"

Saglit na natahimik si Cain dahil sa pagbanggit ni Thunder sa pangalan nito.

"Alam ko ang nararamdaman mo Cain dahil kahit ako ay may galit pa rin kay Monique pero kahit gano'n ay pinapakisamahan ko pa rin siya ng maayos dahil na rin sa asawa ko. Pero halata naman kasing mahal niyo pa rin ang isa't isa." dagdag pa nito

"Hindi kasi gano'n kadali bro, alam mo naman din 'yon. Hindi ko alam kung papaano ko siya pakikitunguhan dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling, mahirap ibalik ang tiwalang nasira. Alam niyo naman na mahirap sa akin 'yon dahil may naging trust issues ako. Yes, I do love her, I really do at hindi naman 'yon nawala. Gusto ko lang muna ng time kasi hanggat hindi ako nagiging okay masasaktan ko lang siya at 'yon ang ayaw kung mangyari," pag amin nito

"Wala din namang pinakaiba bro dahil nasasaktan mo na rin naman siya, the way how you treat her, the way how you take her for granted."

"Darating din ang araw na 'yan bro, ayoko lang madaliin," sabi nito

Hinayaan na lang ni Thunder ang kung ano man ang desisyon ng kaibigan, nakasuporta pa rin naman siya dito. May tiwala siya rito at alam niyang alam nito ang ginagawa niya. Nagpatuloy lang sila sa pag iinom na dalawa.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon