Chapter 25

2.2K 37 1
                                    

4 Years Later ...

Pababa ngayon ng eroplano si Monique habang nakasunod sa likod nito ang isa pang babae na may hawak hawak sa kaliwang kamay nito ang isang batang lalaki.

"Jew bilisan niyo na ng inaanak ko, masyadong excited itong si Cain, akala mo naman ang tagal niyang hindi tayo nakasama eh nauna lang naman siyang umuwi dito two weeks ago." reklamo ni Monique

"Oo na ito na, if I know namimiss mo lang si Cain." pang aasar nito pabalik

Umirap lang ang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi naging madali kay Jewel ang desisyon na umuwi sa Pilipinas, dahil kung hindi lang sa pamimilit ni Cain lalong lalo na ni Calleigh na matalik niyang kaibigan ay hindi ito uuwi.

"Mom are we in the Philippines?" the little boy asked

"Yes baby, you will see you papa ninong and tita ninang already." ngiting sagot ni Jewel sa anak.

Tatlong taong gulang pa lang ang anak niya pero mahahalata mo ng matalino ito, diretso na din ito kung magsalita, marunong itong magsalita ng tagalog dahil tinuturuan din naman niya ito. Kung titingnan mo ng mabuti ang bata ay hindi maipagkakaila na may pagkakahawig sila ng kanyang ama pati ugali.

Habang binabaybay nila ang airport ng biglang nakarinig sila ng nakakarinding boses na alam nila kung kanino 'yon.

"Mercyl!" sigaw ng boses

Mabilis na nakalapit ang kanyang matalik na kaibigan kung saan sila nakatayo. "Miss na miss na kita." wika nito sabay yakap sa kanya.

"I miss you too, Calleigh." nakangiting turan niya at yumakap pabalik sa kaibigan

"Sorry kung hindi ako masyadong nakakapunta sayo do'n, si Dark kasi naghihinala na sa madalas na pagpunta ko ng Canada. Kaya mas pinili ko na lang muna na huwag magpunta. Oh hi Monique." bati niya sa dalaga ng kumalas ito ng yakap kay Jewel

"Hi Calleigh. You look fresh, alagang Dark ah." pang aasar ni Monique

"Stress kamo." biro nito

Ibinaling ni Cali ang kanyang mga mata sa maliit na batang kanina pa nakatingin sa kanya. "How was your flight baby boy? I miss you!" sabi niya at niyakap din ito.

"Hi tita ninang, It's fine. I miss you too." sagot naman ng bata. "Where is papa ninong?" He added

"He's in the comfort room baby, we'll just wait him here." sagot naman nito

Agad naman na tumango ang bata ng biglang may tumikhim sa gilid nila.

"Hey buddy." bulalas nito.

Mabilis na kumalas ang batang lalaki sa hawak ni Calleigh at mabilis na pumunta sa kinaroonan ni Cain.

"Tito ninong I miss you." wika nito ng buhatin siya ng binata

Agad naman na naglakad si Cain palalapit sa kanila habang buhat buhat ang bata. Lumapit ito kay Jewel at hinalikan niya ito sa pisngi bago nilapitan ang kanyang girlfriend at hinalikan sa labi.

Hindi na sila nagtagal pa doon dahil malapit ng magtanghalian kaya napagdesisyunan nila na kumain na lang muna sila sa malapit na restaurant bago umuwi para makapagpahinga.

Halos hapon na ng makarating ang mag ina sa kanilang bahay, agad naman silang sinalubong ng mga magulang. Hinatid sila ni Cain pero agad din itong umalis kasama ang kasintahan na si Monique, samantalang si Calleigh naman ay nauna ng umalis dahil may pupuntahan pa sila ni Dark.

"Anak, dito na lang kaya kayo ng apo ko." anas ng kanyang ina

"If you want mom dito na lang muna si Storm sa inyo ni daddy at ako na lang ang babalik sa Canada." sagot ng dalagang si Jewel

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon