Chapter 50

1.1K 19 2
                                    

Dumating ang araw na pinakahihintay ng magkakaibigan, aalis sila at pupunta sa isang resort sa Batangas para makapagrelax, gusto sana ng mag asawa na dalhin ang kanilang anak pero hindi naman pumayag ang mga magulang nila dahil sila na muna ang mag aalaga dito dahil na miss nila ang bata, wala naman silang nagawa na dalawa.

Ginamit nila ang sasakyan ni Cain para isahang kotse na lang ang gamitin nila dahil malaki naman ito kaya kasya silang anim dito at pati ang kanilang mga gamit. Plano nilang magstay doon ng tatlong araw para naman maging sulit ang kanilang bakasyon, gusto pa sana nilang gawin itong isang linggo ngunit mag mga pasok ang kalalakihan sa opisina.

"Nique diyan kana lang sa tabi ni Cain, tutal siya naman ang magmamaneho eh," wika ni Jewel

Noong una ay nag aalangan ang dalaga dahil baka mas lalo lang magalit si Cain sa kanya pero wala din siyang nagawa ng mauna ng sumakay ang apat. " Ano pa ang hinihintay mo diyan? Kung ayaw mong sumama much better," untag ni Cain at pumasok nasa kotse.

Bumuntong hininga na lang siya at sumakay na din. Hindi niya maipagkakailang sobra na siyang nasasaktan ni Cain hindi lang sa pagtrato nito sa kanya kung hindi pati sa mga salitang binibitawan nito.

"Sino pala ang kausap mo kanina pre?" biglang tanong ni Dark habang nasa kalagitnaan sila ng byahe.

Napatingin naman sa kanya saglit si Cain bago nagdrive ulit. "It's Sophia," maiksing sagot nito

"Woooh! Nag uusap na kayo ulit?" tanong naman ni Thunder.

"Matagal na, we are okay," sagot naman nito.

"W-wait wait, who's Sophia? Iyong pinsan mo hon?" singit ni Jewel na ikinatango naman ni Thunder.

"Sino 'yon? Maliban sa pinsan siya ni Thunder?" segunda naman ni Calli.

"Cain's ex," sagot ni Dark.

Halos hindi naman mapakali si Monique dahil sa naririnig na pinag uusapan ng mga kasama, lingid naman din sa kaalaman niya na marami ng naging ex girlfriend at ex fling si Cain, pero hindi niya ito binibigyan ng pansin dahil nakaraan na ito ang hindi niya maintindihan ay kung bakit interesado siya sa Sophia na ito.

"Ang alam ko uuwi dito si Sophy," anas ni Thunder.

"Kailan? Namiss ko din ang babaaeng 'yon," masayang bulalas naman ni Jewel.

"She's here already in the Philippines," sagot ni Cain.

"Updated ka tol ah, may come back bang mangyayari?" pang aasar naman si Dark na agad binatukan ni Calli at ininguso si Monique na tahimik lang.

Napailing naman sina Thunder dahil dito, minsan talaga ang bunganga ni Dark ay hindi din mapigilan. Wala ng may nagsalita pa sa kanila dahil na rin sa tensyon na nasa paligid nila.

Alam na din naman nila ang totoo na magkaibigan na lang si Cain at Sophia, dahil engaged na ito sa ibang lalaki at isa pa matagal ng tapos ang dalawa hindi pa ikinasal sila Thunder at Jewel ay naghiwalay na ito, pero kahit ganun ang nangyari ay nanatili itong magkaibigan. Halos lahat naman sila kaibigan si Sophia maliban na lang kay Calli at Monique na hindi pa ng mga ito kilala ang dalaga.

Ilang oras din ang itinagal ng kanilang byahe at halos mpagabi na din ng makarating sila sa resort.

"Mukhang dinner na ang inabot natin, grabeng traffic 'yon ah," bulalas ni Dark.

"Friday kasi ngayon kaya gano'n," sagot naman ni Jewel.

Kinuha lang nila ang kanilang mga gamit at dumiretso na sa kwarto na kanilang ipinareserve. Bale apat na kwarto ang kinuha nila isa para kanila Thunder at Jewel, isa para kanila Dark at Calleigh at dalawa para kanila Monique at Cain.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon