Chapter 24

2.1K 32 3
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon at kabuwanan na ni Jewel kaya mas doble pa ang ingat nito ngayon dahil alam niyang anytime ay manganganak na siya. Madalas lang siyang nasa condo at hindi na masyadong lumalabas dahil hirap na din siya maglakad at mabilis na rin siyang napapagod. Sa mga nakaraang buwan ay palaging si Monique ang kasama niya, mas naging malapit pa sila sa isa't isa, minsan dito pa natutulog ang dalaga sa kanyang unit. Habang si Cain naman ay madalas niya pa ring tumatawag halos araw araw pa.

Nandito ngayon si Jewel sa terrece ng kanyang unit, madalas siyang tumabay dito para makalanghap ng sariwang hangin. Habang nakatingin siya sa mga naglalakihang building ng makaramdam siya ng paghilab ng kanyang tiyan, mabilis siyang umupo at nagbakasaling mawala ang sakit pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit hanggang sa parang nakaramdam siyang may likidong tumulo sa kanyang hita, napahiyaw siya sa sobrang sakit na nararamdaman at hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Monique POV

Pagbukas ng elevator ay mabilis akong lumabas dito at excited na naglakad papunta sa unit ni Jewel, may dala akong iba't ibang klase ng chocolates na binili ko kanina ng may nadaanan akong sweet cafe ng papunta ako dito. Alam kung matutuwa siya dahil mahilig siya kumain ng ganito.

Habang nasa tapat na ako ng pinto ng unit niya ay nakaramdam ako ng kaba sa di malamang dahilan, maya maya pa ay nakarinig ako ng impit na sigaw na nagmumula sa loob kaya mabilis kung pinasok ang card sa pintuan at pinihit ang pinto, dali dali akong naglakad papasok ng unit para hanapin si Jewel.

Nang makita ko siyang nasa terrece at namimilipit sa sakit habang hawak hawak ang kanyang tiyan, agad ko siyang dinaluhan. "Jewel what happen?" kinakabahang tanong ko.

"Nic, m-manganganak n-na yata ako." sagot nito

"Omygod! Teka lang tatawag ako ng tulong. Hold on." turan nito at mabilis na tumakbo palabas. Kailangan niyang manghingi ng tulong dahil hindi niya naman kayang buhatin ang dalaga.

Saktong paglabas niya ay nakakita siya ng dalawang lalaki na staff ng condo. Mabilis siyang humingi ng tulong sa mga ito.

Agad na isinakay si Jewel sa ambulansiya. Hindi alam ni Monique ang gagawin dahil kitang kita niyang nahihirapan at nasasaktang ang dalaga. Hawak hawak niya ang kamay nito.

"Hold on Jew, konting tiis na lang malapit na tayo." sabi nito.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng marating nila ang hospital. Mabilis na isinugod si Jewel sa delivery room.

Pabalik balik ng lakat si Monique dahil sa kaba na nararamdaman niya, tapos niya na din tawagan si Cain para ipaalam ang nangyari kay Jewel. Alam niyang magpapabook agad ito ng flight pabalik dito sa Canada ang isang 'yon.

Habang naghihintay siya sa labas ng delivery room ng biglang nag ring ang kanyang telepono. Mabilis niya itong kinuha sa pag aakalang si Cain ang tumawag ngunit dismayado siya ng mabasa ang pangalan ng caller.

"Hello." bati niya pagkasagot ng tawag

"Anong balita Monique? Kamusta?" tanong ng boses babae sa kabilang linya

"Gaya ng sinabi ko sayo ng mga nakaraan gano'n pa rin Marga." sagot niya

"Goodjob Monique! Ipagpatuloy mo lang ang pakikipagkaibigan mo sa babaeng 'yan. Konting panahon na lang at magagawa na natin ang matagal ng plano."

"Marga do you think this is right? Pwede naman na huwag na natin ituloy ito. Alam natin pareho na hindi niya kasalanan ang nangyari." wika ko

"Obcourse this is the right thing to do Monique! Ano bang nangyayari sayo, ha? Siya ang may kasalanan ng lahat! Huwag mong sirain ang matagal na nating binuo na plano. You will help me with everything right?"

"O-oo naman Marga, I will always help you." mahinang sagot ko

"I knew it! Alam kung tutulungan mo ako. Akala ko ipagpapalit mo na ako sa babaeng 'yan eh."

Napabuntong hininga muna ito bago sumagot ."I will not do that Marga, you know how precious and important you are to me." aniya

Hindi rin nagtagal ang pag uusap nila.

Pagkababa niya ng tawag ay napaupo na lamang siya sa upuan na malapit sa kinaroonan niya at napahilamos ng mukha. Hindi niya na alam ang gagawin. Sa loob ng ilang buwan na nakilala niya si Jewel ay alam niyang mabait ito at hindi niya kayang makitang mapahamak ang dalaga, ngunit mahalaga din sa kanya ang babaeng kausap niya at hindi niya ito kayang iwan sa ere ng basta basta lang.

Gulong gulo na ang kanyang isipan at hindi niya na alam ang gagawin pa. Alam niyang sa oras na malaman ni Cain ang lahat ay natitiyak niyang magagalit ito sa kanya at baka hindi siya mapatawad ng binata.

Sa nakalipas na buwan ay nag improve ang kung ano mang meron sila ni Cain, it's been 4 months simula ng maging sila. Kaya labis na takot na lang ang nararamdaman niya oras na malaman ni Cain ang lahat lahat. Mahal niya ang binata kaya hindi niya alam ang gagawin pag nangyari ang bagay na nasa isip niya dahil pag nagkataon ay baka mawala ng tuluyan sa kanya ang binata at 'yon ang kinakatakutan niyang mangyari.

Habang nasa malalim na pag iisip si Monique ng biglang magbukas ang delivery room at iniluwa nito ang isang nurse na may kasamang sanggol, mabilis siyang lumapit dito. "Miss 'yan na ba ang anak ng pasyente na nasa loob? Kamusta ang nanay?" She asked.

"Yes ma'am, nagpapahinga na po siya sa ngayon dahil sa sobrang pagod. She's a brave woman." nakangiting sagot naman nito sa kanya.

Nagpaalam muna saglit ang nurse dahil aayusin pa nila ang bata, nakahinga naman siya ng maluwag dahil alam niyang nasa maayos na kalagayan na ang mag ina.

Matapos ang dalawang oras ay inilipat na si Jewel sa isang pribadong silid para mas makapagpahinga pa ito. Hanggang ngayon ay wala pa itong malay.

Nandito na rin sa silid ng dalaga si Monique at karga karga nito ang baby. Masaya siya dahil nakaya ni Jewel na isilang ang napakagwapong anak nito.

Habang nilalaro niya ang bata ay napansin niyang nagmulat ng mga mata si Jewel, agad siyang lumapit dito.

"Kamusta ka?" tanong nito habang karga karga pa rin ang bata.

Ngumiti naman sa kanya ang dalaga. "Okay lang ako, 'yan na ba ang baby ko?" tanong nito

"Oo ito na nga, ang cute at pogi niya. Babalik dito mamaya ang doctor para itanong ang pangalan ni baby, hindi ko kasi kanina nasagot 'yon dahil mas mabuting ikaw ang magbigay ng kanyang pangalan." wika nito sabay bigay ng bata kay Jewel

Labis na kasiyahan ang nadarama ni Jewel ng makita at mahawakan ang kanyang anak, kahit masakit man ang pinagdaanan niya ay may binigay pa rin sa kanyang blessing.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon