Chapter 56

881 10 1
                                    

Sa kabilang dako naman ay nakahiga ang mag asawa, nakasandal ang ulo ni Jewel sa balikat ni Thunder. Ilang oras na ang nakalilipas ng makauwi silagaling bar kasabay sila ni Dark, sinadya talaga ng dalaga na sabihan si Cain na hintayin si Monique at isabay sa pag uwi para magkausap ang dalawa.

"Sana maging okay na sina Cain," biglang saad nito.

"If they love each other magkakaayos sila hon."

"Sana nga hon, I want Cain to be happy and to have someone na magmamahal sa kanya at mamahalin niya. Sa dami ng nagawa niya para sa akin sana maging masaya na din siya ng tuluyan," aniya.

"Alam mo naman si Cain matigas talaga 'yon pag nagsinungaling ka. He has a trust issues kaya hindi din natin siya masisis, pero darating din ang araw na magiging okay din 'yon. Kung si Dark nga na babaero nagtino kay Calli si Cain pa kaya na mas matino naman kumpara kay D."

Agad naman na inangat ng dalaga ang kanyang ulo. "Kung makapagsabi kang babaero si Dark eh isa ka rin naman."

Bigla naman natawa ang binata. "Noon lang naman kasi 'yon hindi na ngayon. Psh!"

Mabilis niya namang hinampas ito. "Nagsasabi lang ako nagsusunget ka naman agad."

"Makapagsabi ka kasi, akala mo naman ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Hahahahaha," natatawag sabi ni Thunder at agad na sinalo ang unan na hinagis ng asawa.

Bigla naman silang natahimik na dalawa at humiga na ulit sa kanilang kama. Niyakap ng mahigpit ni Thunder ang kanyang asawa. "Hephep," pagtulak ni Jewel dito ng marahan.

"What now?"

"Alam ko 'yang ganyan mo ha, stop na hon nakailang rounds na tayo. Pagod na ako kaya matulog na tayo," natatawa na turan nito.

Hindi naman maipinta ni Thunder ang kanyang mukha. "Ang daya naman nito eh. Ilan pa nga lang 'yon," maktol nito

"Okay na 'yon eh. Sa susunod naman okay?"

Wala naman nagawa si Thunder at natulog na lang din kasabay ng asawa.

Mag aalas tres na ng umaga ng magising si Jewel, sinilip niya muna ang asawa bago bumangon gusto niyang tingnan si Monique kung nakauwi na ba ito.

Paglabas niya ng kanilang suite at namataan niya si Cain na pasuray suray ang lakad. 'Ngayon lang umuwi ang lalaking ito?' isip niya.

Agad niyang nilapitan ito. "Cain kakauwi mo lang ba?" tanong niya.

Agad naman siyang tiningnan ng binata habang nakahawak sa pintuan ng suite niya dapat ay bubuksan na niya. "J-jewel," paos na sambit nito sa pangalan ng kaibigan.

"W-what happen? Are you okay?" agad niya itong inalalayan ng makalapit siya.

"I-it hurts," sambit nito.

"T-teka ano ba kasi ang nangyari?"

Naikwento ni Cain ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Monique, halos hindi alam ni Jewel kung ano ang kanyang sasabihin dahil dito. Hindi niya lubos maisip kung gaano kasakit ang nararamdaman ng kaibigan. Wala naman siyang magawa kaya niyakap niya na lang ito ng mahigpit para iparamdam sa binata na nandito lang siya, sila ng mga kaibigan nito.

Napabitaw na lang siya sa pagyakap dito ng may magsalita sa gilid nila. "Anong oras na at dito pa talaga kayo sa correidor nagyayakapan."

"H-hon," tawag niya dito.

"Pasensiya na pare, nakainom lang ako at kakauwi ko lang ng makasalubong ko si Jewel na kakalabas lang ng suite niyo. Sige Jew una na ako sa kwarto. Salamat ulit."

Pagkapasok ni Cain ay naglakad na din pabalik ng kanilang kwarto si Thunder kaya sinundan agad ito ng asawa.

"Hon," tawag niya pagkapasok pero hindi man lang siya nito nilingon.

"Thunder what's wrong?" pag uulit niya pero wala pa rin siyang nauhang sagot kaya mas lalo siyang nainis.

"Ano ba kasing problema mo, ang aga aga."

Lumingon naman ito sa gawi niya. "Ano ang problema ko sa tingin mo? Anong oras na pero nasa labas kapa at makikita kitang nakikipagyakapan do'n pa sa kung saan maraming tao ang makakita sa inyo!"

"Wala naman masama kung may makakita, magkaibigan kami at bestfriend mo 'yon kaya huwag mong bigyan ng meaning," depensa nito.

"At ano ang gusto mong isipin ko? Na lumabas ka ng ganitong oras para ano, para makipagkita sa kaibigan ko at magyakapan kayo gan'on ba?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Cain kanina? Pabalik na siya sa suite niya ng makita niya akong lumabas!" sigaw niya sa asawa.

"So ano 'yon nagkita kayo at basta na lang nagkayapan gano'n ba ang gusto mong sabihin sa akin?"

"Walang patutunguhan ang usapan na 'to, huwag naman makitid ang utak mo diyan," aniya

"Ako pa ngayon ang makitid ang utak dito? Sino ba sa atin ang umalis ng kwarto at nakipagyakapan sa ibang lalaki ako ba?"

"May problema 'yong tao kinausap ko lang."

"Kinausap pero nagyayakapan? Huwag mo akong gawing tanga Jewel! Mahiya ka nga sa ibang tao na makakakita sa inyo tapos alas tres pa ng umaga, may asawa kana!" diin na wika nito.

"Ano bang ikinakainit ng ulo mo? Ayaw mong makinig sa sinasabi mo, iba 'yang nasa isip mo," giit din ni Jewel.

"Tangina naman di mo ba naiintindihan ang sinasabi ko, ha?"

"Hindi! Hindi ko naiintindihan kung bakit ka nagkakaganyan, wala naman kasing issue pero binibigyan mo. Hindi ko gawain ang gawain mo," saad ng dalaga.

"So hanggang ngayon sa akin pa rin ang problema gano'n ba? Wow naman!" sarkastikong turan nito.

"Kita mo iba na naman 'yang isip mo eh. Mas mabuti pa matulog kana lang ulit hindi 'yong kung ano ano ang sinasabi mo." bulalas nito.

"Iyan ang mahirap sayo ang hilig mong takasan lahat, hindi mo makuha ang punto ko kaya ako ang makitid ang utak para sayo. Tell me now Jewel ano ba talaga ang meron sa inyo ni Cain, ha?"

Halos hindi alam ni Jewel ang irereak dahil sa sinabi ng sariling asawa. "Naiintindihan mo ba 'yang sinasabi at tinatanong mo Thunder? Masyado kang malisyoso sa sarili mong kaibigan! Kung iniisip mo na may relasyon kami ay nagkakamali ka, kaibigan ko lang si Cain. Jusko naman!" gusto ng maiyak ni Jewel dahil sa nangyayari ngayon sa kanilang mag asawa.

"Masisisi mo ba ako? Sa ilang taon na nakalipas ay kayong dalawa ang magkasama, hindi mo maiaalis sa isip ko ang isipin ang mga posibleng mangyari. Ngayon paba na alam naating dalawa na malaki ang naging kasalanan ko sa 'yo, sa tingin mo hindi ko iisiping ginagantihan mo ako."

Halos maiyak na si Jewel sa mga pinagsasabi ng asawa. "Don't you trust me? Anong akala mo sa akin kaladkaring babae na makikipagrelasyon sa iba kahit alam kung may asawa na ako?"

Hindi na ito sumagot bagkus ay naglakad papalabas sa pintuan at pabalibag na isinara ito. Hindi mapigilan ni Jewel ang maiyak dahil sa nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n ang inakto ng kanyang asawa.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon