Chapter 16

2.3K 40 0
                                    

Jewel POV

Nakatayo ako sa harap ng salamin habang sinisipat ang aking kabuuan.

This is it, no turning back Jewel. You've suffer enough.' she thought to herself

Ngayong araw na ang alis nila ni Cain papuntang Canada. Walang kahit na anong pag aalinlangan na siyang aalis, hindi katulad noon, siguro kung hindi dahil sa nangyari sa kanilang asawa niya ay wala siya sa ganitong sitwasyon ngayon.

Napapikit siya habang inaalala ang mga panahong magkasama sila ni Thunder. She loves her husband so much to the point na hindi niya napapansin na pati sarili niya ay unti unti ng nasisira. Inubos niya ang lahat ng pagmamahal para sa taong kailanman ay hindi siya nagawang mahalin. Minsan pala hindi sapat ang pagmamahal mo sa isang tao, kailangan mo rin magtira para sa sarili mo para hindi ka durog na durog. At ngayon ay nakapagdesisyon na siyang tuluyan iwan ang asawa at magsimulang muli ng mag isa.

Ngumiti ako ng mapait bago kinuha ang kanyang maliit na pouch at tuluyan ng lumabas sa kanyang kwarto.

"Oh akala ko nagbago na ang isip mong umalis eh." buntag ni Cain

Napairap na lang siya, alam niyang masyado siyang nagtagal sa kwarto. "At paano mo naman nasabi? Manghuhula kana ngayon?"

"Ang tagal mo kasi lampas isang oras na! Tara na at baka malate pa tayo sa flight natin." saad ni Can sabay tayo at dala ang maleta nila.

Napailing na lang ako at sumunod na kay Cain.

Sakto lang ang dating namin sa airport. Maghihintay na lang kami ng 30 minutes bago ang flight namin. Tahimik na nakaupo lang ako habang hinihintay makabalik si Cain na umalis para ipacheck in ang aming mga bagahe.

Napabuntong hininga na lang ako habang nagmamasid sa paligid. Natanaw ko ang dalawang magkasintahan na masayang nag uusap, mukhang aalis din ang mga ito patungo sa ibang bansa. Kitang kita ko ang labis na kasiyahan at pagmamahal ng dalawa para sa isa't isa, kung sana naging gano'n na lang din ang pagsasama nila ni Thunder.

Napatigil ang pagmumuni-muni ko ng biglang may tumapik sa aking balikat.

"Kung makatingin ka sa kanila parang tutunawin mo." natatawang sambit ni Cain

"Nakabalik kana pala, ang tagal mo naman." kako na hindi pinapansin ang sinabi niya

Umupo naman ito sa tabi ko. "Anong gusto mo huwag na ako bumalik?" tumatawang saad niya

Agad ko naman siyang hinampas sa balikat. "Kahit kailan talaga ang pilosopo mo. Huwag kana lang kaya sumama Cain? You don't need to do this. I can manage, baka hanapin ka nila at magtaka ang mga kaibigan mo na bigla kana lang umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila." pamimilit ko

"Jew, buo na ang desisyo ko. Sasamahan kita, hindi naman ako magtatagal sa Canada, gusto ko lang masiguradong magiging okay ka."

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango naman. Knowing Cain hindi 'yan magpapatalo.

After 30 minutes ay narinig kung tinawag na ang flight namin. Agad kaming tumayo ni Can at sabay ng naglakad.

Bago ako sumakay sa eroplano ay inilibot ko muna ang paningin ko. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na lilisanin ko ang bansang ito, kung dati ay umaalis lang ako para magbakasyon kasama ang mga magulang ko ay ngayon iba na, aalis ako para mabuo ulit ang sarili ko at hindi ko alam kung kailan ako babalik o kung babalik pa nga ba ako.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang sumunod kay Cain na kanina pa naghihintay sa loob.

"Akala ko nagbago na ang isip mo eh, ang tagal mo kasi." bulalas niya ng makaupo kami

"Ilang beses ko naba sinabi sayo Cain, na hindi na magbabago ang desisyon ko. Ang pagkakaalam ko ikaw mismo nag uudyok sakin na umalis pero bakit pakiramdam ko pinipigilan mo ako ngayon?" nakataas kilay na wika ko

"As if naman pipigilan kita. Matagal mo ng pinag iisipan na umalis hindi lang natuloy noon dahil sa nangyari sayo, pero ngayon na nagiging okay kana dapat kana talagang umalis bago kapa mahanap ng asawa mo." aniya

Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi niya at nanahimik na. As if naman hahanapin ako ni Thunder, paniguradong masaya na 'yon ngayon dahil wala na ako sa buhay niya. Matagal niya na itong gustong mangyari at ngayon ay nagtagumpay na siya, pero hindi ko hahayaan na maging masaya siya habang ako nagdusa ng dahil sa kagagawan niya. - bulong ng isip niya

Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya sa pag iisip ng mga bagay bagay, mataman naman siyang tinititigan ng binatang si Cain, simula noon halos kapatid na ang turing niya sa dalaga kaya labis na lang ang lungkot niya dahil sa nangyari dito at higit sa lahat galit para sa matalik na kaibigan niyang si Thunder dahil sa pinaranas sa dalaga.

'I wish your happines Jewel, at sana makita mo na 'yon sa pag alis mo ng Pilipinas.' - he whisper and closed his eyes.

Makalipas ang ilang oras na byahe nila ay sabay silang nagising ng marinig ang boses ng piloto, senyales na nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Naghintay pa sila ng ilang minuto bago tuluyang lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano.

Hanggang sa nakababa na sila at wala pa ring imil ang dalagang si Jewel at napansin naman kaagad ito ng binata.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Sigurado kabang okay lang sayo na dito tumira sa Canada?" tanong ni Cain

"Anong klaseng tanong yan Cain? Nandito na nga tayo oh." sagot nito

"Mukha kasing hindi ka masaya."

"Baliw ka! Syempre masaya ako na nandito na tayo sa Canada, hindi lang mawaglit sa isip ko na tuluyan ko ng iniwan ang Pilipinas." saad nito

Agad naman siyang inakbayan ng binata. "Sabi mo nga diba? Ito ang kailangan mo, para buuin mo ulit ang sarili mo. You've suffered enough Jew, oras na para sarili mo naman ang isipin at masiyahin mo."

Ngumiti naman ang dalaga, 'yong totoong ngiti niya na matagal ng nawala simula nung kinasal siya sa asawa.

"Libre mo na lang ako ng pagkain, pero gusto ko mga sweets naman, please." pagpapacute niya

"Libre na naman? Namumulubi kana ba? Ang yaman mo pero ang kuripot mo!" bulalas ni Cain

"Pamilya ko lang ang mayaman at hindi ako, okay? Mas mayaman kapa rin."

Napailing na lang ang binata." Oo na! May magagawa paba ako?"sabi niya

Habang nag uusap sila at napatingin sila sa dalawanf babaeng malapit sa gilid nila na kanina pa nakatingin sa kanila.

Yan ikaw kasi eh maingay ka!

Anong ako? Ikaw nga diyan, nasira tuloy moment nila!

Pero ang sweet nila noh?

Bagay na bagay sila!

Saglit na nagtinginan naman ang dalawa at natawa dahil sa narinig mula sa dalawang babae, sanay na sila sa madalas na mapagkamalang magkasintahan sila.

Hindi na lang nila ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad para kunin ang kanilang nakacheck in na bagahe.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon