Chapter 90

956 11 0
                                    

Thunder POV

Ramdam ko ang hinanakit nga asawa ko sa bawat salitang binibitawan niya, pero mas okay na 'yon para mailabas niya lahat ng saloobin niya sa akin. Masaya ako na sa wakas ay pumayag na siyang makapag usap kami sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na kami ng tuluyan.

"Oh bakit natahimik ka? Iniinis mo ako!" wika niya at sabay na inirapan ako.

Hindi ko talaga maintindihan itong asawa ko ngayon pabago bago ng ugali. Hindi ko nakikita sa kanya ang dating Jewel at nakikita ko ngayon ay isang matapang at palaban na babae.

"Wala naman na kasi akong sasabihi, napaliwanag ko na ang lahat sa'yo."

"Oh bakit parang kasalanan ko pa ngayon?"

Napailing na lang ako, kailangan ko ng mahabang pasensiya.

"Oh anong nangyari pagkatapos? Nasaan na ang babae mo?" dagdag niya pa.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong babae ang pinagsasabi mo? Kung meron man akong baabe ay ikaw lang 'yon! At kung tinatanong mo si Jhazzy ay hindi ko na alam ang huli naming usap no'ng kinompronta ko siya hindi ko na siya pinakulong alang alang sa anak niya at isa pa nakiusap din si Dane." sagot ko naman sa kanya.

"Dane? As in si kuya Dane na pinsan mo?"

Tumango naman ako.

"Eh bakit siya? Anong kinalaman niya sa babae na 'yon?"

Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

"Diba sinabi ko na sa'yo kanina? Hindi ka ba nakikinig? Siya nga kasi ang ama ng bata kaya siya na ang nagsabi na siya na ang bahala kay Jhazzy dahil nahihiya din ang pinsan ko sa atin." paliwanag ko.

"Bakit galit ka? Nagtatanong lang naman ako."

"Eh kasi hindi ka nakikinig, sinabi ko na nga lahat sa'yo eh," ani ko.

"Ay ewan ko sa'yo." pagmamaktol niya.

Nasa gano'n kaming pag uusap ng makarinig kami ng dalawang boses na mukhang nakikinig sa aming dalawa at hindi nga ako nagkakamali dahil dumating na pala si Nanang at Marga.

"Look at them Marga, diba ang sweet kahit na magkaaway sila." wika ni Nanang.

"Oo nga Nang eh, mukhang hindi lang magkaaway." bungisngis naman nito.

"Hindi nakakatuwa Marg." inis na turan ng asawa ko kaya naman mas lalong natawa ang dalawa.

"Alam mo ate naiintindihan namin kung bakit ka ganyan." sambit ni Marga at lumapit pa kay Jewel.

Pinandilatan naman siya ng mata ng asawa ko.

"Ow I see, what I mean ate is namimiss mo lang si Kuya Thunder kaya ka ganyan." dagdag pa ni Marga.

"Ewan ko sa'yo, magsama kayo. Hmp!" pagkatapos sabihin 'yon ni Jewel ay nagmartsa na ito pabalik sa kanyang kwarto,

Nagkatinginan naman kaming tatlo at sabay na napailing. Sumigaw pa si Marga bago makapasok si Jewel sa kwarto na mas lalong ikinaasar nito.

"Ang mabuti pa iho ay sundan mo na lang sa kwarto ang asawa mo, mukhang hindi pa kayo tapos mag usap." anas naman ni Nanang.

"Oo nga kuya at mukhang hindi niya pa nasasabi sa'yo." segunda naman ni Marga.

Kaya tumango na lang ako at sumunod na kay Jewel. Nakita ko siyang nakaupo sa kama niya kaya lumapit na ako sa kanya.

"Bakit ka umalis? Hindi pa nga tayo tapos mag usap."mahinahon na saad ko.

"Eh bakit ba? Mang aasar lang sila eh." anas niya naman.

"So what now? Are you going to forgive me? Hon, we need to fix this at kailangan tayo ng anak natin." saad ko.

"Hindi ka naman nagmamadali niyan? " bulalas niya.

"I don't want to waste anytime, gusto ko lang na maisama na kita pauwi kung saan ka dapat." pilit ko sa kanya.

"Ah basta, hindi pa tayo bati okay?"

Napakamot naman ako sa noo ko. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos niya ngayon parang hindi siya ang asawa ko. Kidding!

"Bakit ba paiba iba ang ugali mo ngayon? Pansin ko lang, buntis ka ba?" biro ko sa kanya.

"Palibhasa hindi ikaw ang nakakaramdam, ikaw kaya ang mabuntis!" napatigil naman ako sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi niya at siya ay gano'n din habang nanlalaki ang kanyang mga mata na parang may maling nasabi.

"Ano ulit ang sinabi mo?" pagpapaulit ko sa kanya.

"W-wala!"

"Hindi ako bingi Jewel Mercyl." seryosong turan ko.

Napabuntong hininga naman ito. "Kasi naman eh." anas niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "What now? May dapat ba akong malaman?" tanong ko.

"Oo na, oo na! I'm pregnant! Happy now? But don't expect me to forgive you pa din dahil hindi pa."

Halos mapanganga ako dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko ay parang nabingi ako.

"Y-your what?" paninigurado ko.

"Akala ko ba hindi ka bingi? Magtatanong tanong tapos kapag sinagot ayaw maniwala. Bahala ka diyan sa buhay mo!" singhal niya sa akin.

At dahil sa sobrang saya ko ay hindi ko napigilan na yakapin siya na ikinagulat niya naman. Pinaghahampas niya naman ako. "Hey let me go! Feeling close ka naman hindi pa nga tayo okay!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya pero hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap sa kanya, Hindi ko alam na kahit maraming problema na dumadating sa amin ay may blessing pa din na kapalit 'yon. Mabuti na lang at nahanap ko siya agad at nalaman na buntis siya.

"Nakapagpacheck up ka na ba?" tanong ko.

"Oo no'ng isang araw, kasama ko si Marga."

"Kailan mo nalaman?" pagtatanong ko pa.

Bigla naman siyang nalungkot. "No'ng malaman ko ang tungkol sa inyo ni Jhazzy, ng makaalis ka sa bahay ay nagpunta ako ng doctor dahil ilang araw ng masama ang pakiramdam ko at nagsusuka ako, hindi ko na sinabi sa'yo dahil ayaw kung mag alala at ng malaman ko na buntis ako ay nasa isip ko na hihintayin na lang kita makauwi para sabihin sa'yo. Pauwi na sana ako ng tawagan ako ni Jhazzy na magkita kami tapos no'ng nag banyo siya naiwan niya ang phone niya at nakita kung umilaw ito kaya napatingin ako dito at do'n ko nakita ang picture mo kasama ang anak niya kaya nagtaka ako at binuksan ko ito nakita ko ang pangalan mo sa call logs niya at ng makabalik siya ay tinanong ko siya tungkol sa ama ng anak niya at sinabi niyang busy daw sa trabaho, kahit na naghihinala na ako ay ipinagsawalang bahala ko na lang. Hanggang sa naglakad lakad kami at may tumawag sa kanya, nag excuse muna siya sa akin pero dahil sakuryusidad ko ay sinundan ko siya at nalaman ko na ikaw ang kausap niya at do'n ko na nalaman lahat." pagkwekwento niya.

Hinawalan ko naman ang kanyang kamay. "Kaya ba mas pinili mong umalis na lang kaysa tanungin ako?"

Tumango naman siya. "I'm hurting that's why hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, kaya mas pinili ko na lang muna ang lumayo at baka makaapekto pa sa ipinagbubuntis ko."

"Please next time don't do it again. Kapag may ganitong nangyari ask me and hear my explanation first. Tingnan mo naman ang nangyari diba? Tapos buntis kapa pala, paano kung may masamang nangyari sa'yo? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko Jewel at kakamuhian ako ni Storm." saad ko.

Hindi naman siya nagsalita pero narinig ko ang kanyang pagsinghot kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon