Chapter 64

874 12 0
                                    

Nasa labas ng emergency room ang binatang si Cain, kanina pa siya pabalik balik ng lakad simula ng makarating sila dito at naipasok ang dalagang si Monique sa loon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga oras na ito. Nang makita niya ang dalaga na naliligo sa kanyang sariling dugo ay labis ang kaba at takot ang namutawi sa kanyang buong sistema.

Maya maya pa ay napaupo na lang ito at mahinang nagdarasal na sana maging maayos at ligtas ang dalaga. Alam niyang sobra niya itong nasaktan pero kahit na gano'n ay mahal niya pa rin ito kahit na palagi niya itong pinagtutulakan palayo. Sa lahat ng mga masasakit na sinabi niya rito ay nagawa pa rin siya nitong iligtas.

Nasa gano'ng kalagayan siya ng dumating si Thunder. "How is she?" tanong nito at umupo sa tabi niya.

"Hindi ko pa alam, hanggang ngayon ay nasa loob pa rin siya at hindi pa lumalabas ang doctor." sagot nito. "Si Jewel nasaan? Kamusta siya?" dagdag nito

"Nacheck up na siya at nagpapahinga na ngayon. Nahimatay kasi siya kanino bago ko pa siya nadala dito." sabi ni Thunder

"She suffered so much, sana maging maayos lang siya."

"She's a strong woman kaya alam kung magiging okay siya pag gising niya," siguradong turan ni Thunder

"Anong nangyari kay Margaux? Nahuli ba siya? Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya."

"She's dead Cain, nahulog siya sa bangin bago pa tayo nakadating." wika ni Thunder

"Dapat lang 'yon sa kanya, dahil sa kabaliwan niya marami ang nadamay," makakuyom ang kamao ng binata habang binabanggit ang mga katagang 'yon

Matapos ang ilang minuto ay biglang bumukas ang ER at iniluwa doon ang isang doctor. Mabilis naman na tumayo si Cain at lumapit dito. " Doc. kamusta? Is she okay?"

Hindi agad nakasagot ang doctor kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kaba.

"Honestly she's in critical condition, maraming dugo ang nawala sa kanya at ang isa pang problema at maraming bubog ang nasa mata niya kaya mas delikado ito at sobrang makakaapekto ito sa pasyente," paliwanag ng doctor.

"Maiwan na muna kita dahil kailangan pa namin siya masalinan ng dugo at mamaya ay ililipat na namin siya sa isang private room.' dagdag nito at tuluyan ng pumasok ulit sa loob

Napahilamos ng kanyang mukha si Cain at bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa narinig. Hindi niya lubos maisip na aabot sa ganito na manganganib ang buhay ng dalaga.

"Calm down Cain, magiging okay din si Monique. Hindi ka iiwan nun dahil alam kung mahal ka niya," sambit ni Thunder

"Kasalanan ko ang lahat ng 'to, kung sana ay hindi ko siya pinayagan na sundan si Margaux hindi sana siya magkakaganito." sisi niya sa kanyang sarili

Hinawakan naman ni Thunder ang balikat ng kaibigan. "Magapakatatag ka lang Cain, mas ngayon ka kailangan ni Monique kaya hindi ka dapat pinanghihinaan ng loob."

Maya maya pa ay nagpaalam muna si Thunder dahil babalikan niya muna ang kanyang asawa sa silid nito. Naiwang mag isa ang binata habang naghihintay pa rin sa labas ng ER.

Matapos ang halos tatlong oras ay nailipat din agad si Monique sa isang private na kwarto pero wala pa rin itong malay. Tinawagan na rin ni Cain ang mga magulang ng dalaga para ipaalam ang nangyari ngunit kahit na sobra ang pag aalala nila sa kanilang anak at gusto nilang umuwi ay sa susunod na araw pa sila makakarating dahil may importanteng business meeting sila, kaya pinakiusapan muna nila si Cain na bantayan muna ang kalagayan ng dalaga at wala namang problema sa binata dahil 'yon din naman ang kanyang gagawin.

Lumipas pa ang dalawang araw ngunit hindi pa rin nagigising si Monique samantalang si Jewel naman ay maayos na ang kalagayan pero kailangan pa rin niyang manatili sa hospital. Halos hindi natigil sa pag iyak si Storm ng malaman ang nangyari sa kanyang ina, dito ito natulog noong isang gabi at umuwi din kinaumagahan dahil may pasok pa ito.

Tahimik lang na nakaupo si Cain sa gilid ng kama ni Monique, tatlong araw na ang nakalilipas ng mangyari ang bagay na 'yon at hanggang ngayon ay hinihintay niya pa rin ang paggising ng dalaga, habang mataman siyang nakatitig kay Monique ng magbukas ang pinto at iniluwa doon si Jewel na nakaupo sa wheel chair habang tulak tulak ito ni Thunder.

"Cain, magpahinga kana muna." aniya ni Jewel ngunit umiling lang ang binata

"Don't worry about me Jew, okay lang naman ako." mahinang sambit nito

"Wala pa rin ba hanggang ngayon?" tanong ni Thunder

"Hindi pa rin siya nagigising ang sabi ng doctor gigising din siya."

Bakas ang awa sa mga mata ng mag asawa dahil sa nakikita nilang lagayan ng dalagang si Monique pati na ang kaibigan nila na simula mangyari ang insidenteng 'yon ay hindi na umalis dito sa hospital.

Habang nakatitig si Jewel kay Monique ay napansin niya ang paggalaw ng daliri nito. "Look gumalaw ang daliri niya," masayang saad ni Jewel kaya mabilis na napatingin ang dalawang binata sa dalaga

Maya maya pa ay biglang iminulat ni Monique ang kanyang mga mata. "Nique how are you? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Cain habang hawak hawak ag kamay ng dalaga

Ngunit nagtataka sila kung bakit hindi ito sumasagot at tumitingin man lang sa kanila.

"Hey Monique! Ang tagal mong natulog ha," wika ni Jewel ngunit wala pa rin silang nauhang sagot.

"Nasaan ako?" sambit nito

"Nandito ka sa hospital, ano kaba naman hindi ba obvious. Ikaw talagang babae ka," anas ni Jewel

"Nasaan kayo? Bakit hindi ko kayo makita? Bakit ang dilim?" pagtatanong ni Monique.

Agad namang kumunot ang kanilang mga noo. "What are you talking about Monique? Nagjojoke kaba?" tanong ni Thunder

Ngunit napansin nila na hindi nga nagbibiro ang dalaga dahil seryoso ito. "Bakit ba kasi ang dilim, brownout ba? Atsaka nasaan ba kasi kayo? Hindi ko kayo maaninag."

Halos naiwan na nakanganga ang mag asawa dahil dito samantalang si Cain ay nakatulala lang at hindi makapagsalita.

"Ang mabuti pa Cain tawagin mo na ang doctor." anas ni Thunder

Agad naman na sumunod si Cain at tinawag ang doctor, wala pang ilang minuto ng makabalik to at kasunod nito ang saing doctor at nurse.

Lumapit sila sa dalaga at chineck ang kalagayan nito.

"Teka ano bang nangyayari? Sino ang mga ito bakit niyo ako hinahawakan ha? Bakit wala akong nakikita!" nagsisimula ng maghisterikal si Monique.

Mabilis na hinawakan ng isang nurse ang mga kamay nito at may kung ano na tinurok ang doctor sa dalaga at maya maya pa ay nawalan ito ng malay.

"T-teka anonng ginawa niyo? Anong itinurok niyo sa kanya?" tanong ni Cain

"Pampakalma lang 'yon maya maya ay magigising din siya ulit," sagot ng nurse.

"Ano bang nangyayari bakit sinasabi niya paulit ulit na hindi niya kami nakikita?" tanong naman ni Thunder na kanina pa naguguluhan.

"Expected na naman na ganito ang magiging reaksyon niya pag nagising siya, kagaya ng sinabi ko sa'yo nakaraan sa emergency roonm ay magkakaroon ng malaking epekto ito sa kanya at mukhang ito na nga 'yon. Maraming bubog ang tumuasok sa kanyang mga mata at hindi na namin 'yon pa nakayang gamutin. I'm sorry Mr. but your girlfriend is already blind." seryosong litanya ng doctor

Nanlaki ang mga mata ni Jewel dahil sa narinig. "Doc. a-anong sinasabi niyo? H-huwag kayong magbiro ng ganyan hindi nakakatuwa," mahinang utal ni Cain

"I wish I am but that's the truth, nawala ang kanyang paningin kaya hindi niya kayo nakikita. Pero maibabalik pa naman ang kanyang paningin kapag may nakita tayong donor at maoperahan siya." wika ng doctor

Agad din naman sailang nagpaalam dahil may mga ibang pasyente pa itong aasikasuhin, nanatiling tulala lang si Cain kahit lumabas na ang mga doctor.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon