Prologue

124 9 0
                                    

"Xixiana did you heard the news?" tanong sa akin ni ate, nakakunot ang noo kong binalingan siya.

"About what ate?" I rolled my eyes, tired of her being so noisy. Tahimik ako ditong nakikinig ng music sa ipad tapos bigla siyang papasok dito sa kwarto ko.

"About Hexian?" tumaas baba ang kanyang kilay, umirap ako.

"What about him?" buntong-hininga kong tanong. Wala naman talaga akong pake pero alam kong hindi siya titigil kaka kulit sa'kin.

"Hm they'll be having a concert here, malapit na. Hindi ka ba sinabihan?" lumapit siya sa akin, humiga sa kama ko.

"Bakit naman? We've already lost connection years ago," nakabusangot na ngayon ang mukha ko. Ayaw na ayaw ko nang pag-usapan pa iyon.

"Please ate, umalis ka na. Wala akong pake, okay, kung may concert man sila dito or what. Just leave me alone please," tinulak ko siya paalis, mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit.

Ni-lock ko ang pinto para wala nang makapasok sa kwarto ko. Napabuntong-hiningang umupo ako sa kama at kinuha sa ilalim ang isang box.

Box full of memories.

Kinuha ko ang isang picture doon at napatulala habang inaalala ang mga nangyari sa mga araw na iyon.

Ayaw ko nang pag-usapan, o balikan pa ang nakaraan pero hindi ko maitatangging namimiss ko na yung dati.

Yung dating kami.

Napahiga ako sa kama at nakatulalang nakatingin sa ceiling.

Hexian's my childhood bestfriend. He's my prince, my knight in shining armor, my human diary, and my first love.

My very first love.

Hindi ko alam kung kailan ko siya nagustuhan, kung paano o kung bakit.

I just woke up having feelings for him, feeling butterflies when I'm with him, feeling myself, feeling the best of me.

At first, binalewala ko lang iyon because I thought that it was just because I am seeing him everyday, being with him everyday. Siya lang ang lalaking ka-close ko kaya ko nasabing gusto ko siya.

But it was not like that.

How happy of me when he confessed his feelings for me. Hindi ko inaakalang parehas kami ng nararamdaman.

Alam ng lahat ang nararamdaman namin para sa isa't-isa, even my parents. Wala naman silang kontra because they said na normal lang ang magka-crush.

Everybody's shipping us both, nakakahiya pero ang sarap sa pakiramdam kasi walang kumokontra.

Habang tumatagal, I realized that my feelings for him is getting deeper, I just can't stop.

At a very young age, I've got my first love.

But as we're getting older, mas napapalayo kami sa isa't-isa. We have responsibilities, we have different paths.

Hexian wants to be a part of an international group, it was his greatest dream. That's why he left Philippines, he left me for his dreams.

Sa una, okay pa naman. We always have time to text and call each other. But as time goes by, he's getting busier. Mas lalong umaangat at sumisikat ang grupo nila kaya bihira niya na lang akong bigyan ng time and who am I to ask for his time.

Wala kaming label, but we do have feelings for each other and we know that, everybody knows that.

Bigla kaming nagkaroon ng misunderstanding, he received a picture of me together with a boy. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay sakanya non but because of that simple picture, we had a fight.

He gave me such painful words and so am I, nagkaroon ng issue about us. Nang dahil don, pinutol na namin ang koneksyon sa isa't-isa. Just because of that reason!

We've lost connection.

I don't even know if until now, he's still my bestfriend, if he still thinks of me as his bestfriend.

If until now, he still have feelings for me.

But it's impossible right? Years had past, he has met a lot of women in different countries and he's a superstar! Maraming naghahabol sakanya, maraming nagkakandarapa. Baka nga limot na niya ako.

Well, it's okay. I've already moved on.

But I can't deny it,

He's my very first love.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now