Chapter 15

28 1 0
                                    

"Xiana, wala ka bang planong lumabas sa kwarto mo?" tanong sa akin ni ate nang madaanan niya ang kwarto ko, nakapulupot ang towel sa ulo niya. Umirap ako.

"Hindi ka man lang kumatok, wala kang manners," umirap ulit ako at tinakpan ang sarili ng kumot.

"Ilang araw ka nang nagkukulong, baka mabaliw ka diyan, bahala ka," sabi niya bago ko narinig na sumara ang pintuan.

Inalis ko ang kumot at nakatulalang tumingin sa ceiling. I've been lying here for hours, like a bird in a cage. Lumalabas lang ako kapag oras na ng pagkain tsaka babalik na naman dito.

I'm not just in a mood to get up and have fun outside, parang gusto ko ay dito na lang.

Isa pa, natatakot ako.

Simula nang pangyayari sa bahay nina Allie ay nagkulong na ako dito sa kwarto. Palagi niya akong inaayang gumala pero tumatanggi ako.

Madami akong natatanggap na calls at messages kay Hexian pero hindi ko sinasagot o binubuksan man lang. Ilang araw nang naka off ang cellphone ko at wala akong planong ibuksan 'yon.

Natatakot akong harapin siya.

Ginulo ko ang buhok ko at nagtalukbong na naman sa kumot, maggagabi na.

Baka nga maging totoo ang sinabi ni ate na baka mabaliw na ako dito.

I'm afraid to face the fact that I have feelings for him. That after all these years, siya at siya parin.

Napabuntong-hininga ako.

It's been years, or let's say a decade. What's in between us is just in the past now, pwedeng balikan pero hindi na pwedeng ipagpatuloy kasi tinapos na eh.

Ang sabi nila, ang puppy love ay hindi rin magtatagal. Pero bakit ako, hanggang ngayon ay siya parin?

Nang dahil yata sa mga nagyari the past few days, mas lumalim pa ang nararamdaman ko. I'm not vocal kasi pinipilit kong balewalain 'yon pero sasabog na ata ang utak ko kung hindi pa ako aamin.

Oh well, ang tanga.

Akala ko ba, limot mo na Xixiana?

Akala ko ba, it's all in the past na?

Akala ko ba, wala na?

Kinain ko naman lahat ng mga sinabi ko eh.

Kung hindi kaya siya nakipag-usap sa'kin, hindi kaya babalik ang feelings ko sakanya?

Naisip ko, mas mabuti yatang hindi na lang kami bumalik sa dati. Mas mabuti yata kung stranger na lang ang tingin namin sa isa't isa. Kasi, iniisip ko pa lang ay natatakot na akong humarap sakanya gayong alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako sakanya.

Teka, ano ba ang pino-point out ko?

Eh hindi naman niya yata mapapansin na may pagtingin ako sakanya, anong kinakatakot ko?

He only sees me as her bestfriend, yun lang.

Ginulo ko ang buhok ko, ugh mababaliw na talaga yata ako.

Bumangon ako sa kama at lumabas sa kwarto nang kumulo na ang tiyan ko. Meron nang pagkain sa lamesa kaya kumain na ako. Nakakatamad, kung hindi lang ako gutom ay hindi ako kakain. Pati pagnguya ay nakakatamad narin.

"Ma'am, may bisita po kayo," lumapit sa'kin ang isa naming maid, nakakunot ang noo kong binalingan siya.

Sino naman 'yon? Wala namang tao dito bukod sa'kin kaya baka bisita ko nga, pero sino? Bukod kay Allie, ay sino pa ba?

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip si Xian, dali dali akong tumayo at tumakbo sa hagdanan, nadapa pa pero nakapasok ako sa kwarto ko kaagad.

Ni-lock ko ang pinto at napasandal sa pintuan, habol-habol ang hininga. Then I heard steps outside, palapit dito.

"Ay sir, nagmamadali papasok eh," boses iyon ng maid namin, naiinis kong pinikit ang mga mata.

"It's okay, I'll try to talk to her," boses iyon ni Xian.

"Xian?" tawag niya at kinatok ang pintuan ko. I bit my lip, trying so hard to keep quiet.

"Hey," sinubukan niyang buksan ang pinto pero mabuti na lang at nai-lock ko iyon.

"Maybe she's fallen asleep, babalik na lang po ako bukas," magalang niyang sambit at narinig ko na ang mga hakbang nila papalayo sa kwarto ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong marinig na boses nila. Lumipat ako sa kama at nahiga doon.

Bakit ba siya nandito? At, babalik pa siya bukas?

Hinawakan ko ang dibdib nang mapansing kanina pa pala 'to sumasakit dahil sa nagtatantrums kong puso.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now