Chapter 10

33 1 0
                                    

'There's already someone who caught my attention'

Paulit-ulit iyon sa utak ko.

Who could that be? Who's that lucky girl?

Kaya ba hindi siya sumipot sa usapan namin dahil sa babaeng tinutukoy niya? Napabuntong-hininga ako. Why do I care right? Labas na ako dun.

Napatulala na lang ako sa ceiling hanggang sa makatulog.

I woke up late, napakusot ako sa mata at nag-ayos sa banyo bago kinuha ang cellphone. I decided to just stay here in my room.

Binuksan ko ang cellphone at missed calls agad ni Xian ang nasa screen. Kumunot ang noo ko habang nag ii-scroll. 30 missed calls? Kagabi pa, wala naman siyang kahit isang message.

Kumuha ako ng robe at lumabas ng kwarto. I'll just eat breakfast.

Pagkababa pa lamang sa hagdanan ay may naamoy na akong pagkain, nagluluto pa ata si yaya.

Umupo ako sa table nang hindi siya tinitignan. Nag scroll lang ako sa cellphone ko hanggang sa may lumapag ng plato sa harapan ko.

"Mukhang busy ka ata," nanlaki ang mga mata ko nang malingunan si Xian, he's wearing an apron. Ang kamay ay nasa lamesa at nakayuko sa'kin. Napakurap-kurap ako at hinampas siya sa braso.

"Bakit ka nandito?" naiinis kong tanong ang nilibot ang paningin, kami lang ang tao dito sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kasambahay dito at kung bakit siya ang nagluluto!

"I prepared your breakfast and yet, you're mad at me? Wala man lang bang thank you?" umupo siya sa katabi kong upuan, nasa mukha ang dalawang kamay habang ang mga siko ay nakatukod sa mesa, nakatingin sa'kin.

"Hindi naman kita inuutusang ipaghanda ako, bakit ka ba nandito ha?" sinamaan ko siya ng tingin. Kahapon lang ay hindi niya ako sinipot sa usapan namin tapos makikita ko siya ngayon dito sa pamamahay ko?

Nasayang kaya ang effort ko kahapon, pinaghintay niya pa ako tapos ngayon nandito siya at nakatingin sa'kin na para bang wala siyang kasalanan.

"Bakit? Ayaw mo bang makita ang gwapong pagmumukha ko?" he smirked, I rolled my eyes.

"Sino nagpapasok sa'yo?" I asked.

"Ate mo. Paalis na siya kanina nang magkasalubong kami sa gate,"

"Siya rin ba nag-utos sa'yo na ikaw magluto dito?"

"No, uh magluluto na sana si tita Esther kaya lang sinabihan kong ako na. I've put an effort while cooking that, a peace giving for what I did yesterday. Hindi kita sinipot, I'm sorry," he said, nagkatitigan kami pero naputol 'yon nang tumunog ang cellphone ko. It was Allie's message, bubuksan ko na sana.

"Hey, no phones when eating," suway niya at binaba ang cellphone na hawak ko. Then nilapit niya ang upuan sa'kin at sumandok sa plato ko.

"Ah," nilagay niya ang kutsara sa harap ko, nanlilisik ko siyang tinignan saka inagaw sakanya ang kutsara.

"I'm not a baby, I can eat by myself,"

"Eh ako na lang subuan mo," muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya, sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Tsh kumakain ka, kung ano-anong iniisip mo," he smirked.

"What?" I rolled my eyes and just continued eating.

Pagkatapos kong maubos ay ako na mismo ang nagdala sa sink ng plato ko. Ako na lang rin ang maghuhugas, isa lang naman 'to eh.

"Hey, galit ka parin ba sa'kin?" sunod ni Xian sa likuran ko na parang aso. "Sorry, Nagbago kasi ang schedule namin kahapon, hindi ako pwedeng hindi pumunta 'cause it's an important meeting." He explained, humarap ako sakanya.

He was so close to me kaya napaatras ako dahilan para tumama ang likod ko sa sink, tumikhim ako. "It's okay, I understand your busy schedule," at tumalikod na ulit sakanya.

"Are you mad?" bulong niya sa tainga ko, itinukod niya ang dalawang kamay sa sink kaya parang nakakulong ako sa mga braso niya. Umiling ako, I can see on my peripheral vision that he's staring at me.

Bakit naman ako magagalit? At.. may karapatan ba akong magalit? Ano bang papel ko sa buhay niya? I'm just his bestfriend.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now