Chapter 1

67 4 0
                                    

"Bakit ba ang daming tao dito sa mall ngayon," inis kong sambit saka sinuot ang aviators. Maraming nakikisiksik, kanina pa ako nasasagi.

"Hay hindi ka ba updated sa news, may meet and greet dito yung sikat na pop group, yung ano.. yung world icons!" niyugyog ni Allie ang braso ko at tumili.

"W-World icons? Nasa pinas na pala sila?" nagtatakang tanong ko. Bakit hindi ko alam?

"Oo 'te! Last week pa, nagpe-prepare na sila for their upcoming concert tapos ngayon may pa meet and greet pa sila dito! Hindi ka ba nanood ng balita? It's all over the internet!" inirapan niya ako at pinaypayan pa ang sarili.

World icons is their group name. Hindi ko akalaing nandito na pala sila. Bakit walang nagsabi sa'kin? Ngayon ko lang nalaman?

Nagco-communicate pa naman kami ng mama niya pero madalang nalang, pero bakit wala man lang siyang sinabi sa akin.

Umiling na lang ako. At bakit naman nila sasabihin sa akin? They know, everybody knows that we've already lost connections so bakit pa Xixiana?

Inaya ko nalang si Allie na magtingin-tingin ng mga damit sa mga boutiques na madadaanan namin. Nang makahanap na ng bibilhin, binayaran na agad namin para makaalis na sa mall.

Ayaw kong magtagal dito hanggat maaari.

Saktong pababa na kami sa escalator nang mahagip ng paningin ko ang grupo nina Hexian sa baba. Naka-upo silang lahat sa parang maliit na stage at maraming nakapalibot sakanila na media at mga fans. Ang iba nga ay mas dala pang banners at nakasulat ang group name nila.

May nagsasalita sa mic, mukhang iniinterview sila. Flashes of cameras are everywhere, maski nga ang nasa likod ko ay naglabas ng cellphone para makunan ng video ang grupo kahit na malayo sila sa kinatatayuan namin.

"Hexian, you're in your 20s now, maybe you can answer your fans question now?" pagbaling ng nag-iinterview sakanya. Rinig na rinig dito ang tanong dahil naka-mic siya at sadyang sobrang lakas ng boses, tinutok niya kay Hexian ang mic.

Sakto namang nakababa na kami sa escalator, I stopped walking. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong na-curious. I want to know his answer, and that question they're talking about.

"Hm what question?" it was his husky voice, sinundan iyon ng kanyang tawa. Maraming nagtilian.

"The one you always refuse to answer," ang sabi sakanya ng nag-iinterview. Hindi ko alam kung bakit nagtilian ang mga tao, pati nga si Allie na nasa gilid ko ay nakisabay rin. Ano bang meron don?

"Hm," iyon lang ang tanging sagot niya. Mas umugong pa ang ingay ng mga tao, nangangatyaw at parang pinipilit pa siyang magsalita.

I was about to step and get away from them, ang ingay na kasi at hindi ko naman alam ang kanilang tinutukoy.

"Do you have a girlfriend?" natigil nga lang ako sa narinig ko. Lahat ay tumahimik, kaya lumingon ako sa banda nila.

All eyes were on Hexian, but his' was on mine. Napakurap-kurap ako, baka guni-guni lang, baka nadaanan lang ako ng mga mata niya.

But he stayed that way. Looking into my eyes, like he was looking into my soul.

"I.. never had a girlfriend.." he said that slowly, biglang umingay ang lahat. Parang hindi makapaniwala sa sinabi niya, maski ako ay ganon din. Hindi nga lang ako maka-react kasi ang paningin niya ay nasa akin parin.

"But there's this one.. she's very special to me. And I think, I couldn't get a girlfriend if it isn't her," sabi niya na nagpalakas pa lalo ng mga tili.

"Az-ian! Az-ian! Az-ian!" iyan ang sinisigaw ng lahat. It's like a chant, hindi ko alam.

"Bes shini-ship na naman nila si Xian sa ka group niya. Pero sa tingin mo, si Azalehn kaya yung tinutukoy niyang special sakanya?" tanong sa akin ni Allie at nakisabay pa sa chant.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Hanggang ngayon kasi ay nakatingin parin siya sa akin.

Sabi na eh, he found someone better. Ka-group pa niya, ka-level niya. They're both a superstar and everybody loves their tandem.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now