Chapter 38

24 2 0
                                    

Days passed by, nandito lang ako sa bahay nila Allie at nagmumukmok. May business trip kasi ang parents ni Allie at months pa sila makakauwi kaya kami lang dalawa ang nandito.

I've already called my mother and told her that I'm okay. Nag-aalala sila sa'kin, si mama, si papa, at si ate. I assured them that I'm fine here.

Ang mga media ay uhaw na uhaw sa reaksiyon ko sa issue na pati ang mga magulang ko ay kinukulit tungkol dito. They even trespassed on our company, mabuti na lamang at napaalis kaagad sila ng security.

The issue did not die down that easy, bawat araw ay mas lumalaki pa nga dahil walang sinasabi ang kampo nila Hexian.

Speaking of, I'm here at the sala, waiting for Hexian's reply. Mula noong bumisita siya hanggang ngayon, hindi parin ako nakakatanggap ng kahit ni isang text galing sakanya.

I convinced myself that he's just busy.

Marami silang mga performances ng kaniyang grupo, and everytime na may performance sila ay nandoon din palagi ang media at naghahanap ng kasagutan sa issue pero mailap ang World Icons. Sa tuwing tapos na sila sa performance ay pinapalibutan sila ng sandamakmak na guards at umaalis kaagad sila sa lugar kung saan man ginaganap ang kanilang performance.

Gumabi na lamang ay wala parin akong natatanggap na reply galing kay Hexian.

He's just busy, I understand.

Pero kahit anong sabi ko sa sarili ko, kahit anong gawin kong pag-iintindi ay hindi ko parin mapigilang masaktan at magtampo.

I closed my eyes to sleep but I can't, palaging ganito. Hindi ako mapakali araw-araw. Hindi ako makatulog kakaisip sakanya.

I wonder what happened to his day. Napagod ba siya? Okay lang ba siya? Nakakain na ba siya?

I missed him.

Napasinghap ako sabay bangon sa pagkakahiga. Hindi na naman ako makahinga dahil nagsimula na namang mahulog sa mga mata ko ang mga luha.

Hindi ko maiwasang magtampo.

Ang kinakapitan ko na lang talaga ngayon ay ang mga salitang pinakawalan niya. Na mahal niya ako.

Oo, mahal niya ako.

Tumango ako sa sarili ko.

Pero kung mahal niya talaga ako, bakit hindi niya parin tinutupad ang pangako niya?

He promised to protect me.

Hindi ako nagmamadali, maaring busy siya.

Pero masakit lang makita siya sa telebisyon na nakangiti habang kaharap ang libo-libong tao habang ako ay nakatago dito dahil sa oras na makalabas ako ay paniguradong dudumugin ako ng lahat.

Everybody hates me.

And he said that he'd protect me from them.

Pero bakit hanggang ngayon.. wala parin silang sinasabi sa media tungkol sa issue?

Para bang, tinataguan nila. Na ayaw nilang sumagot. Na kinakahiya nila ang nangyari at ngayon ay pinili na lamang kalimutan 'yon kaysa sa ayusin.

Umasa ako, cause he promised. Sana ay hindi na lang siya nagbitaw ng pangako kung hindi niya rin pala kayang gawin.

Maaga akong gumising kinabukasan. Kaunti lang ang tulog ko at naalimpungatan ako, hindi na rin ako makatulog pa kaya lumabas na lang ako sa kwarto at pumunta sa sala.

I saw Allie on the couch, naka on ang tv at mukhang may pinapanood siya.

"Xiana.. g-gising ka na?!" nang bumaling siya sa'kin ay namutla siya, kumunot ang noo ko at lumapit pero dali-dali siyang tumayo at hinarangan ako sa dinadaanan.

"M-Mag-breakfast ka muna!" hilaw niyang ngiti.

"Mamaya na, manonood din ako ng tv, anong pinapanood mo?" ngumiti ako, mas lalo siyang namutla kaya kumunot na ang noo ko.

"Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong. Hinawakan ko ang leeg niya pero hindi naman mainit.

Bumuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin.

"Y-Yung World Icons.." hindi na siya mapakali. Kumunot ang noo ko at lumapit sa couch para makita kung ano ang pinapanood niya.

"So is it true Mr. Grey, that the World Icons will be back in US for good?" tanong ng isang bakla sa lalaking nakaupo sa mahabang table.

Tumango ang lalaking mga nasa mid 30s ata. He's wearing a black longneck sweater and a scarf. Sa harap ng kanyang table ay nakasulat ang kanyang pangalan.

It writes there that he's the manager of the World Icons.

Nanlaki ang mga mata ko at naupo sa couch.

"Mr. Grey, Mr Grey, what can you say about the issue about Hexian? Is it true? Does that-"

"Whatever's on the picture has nothing to do with Hexian. The girl on the picture was his friend and maybe she's just delusional or she wants fame, I don't know her real motives but those pictures was edited. It isn't true. Hexian already explained this to me and he himself claimed that this is all not true. I hope this issue will die down, Hexian's relationship with Azalehn was tainted because of this."

Everyone on the screen went silent. Napalunok ako.

I don't know what to react. I'm hurt, ofcourse.

Tears started to pool on my eyes and before I could know, I was already crying my heart out.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now