Chapter 35

29 2 0
                                    

Matagal ang biyahe, at sa buong oras 'non ay nakatulala lang ako. Hindi na ako makatulog dahil hindi naman ako inaantok.

Sa sobrang daming naiisip ko ay sumasakit na ang ulo ko.

Ano nang mangyayari? What will people say? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin, ng mga malapit sa akin, ng pamilya ko?

I just cried the whole ride, tahimik lang na umaagos ang luha sa mga mata ko but I can't feel anything. I obviously feel nothing at all.

Kaya naman nang makapasok na kami sa bahay nina Allie ay dumiretso ako sa guestroom nila at doon sumalampak. I didn't bother to look at Allie. Dito ako dumiretso at hindi sa kwarto niya dahil gusto ko munang mapag-isa. She understands it kaya hindi niya na rin ako inostorbo.

I rummaged my bag, kinuha ko ang cellphone at tinignan na naman ang article.

Mas dumami pa ang viewers noon, at ang mga comments din!

I opened my social media accounts at iyon kaagad ang bungad sa akin! It's all over the internet!

Maraming mga speculations at theories. Naungkat pa ang tungkol sa childhood namin!

May lumabas ding ibang picture na magkasama kami. Lumabas na lahat!

Binasa ko ang isang post. Meron 'yong picture namin ni Hexian. Sa Tagaytay, nakuhanan ako ng picture na papalabas sa kotse niya.

It was said here na nakita kami na magkasama so the girl who saw us did not hesitate to took a photo of us. She has a theory din. Ang sabi niya ay baka daw babae ako ni Xian at na tinatago niya ako dahil for sure, kapag nalaman ng media ay dudumugin kami. Galit pa siya sa'kin dahil sinira ko daw sina Hexian at Azalehn! Alam ko naman daw na may girlfriend na ang tao eh, nilalandi ko pa!

What the hell?

Azalehn is not Hexian's girlfriend! I am!

Nag-iinit ang ulo ko habang binabasa pa ang iba. They claimed that I am the mistress! That I ruined Hexian and Azalehn's relationship!

They were all mad!

Marami rin ang nagme-message sa mga social media accounts ko. Half of it were all threats that for sure, came from Hexian's crazy fans! Ang iba naman ay mga reporters, they introduced theirselves at tinanong ako kung pwede daw ba akong interview-hin sa mga kaganapan ngayon!

People close to me also sent concerned messages, tinatanong nila kung okay lang ba ako o kung totoo ang mga binabalita sa internet.

Lahat ng 'yon, hindi ko nireplyan.

I was mad too, pero hindi ko alam kung kanino ko ipaparamdam ang galit ko! I can't be angry at Hexian, he also don't know that this will happen. I can't also be angry to Allie, she was the one who helped me leave that place! Kung hindi pa kami umalis ngayon ay paniguradong dudumugin ako ng media!

I can't also be angry at the crazy fans! Ofcourse, may karapatan silang magalit sa'kin dahil syempre akala nila ay sinira ko ang relasyon nina Hexian at Azalehn! They didn't know the truth but still, they have the right to get mad at me! They were hurt.

Kung ganoon, para kanino ang galit ko? Maybe for myself? Because if I didn't confessed on that night, hindi mangyayari ito!

Ginulo ko ang buhok, sumasakit na talaga ang ulo ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kanina pa yan tumutunog pero wala akong planong sagutin.

Pero nang makitang pangalan 'yon ni Hexian ay sinagot ko kaagad.

"Xixiana, where are you? Are you okay? Who are you with?" bungad niya.

Nanginig ang mga kamay ko. By hearing his voice, unti unting sumasakit ang puso ko.

"Hey, are you still there?" tanong niya. I can sense that he's tensed and concerned. Tears started to pool in my eyes, pinigilan ko ang mga hikbi ko.

The moment I heard his voice, parang doon lang lumabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"H-Hello.." pinigilan ko ang panginginig sa boses ko pero hindi ako nagtagumpay.

I can hear his frustrated breathing, my heart ached more.

"Nasaan ka? Did you read the article? Turn off your phone, huwag mo nang isipin ang mga 'yan. I'll take care of that,"

"I-I'm here at Allie's place, w-we left the place early when s-she saw the article,"

"Good. Just stay inside her house, pupuntahan kita."

"H-Huh?" nanlaki ang mga mata ko.

"Hush, just rest. I know you're tired, Im sorry for all of these," he said breathily, he sounded so tired too.

"It's not your fault.."

"But your name was tainted, and it's because of me.." he whispered. My heart ache at the thought na sinisisi niya ang sarili niya.

"Just stay there, okay? Wait for me, I'll be right there. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa issue, I'll fix it immediately," aniya, umiling ako kahit na hindi niya iyon makikita.

"You don't have to come here, I'm okay at kasama ko naman si Allie-"

"But I want to be there, and to be with you. Hindi ako mapakali nang hindi kita nakikita, lalo na ngayon." Aniya, magsasalita ulit sana ako pero naunahan niya ako.

"No more buts Xian, just wait for me there. I love you." Sabi niya at pinatay na ang tawag.

Pinatay ko na rin ang cellphone ko dahil iyon ang utos niya. After that call, I felt relieved.

Parang nawala ang lahat ng naiisip ko. He made me calm, and secure.

Na para bang sa isang tawag na 'yon, nawala lahat ng problema ko.

Dahilan kung bakit nakatulog ako ng mahimbing.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now