Chapter 25

28 1 0
                                    

Kung hindi niyo naitanong, Helios was one of the reasons why I've lost my connection with Hexian. The most dumbest reason.

Siya yung tinutukoy kong lalaki na nakausap ko lang noon, but someone took a photo of us and sent it to Hexian. That's the reason why he's so mad, he gave malice to the picture eventhough we were just casually talking on that day.

Too dumb reason for us to fight right?

Nasa malayo na part na ngayon si Allie, lumusob siya sa tubig. Hinubad ko ang suot na kimono at tinapon lang 'yon basta basta sa lupa.

I was about to step on the sea when someone grabbed my hand. Naiirita kong nilingon si Hexian. Nakakasilaw ang araw kaya hindi ko siya diretsong matignan sa mukha. Hawak-hawak niya ang damit ko.

"What the? Bitawan mo nga ako!" sinubukan kong pumiglas kaso masyadong mariin ang pagkakahawak niya sa'kin. Tinignan niya ang kabuuan ko, then his jaw clenched.

"Suot," he demanded, binigay niya sa'kin ang kimono.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Lalangoy ako, bakit ko yan isusuot?"

"E 'di magpalit ka!" mas masama ang tingin niya sa'kin, umirap ako.

"What's your problem? Bitawan mo nga ako at gusto kong lumangoy sa dagat!" sinigawan ko siya. Malayo ang mga tao samin kaya walang nakakarinig sa pinag-aawayan namin.

Inalis niya ang hawak kaya tumalikod ako sakanya.

"Ikaw? What's your problem? Bakit mo'ko iniiwasan?" bulong niya sa likuran ko, ramdam ko kung gaano siya kalapit sa'kin. His hands were on my waist, nagtindigan ang mga balahibo ko.

"May nagawa ba akong mali?" hinawi niya ang buhok sa leeg ko at bumulong sa tainga ko, napalunok ako.

"A-Anong pinagsasabi mo!" lumayo ako sakanya, paniguradong namumula na ngayon ang pisngi ko.

He signed, then inagaw sa'kin ang kimono tapos pinasuot 'yon sa'kin.

"Wag mo na 'yang hubarin, maraming asong ulol ang naglalaway sa katawan mo," pinasadahan niya ng tingin ang grupo ng mga lalaki sa malayo, nakatingin sila samin kaya hindi ko maiwasang mahiya. Nakita yata nila yung ginawa ni Xian kanina.

Tumikhim na lang ako at yumuko. Umalis narin kaagad si Hexian, nabitin ang tingin ko sa kinatatayuan niya kanina.

"Uy, anong ganap? Nakita ko 'yon ha. Akala ko ba, iniiwasan?" bigla na lang lumitaw si Allie sa gilid ko, umirap ako.

"Iniiwasan naman talaga,"

"Weh? Bakit may payakap?" sinundot niya ang tagiliran ko, sinamaan ko siya ng tingin.

"Yakap? Anong yakap? Wala!" inis kong sabi. Mukha ba 'yong yakap? Siguro sa malayo, parang yakap yun tignan. Sobrang lapit kasi ng katawan niya sa'kin tapos nakahawak siya sa baywang ko, uminit ang pisngi ko nang maalala ulit 'yon.

"Ikaw ha, iba na 'yan," inasar-asar niya pa ako.

Nang dahil sa nangyari ay nawalan na ako ng balak maligo. Kung gugustuhin ko, pwede akong maligo at hubarin 'tong pinasuot sa'kin ni Xian pero wala talaga ako sa mood. Hindi na mawala sa'kin ang mga nangyari kanina.

Hanggang sa gumabi na lang ay iniisip ko parin 'yon. How can he make me feel this way?

Noon lang, nasasaktan pa ako at gusto kong magmukmok na lang dito. Ngayon naman, parang puputok na ang puso ko dahil sa ginawa niya kanina.

Ramdam ko parin ang hawak niya sa baywang ko, para bang nakadikit na ang balat niya sa balat ko at hindi na maalis-alis.

Napabuntong-hininga ako at humiga sa kama. Nalilito na ako ngayon.

I'm torn between avoiding him or telling him what I really feel.

But what will happen if I'll confess? Naisip ko pa lang na sabihin sakanya ay parang mahihimatay na ako.

Pero kung hindi naman, habang-buhay ko na lang bang itatago sakanya 'tong nararamdaman ko?

And about his actions, is he giving me clues? Or it's just him playing with my feelings?

Minsan kasi, may pagkajerk siya. Puro siya kalokohan, hindi man lang iniisip kung anong mararamdaman ng iba.

Does he like me too? Or he's just concerned at me because he treats me as bestfriend.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now