Chapter 46

25 2 0
                                    

Tulad ng plano ko, umaga pa lamang ay pumunta na ako sa police station para ireport ang nangyari kagabi. Nagpahatid na lang ako sa driver namin gamit ang isa pang sasakyan.

Nalaman ng pamilya ko ang nangyari at alalang alala sa'kin si mama but I assured her that I'm safe.

Pinigilan niya pa nga akong pumasok sa trabaho ngayon pero nagpumilit ako. Kung makukulong ako ngayon sa bahay ay wala akong maiisip kundi ang mga nangyari kagabi. Kaya mas mabuti nang magpaka-busy sa trabaho.

Pagkatapos sa police station ay pumunta na ako sa building para magtrabaho. May mga guard na paikot-ikot sa basement, siguradong si papa ang naglagay no'n dito.

Well, mabuti na 'yon para hindi na mangyari ulit ang tulad kagabi.

"Good morning Xixiana!" bati sa'kin ni Raven nang mapadaan ko sa cubicle nila, I smiled and greeted him too bago pumasok sa aking opisina.

As usual, I made myself busy.

Nang maghapon ay nagulat na lang ako nang pumasok si Allie sa opisina ko, kaagad siyang dumiretso sa sofa at doon umupo.

"Ano 'tong nabalitaan ko na nanakawan ka ng kotse?!" she exclaimed, I rolled my eyes.

"Nareport ko na sa police Allie, no need to worry," sumandal ako sa aking swivel chair.

"Weh? Eh, paano ba talaga nangyari? Did they threatened your life? Ang sabi ni tita ay wala ka naman dawng sinabi. Ninakaw lang daw ang kotse mo pero hindi ako naniniwala! Sa mga movies, usually tinututukan sila ng kutsilyo kapag ganyan eh!" she snapped, I sighed.

"Kalimutan mo na 'yon, atleast now, I'm safe,"

"So nangyari nga? Oh my gosh! Anong ginawa mo? Oh my! Kung ako 'yan, nahimatay na ako!" nagpapanic na siya.

"Easy, okay na nga ako eh, bakit pa kailangang balikan?" ngumuso ako. "Someone saved my life.."

"Oh?" gulat niyang sabi. "Katulad ba 'to sa mga movies na nakipagsuntukan siya sa mga nagnakaw? Like a knight in shining armor?" nanlaki ang mga mata niya, sinamaan ko siya ng tingin.

"Hexian's there, he saved me. He punched the man but it isn't enough to stop them from stealing my car," nagkibit-balikat ako. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"He what?! Siya?! Weh? Oh my gosh! Are you saying the truth?!" pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay, kumunot ang noo ko.

"Yeah, why?"

"Oh my gosh! Tell me everything!" sigaw niya sa'kin. Tumayo ako at lumapit sakanya, umupo din sa sofa at sinabi sakanya ang lahat ng nangyari.

We talked about alot of things, kung saan saan na naabot ang kwento namin nang tumunog ang cellphone niya. It was a message from someone, naningkit ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na pangalan.

"Can you tell me the truth? What's really the score between you and Daeshim?" tinaasan ko siya ng kilay.

Magmula nang mangyari 'yong sa resort, palagi ko nang nakikita si Allie na katawagan ang kagrupo, I mean ex na kagrupo ni Hexian.

A year ago, their group disbanded. I don't really know what's the reason and I don't have the plans to know. I don't really care. Ngayon ay may individual career na sila.

"Ewan ko sa koreanong hilaw na 'yon! Nakakainis! Medyo paasa siya, alam mo?" singhal niya sa'kin, nagkibit-balikat na lang ako at tinignan siyang nag type ng reply para sa lalaki.

Napasinghap ako.

Naisip ko.. ano kayang mangyayari sa amin kapag hindi kumalat ang mga pictures na 'yon noon?

Pinilig ko ang ulo ko.

Nahihibang na ba ako? Everything happens for a reason, and maybe that happened 'cause destiny really don't want us to be together. That pictures was the reason why we parted.

And it's enough reason to stop myself from whatever I'm thinking. Whatever happened between us ended years ago.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now