Chapter 40

22 2 0
                                    

Days had passed, nawala na ang issue sa akin. Pero may kakaunti paring mga nagme-message sa akin ng mga threats. They even made a group, lahat ng mga member nila ay mga may galit sa akin.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit galit na galit sila sa'kin na nag aksaya pa talaga sila gumawa ng haters club ko.

May mga media rin na uhaw parin hanggang ngayon sa opinyon ko tungkol sa issue na 'yon. Hindi lang talaga sila mananahimik hangga't makakuha na ng impormasyon sa magkabilang panig.

Nagsuot ako ng raybans at lumabas na sa kwarto.

Hanggang ngayon ay nandito parin ako kina Allie. Pwede na naman akong umuwi sa bahay pero ayaw ni mama. Mas mabuti daw na dito lang muna ako para may kasama ako, kapag kasi sa bahay ay palagi akong mag-isa dahil busy sina mama sa trabaho.

"Sure ka ba? Pwede namang ako na lang," nag-aalinlangang sabi ni Allie. Nasa harapan ko siya at nakabihis na rin. I rolled my eyes.

"I want to go out too, hindi naman pwedeng nakakulong lang ako dito," I reasoned.

"But you'll be safe if you stay here. Who knows, baka dumugin ka mamaya? Hindi pa namamatay ang issue Xiana, may iba pa ring galit sa'yo!"

"I don't care, I just want to come with you!" ngumuso ako.

She'll go to the mall today, to buy our needs. Well, I want to come with her dahil nauumay na ako sa surroundings dito sa bahay nila.

At isa pa, matagal na rin nang makalabas ako. Para akong kinukulong dito, I want freedom! Plus, may suot naman akong raybans kaya hindi naman ako basta-basta makikilala ng kahit sino dahil sa laki nito.

She just sighed and headed the way down to the stairs. I smirked.

Sumakay kami sa kotse nila papuntang mall.

"Are you sure about this? Pwede namang dito ka na lang, mabilis lang naman ako sa loob," ang sabi niya, umirap ako at tuluyan nang lumabas sa kotse.

"See? Wala namang lumapit sa'kin, they'll never know me unless I take off my raybans." I smiled at her sweetly, she just rolled her eyes.

Sinamahan ko si Allie sa pag grocery. Ako ang nagtutulak ng cart habang siya ay naghahanap ng mga nakalista sa papel.

I find this boring pero okay na 'to. Atleast nakalabas ako sa bahay.

Maya-maya pa ay pumila na siya sa counter. I stayed here beside the stands of perfume.

Kumuha ako ng isang brand at sininghot 'yon.

"Bibilhin niyo po, ma'am?" may isang sales lady na lumapit sa akin. I put back the perfume and smiled at her.

It's cheap. I don't want that.

Umiling na lamang ako sakanya at lumapit kay Allie na tapos na sa pagbabayad ng mga binili.

"Maglibot muna tayo dito," pilit ko, sa huli ay wala siyang magawa kundi ang sumunod sa'kin habang papasok pasok ako sa iba't-ibang shops.

Nakatingin ako ngayon sa isang damit na may shade of blue. I love the color, and also the details.

Tinaas ko ang suot na raybans para tignan iyon ng mabuti.

"Is that the delusional bitch?"

"Ayan yung nagtrending di'ba? Dahil sa issue nila?"

"Oh my, yung nagkalat ng edited pics nila ni Hexian?"

"Siya 'yan! Muntik niya pang masira ang relationship nina Hexian at Azalehn!"

Nilibot ko ang paningin sa paligid at naabutan silang nakatingin sa akin habang nagbubulong-bulungan. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung gaano ako katanga dahil hinubad ko ang raybans!

Bago pa ako makapag-isip ng gagawin ay may lumipad nang damit na tumama sa'kin. Sinundan 'yon ng isa pa.

"Xiana, takbo!" hinila kaagad ako ni Allie paalis doon. May tumunog pa nang makalabas ako dahil may damit palang nakasabit sa balikat ko! Papunta na sa akin ang guard. Sa takot ko ay kinuha ko ang damit sa balikat at tinapon sakanya! Tumama 'yon sa mukha niya at bago pa ako makapag-sorry ay nahila na ako ni Allie.

May iilang sumusunod sa'min. Marami ang nakatingin habang tumatakbo kami pero wala na akong pake. Ang concern ko ngayon ay kung paano kami makakalabas dito!

"Akala mo makakatakas ka sa'kin?!" may biglang humablot ng buhok ko kaya napatili ako. Masakit 'yon, ramdam na ramdam ko ang galit sa kung sino man ang naghila sa'kin.

"B-Bitiwan mo ako!" I screamed. Wala na akong pake sa kung sino ang mga nakakakita. I just want to get out of here!

"You bitch! Delusional bitch! You tried to ruin their relationship! Ito ang bagay sa'yo!" she screamed so loudly at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa buhok ko. Mangiyak-ngiyak na ako habang pinipilit bawiin sakanya ang buhok.

The screen infront of us opened and the first thing I saw is Hexian.

May iilang guards ang lumapit sa amin at sinubukan paamuhin ang babaeng nakahawak ngayon sa buhok ko. She's so affected sa mga nagawa ko sa idol niya na hindi niya napansin ang kung anong nakalagay sa screen.

It was Hexian, kissing a girl.

Tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa sakit ng pagkakadiin sa buhok ko, kundi sa nakikita ngayon.

It was dark, with party lights and some smoke. Nasa harapan ng isang table sina Hexian at pinapalibutan sila ng mga tao. Flashes of cameras everywhere.

"Hindi niyo ako naiintindihan! Deserve lang 'to ng babaeng 'to!" nagwala na ang nakahawak sa buhok ko.

My eyes were too focused on the screen. Namamanhid na ako sa ginagawang pagdiin ng babaeng nakahawak sa buhok ko.

A tear escaped my eyes.

Everybody's laughing at the screen. They're cheering for more. Sinunod 'yon ni Hexian at mas diniinan pa ang halik sa babae.

The girl's face is reddened by the kiss, or maybe she's drunk.

Hindi ako pwedeng magkamali.

"I don't think I deserve this, the two of them looks very okay now, what's the point of hurting me?" hinarap ko ang babae matapos niyang bitawan ang buhok ko sa tulong ng mga guards.

I glanced at the big screen once more para makita niya. It was Hexian and Azalehn, they were kissing.

I wiped my tears and turned my back to them. Never wanting everyone to see me this weak.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now