Chapter 52

23 2 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga oras. Nang gumabi ay umayos na ang lagay ko kaya pinauwi ko na si Hexian.

Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ang mga kalat sa aking kwarto. Umaga na at ngayon ko lang nakita ang mga nagkalat na tissue kagabi dahil sa sinisipon ako! Kung saan saan ko lang tinapon kagabi.

Pinulot ko 'yon isa-isa at nilagay sa garbage bag. Ako na lang ang magtatapos nito, kaya ko naman.

Gumaling na nga ako sa lagnat ko, sinipon naman ako! Pag iinom ako mamaya ng gamot, sabayin ko na yung gamot sa ubo. Baka ubuhin din ako kaya uunahan ko na!

Mabuti na lang at sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Sana pala, hindi na lang ako nagpaulan para hindi nagkasakit. Marami na sanang trabaho ang natapos ko. For sure, tatambakin na naman ako nito sa lunes!

Buhat ko ang garbage bag ay bumaba ako sa kwarto, pinigilan pa ako ng isang kasambahay namin at nagpresinta na siya na ang tatapon pero tinanggihan ko na. Kaya ko naman 'to, hindi naman 'to mabigat eh.

Papalabas na ako sa gate nang may narinig ako na pamilyar na boses. Our gate isn't closed, may kaunting gap kaya pwede akong sumilip sa labas.

I stayed inside, pina-process pa ng utak ko kung saan ko narinig ang boses.

"I'll stop her, I need to. That's why I'm here." Sabi ng boses. Her accent is foreign.

"She's blocking my way, tss. I'm almost there, but she came out of the scenario and blocked all my plans! I hate her!" she exclaimed. Sumilip ako ng konti sa gate pero likod niya lang ang nakikita ko, she's holding her phone, nakatutok 'yon sa tainga niya kaya paniguradong may kausap siya ngayon sa cellphone.

"I already ruined them before, why would you stop me now? I'm so good at this, no need to worry," she said, annoyed. Kumunot ang noo ko, what does she mean by that?

I don't intend to eavesdrop but she's outside our gate. I'm curious why she's here, or do I know her?

"Are you stopping me huh?!" mariin niyang sabi.

"I was the one who took pictures of them! I was the one who spread those pictures in the internet! I planned all of those to just get him away from that girl! I loved him dearly that's why I did that. Don't accuse me of being a devil 'cause I only did that because I love him! And I want him only for me!" she said. Nanlaki ang mga mata ko.

Tama ba ang naiisip ko?

Does she mean of the issue.. before?

"I need to make a move as soon as possible, I won't let her ruin my plan! If I will need to hurt her, I will!" sigaw niya.

Napaatras ako ng konti sa gate. What I've heard sent shivers down my spine. What if.. tungkol nga sa issue namin ang pinag-uusapan nila? Na siya ang kumalat ng mga pictures namin ni Hexian?

I need to know! I need to know who's that girl!

Bago pa ako makapag-isip ng mabuti ay may biglang nagdoor bell. Nakita ko ang isa naming katulong na nagmamadaling lumabas para pagbuksan ng gate ang maaaring bisita pero pinigilan ko siya. Tutal ay nandito lang rin ako ay ako na mismo ang haharap.

I opened our gate and a petite girl, with chinky eyes and long wavy hair showed up. She's wearing a beige dress that hugged her perfect body. She didn't changed, gano'n parin ang ayos niya but.. my view of her changed.

Ganiyan ang ayos kanina ng babaeng nasilip ko sa gate, at bakit ngayon ko lang naisip na magkaboses sila ng babaeng nasa harapan ko!

"Hi Xixiana, long time no see," she smiled sweetly. She looks so innocent with her face and voice, but inside her is a devil.

It's Jiae.

Napaatras ako. I need to compose myself and go with the flow. Hindi ko siya tatanungin tungkol sa narinig ko kanina. Nagtiim bagang ako.

"Hi! Why are you here?" I tried my best to smile at her. Pumasok siya sa loob ng gate kahit wala akong sinasabi, umatras ako para mabigyan siya ng space.

"I kinda missed you! We haven't talk for a long time," malambing niyang sabi, her sweet smile is kinda creepy to me.

"Yeah.." nasabi ko na lang. Actually, hindi naman talaga kami nag-uusap noon, siguro sila ni Allie. And to visit me here in our house is kind of weird. Mas lalo akong napaniwala sa narinig ko kanina.

"How are you? Haven't heard of you for a while," sabi niya. If she's playing with me right, then I'll play with her.

Tumaas ang kilay ko at ngumiti.

"I'm fine, you? Want to come inside our house? It's kinda hot here," anyaya ko. I'm not really that plastic pero inunahan niya eh!

"No, I'm not staying here long," ngumiti ulit siya.

"Uhm.. we.. me and Hexian are in a relationship, I hope you know.." bigla siyang nagseryoso pagkatapos ng ngiti. Tumayo ako ng maayos at nagtaas ng kilay.

"Oh, congrats.."

"Thank you! I'm really happy.. actually, I didn't expect that it's going to be us.. I just hope that no one will interfere our relationship.." nagkibit-balikat siya.

I smiled at her sweetly. Is this what she meant? To say these things to me so I can stop seeing Hexian?

So I could not interfere whatever her plans are?

Marami pa siyang sinabi sa akin tungkol sa kanila, I acted like I was really convinced.

Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ay nakikita ko ang sungay niya. Well, maybe because I've heard her talking to someone on her phone earlier? And I was so sure that it's about the issue years ago!

She's the one who took that pictures.. ofcourse she was there at my confession! Nandoon lahat ng mga kagrupo ni Hexian.

Nagdaan ang linggo at ngayon ay lunes na. I busied myself with work until it's getting dark.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung paano harapin si Hexian. Does he know? Ofcourse not! Tanga naman ni Jiae kung sasabihin niya 'yon kay Hexian 'no?

Hinilot ko ang sentido. Bahala na nga.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now