Chapter 17

24 1 0
                                    

"Sige na Xixiana! Wala ka namang ginagawa dito sa bahay ninyo eh!" pagpupumilit sa'kin ni Allie.

Nag-aaya kasi siyang magbakasyon kami sa isang beach resort. It's fine for me, pero 'di ko ata kayang magtagal doon ng one month.

"Please? Hindi naman magagalit si tita eh, samahan pa kitang magpaalam," niyugyog niya ang braso ko, inirapan ko siya.

"Hindi naman yun 'yon eh, ang akin lang, eh sobrang tagal ng one month!"

"Hindi kaya! At hindi mo naman mamamalayan yung mga araw kapag nandoon na tayo, mag-eenjoy ka sa place, promise!" aniya. Binuksan niya ang cellphone niya at may pinakita sa'kin, it was the view of the beach.

"Di'ba ang ganda? White sand pa bes. Gusto mo, ipakita ko pa sa'yo yung mga villas?" nag scroll pa siya sa cellphone niya.

"Tsh pag-iisipan ko," umirap ako.

"So sasama ka?"

"Ang sabi ko, pag-iisipan ko pa, okay?"

Nagkuwento pa si Allie sa'kin hanggang sa naisipan na rin niyang umuwi.

Nahiga ako sa kama at tumulala sa ceiling, it's late, pero hindi parin ako makatulog.

I glanced at my phone, kaka-charge ko lang niyan kanina. May nagtutulak sa isip ko na buksan na iyon at tignan ang mga messages, pero may nagpipigil din.

Kinuha ko ang cellphone at binuksan, napasinghap ako nang maraming messages ang bumungad sa'kin, marami ring missed calls.

I was about to open a message when Hexian's name popped on my screen, nanlaki ang mga mata ko at hindi alam ang gagawin.

Should I answer his call? Or decline it? Pero magtataka iyon. Sa huli ay napindot ko ang answer.

Napabangon ako sa kama at inayos ang sarili.

"H-Hello," bungad ko, he was silent for a while na akala ko ay nawala na siya sa linya. I heard his breathing.

"I'm glad you answered my call," he said with his husky voice, nakagat ko ang labi.

"Sorry, naging b-busy lang ako," pagsisinungaling ko. Tumahimik ang linya, hindi narin ako umimik kasi hindi ko naman alam ang idudugtong sa kasinungalingan ko.

"Are you mad at me?" pabulong niyang sabi dahilan para tumaas ang mga balahibo ko, it was just a simple word but it made my heart ache.

"No, bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"You are, ilang araw mo na akong iniiwasan,"

"Hindi, marami lang talaga akong ginagawa," pagdadahilan ko. I gritted my teeth, nakakapagsinungaling ako nang dahil sa nararamdaman sakanya.

"Okay then, I understand," mahina niyang sabi, tumikhim ako.

"Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?"

"I was thinking of you," aniya. Napakurap-kurap ako. Guni-guni ko lang ba? O talagang malambing ang pagkakasabi niya.

"You're ignoring my calls. Nang pumunta nga ako diyan kahapon ay dali dali kang nagtago sa kwarto mo,"

"H-Huh? N-Nagpunta ka dito kagabi?"

"Wala akong sinabing kagabi, ang sabi ko, kahapon lang."

Napapikit ako ng mariin. How stupid of me.

"Uhm, pasensya ka na-" pinutol niya ako.

"It's okay, you don't need to explain,"

Napanguso ako. Is he mad? Ang tanga ko kasi, huling-huli na pero nagpapalusot parin.

"By the way, we will leave the country in two months," aniya, nangunot ang noo ko.

I understand that he's really busy, at hindi lang naman Pilipinas ang priority niya dahil isa silang international pop group. Nakaramdam ako bigla ng lungkot.

"Malapit na pala,"

"Yeah, but before that, we'll have a vacation here for a month. Balak nga sana kitang-" bigla na lang naputol ang linya, nagulo ko ang buhok ko.

Bakit naman kasi nawala ang signal!

Napabuntong-hininga na lamang akong humiga sa kama.

He's leaving the country, alam kong pag nangyari yun ay matagal pa bago ulit kami magkita.

I guess fate isn't with us.

Parang gusto ata talaga kaming paghiwalayin.

Naisip ko yung beach resort na sinabi ni Allie. Siguro nga, sasama na lang talaga ako sakanya.

Para naman makalayo ako dito, makalayo ako kay Hexian.

Dapat, habang maaga pa ay tapusin ko na ang lahat ng nararamdaman sakanya.

Kailangan ko siyang iwasan, I need to stay out of this place kung nasaan siya dahil baka mas lalo lang akong mahulog sakanya. Kapag mangyari pa yun, mas mahihirapan akong pakawalan siya kapag time na para umalis na naman siya.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now