Chapter 3

47 4 0
                                    

He's with his group now, nakatayo sa table namin. Hindi na kasi kasya sa table dahil madami sila.

Hindi ako updated sa grupo nila although I did a small research noon. The pop group "world icons" is consist of twelve members that came from different countries.

One was from Japan, one from Indonesia, one from China, one from South Korea, one from Thailand, one from India, one from Hong Kong, one from Vietnam, one from Malaysia, one from Pakistan, one from Taiwan and ofcourse Hexian is the pride of the Philippines.

"Ma, kukuha na lang ako ng another table for them. Excuse me tita," magalang na sabi ni Hexian at pumunta sila sa kabilang table na pang twelve seats din.

I was stunned, I'm not a fan but they're superstars! Sikat na sikat sila kaya sinong hindi ma-o-overwhelmed sa presence nila.

Napatingin ako sa gawi nila, para lang silang mga simpleng tao na nagkukuwentuhan, they're noisy talking about whatever it is.

I just focused on my unfinished meal. Ngayong lang nagsink in sa akin kung gaano na kasikat ngayon ang dati kong bestfriend, kung gaano kami kalayo sa isa't-isa.

All in the past was just a memory now, hindi ko na nga alam kung ano ang itatawag sakanya. Is he still my bestfriend? Or atleast a friend? Or am I just a stanger to him now? Stanger with memories?

"Hey give it to me Az!" napalingon ako sa boses na iyon. It was his', nagkakatuwaan sila sa kabilang mesa.

May pilit siya kinukuha sa babaeng katabi niya pero nilalayo sakanya ng babae. Tinignan kong mabuti ang babae, all I can say is that she's beautiful.

Maybe she's from Thailand, based on her features. She's like a doll, she have that big round eyes, perfect nose and soft pinkish lips. Her hair is curled down, nang tumayo siya ay hanggang tainga siya si Hexian.

Napanguso ako, ako ata eh hanggang leeg niya lang.

Tinaas ng babae ang kamay, may hawak na cellphone. Pero dahil nga mas matangkad sakanya si Hexian ay naabot niya ito ng walang kahirap-hirap. They laughed, kahit wala namang nakakatawa sa nangyari.

Hexian glanced my way habang tumatawa pa kaya umiwas kaagad ako. Yumuko na lamang ako at nakinig sa usapan nina mama.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si mama kay tita kaya nagpaalam narin kami ni ate. Si papa ay nagpaiwan pa sandali, hindi pa tapos sa pagkukuwentuhan kay tito kaya pinauna kaming lumabas. Nauna si mama at sumunod kami ni ate.

"Uh.." I was stunned hearing the voice behind me, ni hindi ko na nilingon dahil alam kong sakanya iyon.

"Tita can I talk to your daughter? Saglit lang," hindi ko na napigilang lingunin siya, kumunot ang noo ko pero nakay mama ang paningin niya.

Tinignan ako ni mama, si ate naman ay palihim akong nginisian kaya inirapan ko siya.

"Okay, sure. Pupunta rin muna kami ni Xiella diyan lang sa malapit, babalik rin kami kaagad. Pakisabi na lang sa papa mo anak," sabi ni mama at hinila na si ate. Hindi ko alam kung saan sila pupunta, I feel betrayed. Bakit nila ako iniwan dito! Ni hindi man lang nila ako tinanong kung gusto ko bang sumama sakanila!

Naiiyak na ako nang lingunin ako ni Xian kaya umurong ang luha ko.

"Tsh until now you're still a cry baby," bigla ay sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin at sumandal sa kotse namin, ginaya niya ako.

"Ano.. bakit ka nandito?" tanong ko nang hindi na siya umimik.

"Hm," tumingala siya at tumingin sa akin. "I just want to ask if.. are we okay?" nagulat ako sa tanong niya.

"Huh? Bakit mo natanong? Ofcourse.. we are," nag-iwas ako ng tingin at yumuko na lang.

"H-Hindi ka ba galit sa'kin?"

"Bakit naman ako magagalit sayo?" maliit ang boses na sagot ko.

Tumikhim siya kaya napalingon ako, ngumiti siya.

"You're still my bestfriend right?" aniya, nakakasilaw ang ngiti. Hindi ko in-e-expect yun, hindi pa ako makasagot kaya tumango na lamang.

"Pinky swear?" pinakita niya ang kanyang hinliliit, hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. I can't believe he remembered this, at na ginagawa niya pa 'to. Pinakita ko rin ang akin at dinikit ang mga hinliliit namin.

"Pinky swear," sabi ko kahit na nalilito. Kapag talaga siya ang kasama ko, nawawala ako sa isip. Hindi na nag-iisip at basta basta na lang ginagawa ang mga gustong gawin ng walang pag-aalinlangan.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now