Chapter 30

28 3 0
                                    

Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Bumaluktot ako sa kama at napa-kusot ng mata. I'm in my room.

Bumangon ako at napakurap-kurap. What happened yesterday was like a dream, o baka panaginip lang talaga 'yon? Tama, panaginip lang 'yon. Hindi 'yon magkakatotoo, never.

Lumabas ako sa kwarto, hawak hawak ang masakit pang ulo. May hang-over yata ako.

Naabutan ko si Allie na nag a-almusal sa dining table.

"Buti gising ka na! Lasing na lasing ka kagabi ah? Nang umuwi ako dito ay naabutan kitang mahimbing na natutulog sa kwarto mo!" aniya habang ngumunguya. Kumunot ang noo ko.

"Hindi tayo sabay na umuwi?"

"Aba, malamang hindi!" pinanlisikan niya ako.

"A-Alam mo ba kung anong mga nagawa ko kagabi?" nag-aalanganin kong tanong, kumunot ang noo ni Allie.

"Hindi ko na nga maalala ang mga ginawa ko," pag kibit-balikat niya. Napabuntong-hininga ako.

Whatever I did last night, I hope it's not a shame to me and to my name.

Nagpatuloy ang araw, ganoon parin ang scene. Kung hindi sa kwarto ay sa pool lang ako nakatambay at kumukuha ng mga pictures.

Naisipan kong lumabas para magpahangin nang maghapon. Nawala na ang hang-over ko dahil may pinainom sa'kin si Allie na gamot.

Umupo ako sa buhanginan, napili ko dito maupo sa malaking bato na parang kweba para makasilong dahil mainit.

I sighed. The view of the sea waves coming back into the shore is majestic. Nakangiti ako habang pinagmamasdan 'yon pero nabitin nga lang nang makitang papalapit dito si Hexian.

I quickly stood up. Palapit na siya dito kaya mabilis ang lakad ko para maiwasan siya.

Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyari kagabi. Kung totoo man, patay talaga ako!

Ayaw ko siyang harapin ngayon, hindi pa ako handa!

Kailan ka magiging handa?

Tanong ng isang parte sa utak ko, pinilig ko ang ulo at mas binilisan ko ang lakad.

I stopped when I saw him infront of me, nanlaki ang mga mata ko. Kung paanong naunahan niya pa ako ay hindi ko na inintindi at nag-isip ng plano kung paano makatakas ngayon sakanya!

Before I could step back, hinawakan niya na ang papulsuhan ko.

"After what happened last night, you think you can avoid me?" he coldly said. His eyes were dark, hindi ko siya mabasa. Mas hinigpitan niya ang hawak sa papulsuhan ko.

"L-Let me g-go!" natatakot akong tumingin sa mga mata niya kaya yumuko na lang ako at tinuon ang tingin sa papulsuhan kong hawak niya. His hands were like steel.

Humakbang siya palapit kaya umatras ako. Hinila niya ako pabalik at kung hindi ko hinarang ang isang kamay sa dibdib niya ay tumilapon na ako doon. I gulped.

"After what you've said, sa tingin mo, papakawalan pa kita?" bulong niya. Napatingin ako sakanya, his eyes were now gentle while looking at me. He licked his lips.

"A-Anong mga pinagsasabi mo?" pinanlisikan ko siya ng mata. He grabbed my waist making my breathing hitched.

"Bakit? Hindi mo na ba maalala ang mga pinagsasabi mo sa'kin kagabi?" tinaasan niya ako ng kilay. A smirk rose from his face, he looked ammused.

"A-Anong.." hindi ko na maituloy nang maabutan siyang dinidilaan ang sariling labi.

Tumaas ang tingin ko sa mga mata niyang nakatingin din sa akin.

"You said," he trailed his fingers on my face, ginagaya ang ginawa ko sakanya kagabi. Napalunok ako. So what happened was clearly not a dream!

Namula ang mukha ko.

"You love me," bulong niya, ang labi ay malapit lang din sa labi ko. One wrong move at magkakahalikan na kami. I pursed my lips.

Umiling ako.

"I didn't say that!" inis kong sabi at tinulak siya pero nawawalan ako ng lakas.

He smirked.

"But you said that you fell for me once again, hm?" pinagdikit niya ang mga ilong namin, nagtindigan lahat ng mga balahibo ko.

Why is he this close to me..

"Say it to me once again, loud and clear." hinawakan niya ang baba ko at pinaglebel ang paningin namin. Napalunok ako at umiling.

Bakit ko ba naisipang umamin kagabi? At lasing pa talaga ako!

"I want to hear it again, Xixiana," he said full of authority. Now he's calling me with my first name, damn!

Ano ba 'tong napasok ko!

Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. His lips crashed mine. His hands were on my waist, holding it tightly while the other one is on my jaw, guiding me to his lips as his kisses went deeply.

I closed my eyes as I open my lips wider to let him wander on my mouth.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now