Chapter 23

25 1 0
                                    

Kinabukasan ay maaga pa akong nagising at lumabas ng villa. I brought my camera, nakasabit iyon sa leeg ko.

Umupo ako sa pool side. I took a picture of my toes, shrinking on the water.

Napabuntong-hininga ako. Ang totoo, hindi talaga ako makatulog kagabi. Nakaidlip lang ako at nagising ulit.

I couldn't stop thinking about him. Tama pa ba 'to?

Pumunta ako sa tabing dagat at kumuha ng mga pictures doon. Naghahanap ako ng magandang angle nang mahuli ng paningin ko si Xian sa malayo, hawak niya ang cellphone at mukhang may kausap.

Dahan-dahan akong lumapit, nagtago sa malaking bato at palihim siyang tinitignan. He's so serious, seryoso ata ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa cellphone.

Magulo pa ang buhok, he's wearing a t-shirt and shorts. Mukhang kakagising niya lang dahil bigla siyang humikab, palihim akong nangiti.

Tinaas ko ang camera at tinutok sakanya. What a view.

I took a picture of him. Tinignan ko sa camera matapos ko makunan siya ng litrato, I smiled. He looked so good here.

Dali-dali na akong bumalik sa villa, naabutan kong papalabas na si Allie.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang makita siyang bihis na bihis.

"Ikaw? Saan ka nanggaling?" pinagkunutan niya ako ng noo.

"Don't answer my question with a question," tinaasan ko siya ng kilay. Namumula pa ang pisngi niya sa blush-on, mukhang may kikitain 'to ah.

"Oh, ano yang nasa camera mo?" bigla niyang inagaw sa'kin ang camera, sinubukan kong kunin iyon kaso huli na at nakita na niya ang nakuha kong litrato kay Xian. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hala, ikaw ha!" sinundot-sundot niya ako sa tagiliran.

"Stop it!" naiinis kong hinampas ang kamay niya tsaka inagaw sakanya ang camera ko.

"May pa stolen shot ka pa ha, akala ko ba iiwasan mo?"

"Hindi naman ako lumapit at nagpakita," sumimangot ako.

"So patago mo 'yang kinuha? Nagmumukha kang stalker bes! 'Ganyan ba talaga pag inlababo?" nang-aasar siya, napairap ako.

"Yung pisngi mo nga, namumutok sa blush-on. Inlababo ka din ata? May ka-date ka?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ah! Pupuntahan ko lang.. si tita! Hehe kaya bye!" sabi niya tapos umalis na kaya naiwan ako ditong mag-isa.

I know her well, hindi naman 'yon mag-aayos ng ganoon para lang puntahan ang tita niya.

I just lay on my bed, watching the picture I took awhile ago. Kailan ba, at bakit kailangang siya pa?

Bakit siya? Marami naman diyang iba.

Will I just stay here this way? Admiring him secretly, hoping that something would happen eventhough it's really impossible.

Of all men, why him? Why did my heart chose him?

Kung pwede lang piliin ang mamahalin, I won't choose him. I couldn't stand being hurt everytime I'll see his face. Pero tanga ako eh, kahit gaano pa kasakit ang maramdaman ko ay siya at siya parin.

Bumangon ako sa kama nang maghapon. Pumunta ako sa balcony para makalanghap ng sariwang hangin, para bumuti man lang ang pakiramdam ko.

Pero imbes na mangyari 'yon, mas lumala pa ata. Sumikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga.

The view of them hugging each other made my heart ache.

Binuka ko ang bibig para makahanap ng hangin.

I wanna cry, but it felt like I've lost my tears. I wanna shout to ease the pain, but I've lost my voice, I couldn't say anything.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Nasasaktan? 'O talagang napaka-unfair lang ng mundo sa'kin.

Bumitiw sa pagyayakapan sina Hexian at Azalehn, they smiled to each other. Then Azalehn suddenly kissed Xian's cheeks, I saw how he was stunned by her action. Tumalikod na si Azalehn sakanya but he grabbed her hand, then he instantly gave her a hug again.

Napalunok ako at hinawakan ang nagta-tantrums na puso.

They're making a romantic scene. While I'm here, watching them secretly from afar.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now