Chapter 47

22 2 0
                                    

Hindi nagtagal ay umalis na rin si Allie dahil may trabaho din ang isang 'yon. Tinuloy ko ang mga naudlot na gawain  hanggang sa papalubog na ang araw.

Tinapos ko na ang mga gawain at umalis na.

Ayaw kong may mangyari ulit katulad kagabi kaya hangga't may araw pa ay uuwi na ako, nakakatakot pag gumabi na dahil kaunti na lang ang tao kapag gano'n.

Nang makalabas na sa elevator ay nahampas ko ang noo. Oo nga pala at wala akong sasakyan! Nagpasundo lang ako kanina sa driver namin kaya siguro ay magpapasundo din ako ngayon. Pero hindi ko pa name-message ang driver kaya paniguradong maghihintay pa ako dito ng matagal.

Kung bakit kasi nawala 'yon sa isip ko. Sana ay nagmessage muna ako at doon na lang muna naghintay sa opisina.

Tinatamad naman akong bumalik na doon. Kung magtaxi na lang kaya ako?

Papatulong na lang akong maghanap sa mga guard dito, at ipapasaulo ko na lang din sakanila ang plate number para kapag may nangyaring masama sa akin ay alam nila kung saan ako huling sumakay, di'ba?

Pero hindi pa ako nakakasakay ng taxi!

Bago pa ako makapag-isip ay nahagip na ng paningin ko ang lalaking nakatingin sa akin. Nakasuot ulit siya ng hoodie at shades, nakasandal sakanyang kotse at pinaglalaruan ang labi.

Napatikhim ako.

Wala ba 'tong trabaho? Bakit ba palagi siyang nandito..

Napaayos ako ng tayo nang lumapit siya sa akin.

"What are you doing here?" nanliit ang mga mata ko. His hands were on his pocket, binaba niya ng konti ang kanyang suot na shades at pinasadahan ako ng tingin.

"I'll drive you home," tipid niyang sabi at inayos ang pagkakasuot ng kanyang shades. Kumunot ang noo ko at nagpalinga-linga sa paligid.

May mga nakatingin sa amin. Maaaring nagtataka kung bakit nakatabon itong kaharap ko.

"What?" umiling ako. "Magpapasundo ako." Mariing kong sabi.

"Maghihintay ka pa dito sa sundo mo? Why don't you ride with me instead, pareho lang naman 'yon,"

Matalim ko siyang tinignan. Why is he here anyway?

"I'll call him, maghihintay ako dito," I said with finalty. Inaasahan kong aalis na siya pero hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan. Tinaasan ko siya ng kilay, his jaw clenched.

"Kung maghihintay ka pa dito ay may malaking possibility na mangyari na naman ang nangyari kagabi, why are you so hard-headed? Paano kung binabantayan ka ng mga nagnakaw kagabi? Dumidilim na at kaunti na lang ang tao dito and you chose to wait here for your driver instead of riding with me? Huh?" I can sense that he's annoyed. Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib.

"Why are you here anyway? Wala ka bang trabaho? And why do you care?" pinanlisikan ko siya.

He bit his lip, naputol ko ata ang pasensiya niya. He grabbed my wrist at kinaladkad ako patungo sa kanyang kotse.

"Ano ba! Ayaw ko ngang sumabay sa'yo!" inis kong sabi at inalis ang pagkakahawak niya sa aking braso, he sighed.

"I'll drive you home, I want to make sure that you're safe. Please, I won't disturb you, I won't talk to you.. just let me drive you home," he pleaded.

Naitikom ko ang labi, nagtagal ang tingin ko sakanya bago nag-iwas ng tingin. Ako na mismo ang nagbukas ng kanyang kotse at tahimik na pumasok sa loob nito.

Umikot siya at pumasok narin. Sinulyapan niya ako bago pinaandar ang kanyang kotse at umalis na sa building.

I was quiet the whole ride, siya rin. Hindi pa rin nawawala ang pasulyap-sulyap niya sa'kin. Hinayaan ko na lang ulit siya do'n, hindi niya naman ako inistorbo.

Nang makarating sa bahay ay dali-dali kong binuksan ang pintuan, ni hindi pa siya nakakalabas ay sinarado ko na ang pintuan at tumakbo sa gate.

"Thanks!" sigaw ko at patakbong pumasok sa bahay.

Nakahinga ako ng maluwag. Sa buong biyahe ata ay nakalimutan ko nang huminga.

"Xiana, sino yung lalaking parating sumusundo sa'yo?" tanong ni Raven isang araw nang pumasok siya sa opisina ko.

Days have passed, tila napagod na ako kakataboy kay Hexian kaya hinayaan ko na lang siyang sunduin ako kapag tapos na ako sa trabaho. Sa tuwing bumababa ako sa basement ay doon na siya nakabantay sa'kin. Hindi naman niya ako iniistorbo, tahimik lang kami palagi habang nasa biyahe kaya ayos na 'yon.

Umupo ako ng tuwid sa tanong na 'yon ni Raven.

His eyes were bloodshot, at nang pumasok siya dito kanina ay muntik nang masira ang pintuan ng opisina ko sa padabog niyang pagbukas ng pinto.

"Uh, you can sit," turo ko sa upuang nasa harapan ko. Hindi siya gumalaw, masama ang tinging ipinukol niya sa'kin. Kumunot ang noo ko.

This is his reaction nang maabutan akong may kakuwentuhang lalaki noon dito sa opisina ko.

"Sagutin mo ang tanong ko!" he shouted, napatayo ako bigla.

This is what I hate about him.

"Teka, ano bang problema mo? Galit ka ba sa'kin?" lumapit ako sakanya pero tinuro niya ako.

"May boyfriend ka na ba? Boyfriend mo ba 'yon?" singhal niya sa'kin. Umiling ako at dahan-dahang lumapit sakanya.

"Will you please calm down?" hinawakan ko ang braso niya at pilit siyang pinaupo sa sofa.

I'm concerned. After all, he's my friend.

Hindi siya nagpadala, sa halip ay mariing niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sakanya!

It's too late, I felt his lips on mine!

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko, and there! I saw Hexian's dark and cold eyes bore into mine. It kinda scared me, bigla kong tinulak si Raven pero huli na 'yon dahil nakita na niya kami!

Tumalikod siya at sinarado ang pintuan.

Hindi ako makagalaw.

"Nagseselos ako, Xixiana. Akala ko talaga, boyfriend mo 'yon. Usap-usapan kasi na palagi ka daw sinusundo.." nakangiti na ngayong sabi ni Raven. Hindi ko alam kung anong mararamdaman.

"W-Why did.. you kissed me!" paratang ko sakanya. I disliked his move, it made me look so low lalo na dahil nakita 'yon ni Hexian! It's just.. disgusting to see a woman and a man kissing inside an office! Lalong-lalo na dahil hindi naman kami!

"Huh? Nagustuhan mo naman, di'ba?" he even smirked! Pinanlisikan ko siya ng mata. I thought he's different from others!

"If you think it's okay, it is not! Hindi kita maintindihan.." umiling ako, naiiyak na. "I already made clear that you're just a friend to me! Pasalamat ka nga at in-offer-an kita ng friendship but you took advantage of it! Why are you getting jealous anyway? And why the heck did you kissed me?!" pasigaw ko nang tanong. Natigilan siya.

"I thought of you better, matagal na akong nagpapasensya sa pagiging seloso mo at ngayon, nakuha mo pa akong halikan?! I could've file a case of harassment.." umiling ako sakanya. He disappointed me.

Bago pa siya makapagsalita ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas. I need to find Hexian!

A Love That LastsWhere stories live. Discover now