Chapter 29

23 1 0
                                    

Nang matapos kami sa dinner ay akala ko pwede nang makauwi. But Zexie was too persistent to go to a bar somewhere near the restaurant, ang sabi niya ay hindi pa siya nakakapunta kaya gusto niyang ma-experience ngayon. Pinilit niya pa talaga kami.

Kung pwede lang humindi ay ginawa ko na, but it seems like everyone likes to party at night and drink hard liquor drinks. Um-oo kaagad sila. Baka mapagsabihan pa akong kj kaya nakisabay na lang ako.

Pumunta na kami sa sinasabing bar. Kaunti lang ang tao sa loob, pero pinili nilang sa labas na lang daw kami para mas madaming space. Maliit lang kasi ang space sa loob kahit na kaunti lang ang tao.

May mga nakalatag rin na upuan dito sa labas, tanaw namin ang malaking buwan na nagrereflect sa dagat. May mga usok din at party lights dito, mas malakas nga ang tunog ng music kasi nasa labas nakalagay ang speaker.

Umupo kami sa isang table at naghiyawan kaagad sila nang ilapag ang mga drinks. Napangiwi ako. I'm not a party girl, I actually don't like parties pero umiinom naman ako. Kaunti nga lang, mababa kasi ang alcohol tolerance ko kaya kino-control ko talaga ang sarili kapag nasa sitwasyong ganito.

Pero dahil yata sa mga problema ko these past few days, at ang makitang nagtatawanan sina Hexian at Azalehn ay wala na akong pake kung nakailan akong lagok sa baso na para sa akin.

Others were dancing wildly, mga lasing na at nagtitipon sa harapan para sumabay sa indak ng musika.

Isang shot pa at nakaramdam na ako ng panghihilo. My vision went blurry. May mga usok sa paligid at nakakahilo ang party lights na minsan ay tumatama sa mata ko.

Nilibot ko ang paningin at napagtantong lahat na ata ay nagsasayawan. Ako na lang ang nakaupo ngayon sa table.

Hinawakan ko ang ulo ko nang makaramdam ng sakit, I feel dizzy.

Napapikit ako at nang magmulat ay lumagok na naman sa baso. I couldn't find Allie, maybe she's dancing. I can't recognize their faces na, basta ang alam ko ay may nagsasayawan sa harapan ko.

Kumuha ulit ako ng isang shot, but before I could taste it, may pumigil na sa kamay kong inumin 'yon. Napapikit ako at nagmulat. There's a man who's standing beside me, lumiit ang mga mata ko. I couldn't recognize him but based on his scent, I'm sure that he's Hexian.

My bestfriend. My first love. The man who's making my heart ache.

Ngumiti ako sakanya habang pikit ang isang mata saka inagaw ang baso. His hands were like steel, hindi ko makuha ang baso kaya malakas kong hinablot 'yon sakanya. The reason why it poured on my dress.

"Shit!" napapikit na lang ako. Tumayo ako pero nawalan din kaagad ng balanse, mabuti na lang at nasalo niya ako. I looked up to him, nakakulong ako sa mga braso niya.

"You.." tinuro ko ang mukha niya. I trailed my fingers on his forehead, to his eyes, his nose and down to his lips.

Napapikit ulit ako at nang magmulat ay parang iiyak na.

"What's with you?" bulong ko at sumiksik sa dibdib niya. "I couldn't help but fall," tinago ko ang mukha sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak.

God, I am so wasted. I don't even know why am I crying.

He froze, maya maya pa ay may naramdaman akong kamay na humawak sa likuran ko. Hinaplos niya 'yon dahilan para mas lalo akong umiyak.

"Nakakainis ka! Bakit sa lahat.. ikaw pa?" hinampas hampas ko ang dibdib niya.

"K-Kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan! G-Gusto kong takasan 'tong nararamdaman ko pero putangina, paano?" humiwalay ako sakanya at tumalikod.

Nilagay ko ang mga palad sa mukha at doon humikbi.

"I hate being like this! Nakakainis!" inis na sabi ko sa sarili.

Tears pooled on my eyes once again, humagulgol ako. Hindi ko alam na ganito pala kababaw ang luha ko.

I felt a warm body enveloped on my back. His arms went to my stomach, his other hand went to my hair, combing it. He's like owning my body. Napapikit ako, parang napapaso ako sa mga hawak niya pero hindi ko maitangging masarap sa pakiramdam. Parang hinahaplos ang puso ko.

"Hush, I hate it when you cry," bulong niya sa tainga ko. Mas lalo lang ako umiyak sa paraan ng pagkakasabi niya. Sobrang rahan noon na para bang hinehelele ako.

"You're the reason why I'm crying right now," hikbi ko. Hindi siya nagsalita kaya hinarap ko siya.

"Can't you see?!" sinigawan ko siya. "I'm drowned! And I hate it!" niyugyog ko ang braso niya.

"I fell, once again! I'm drowned, please save me! Hindi ko alam kung makakaahon pa ako, kasi, lunod na lunod na ako! Gusto kong takasan, pero paano? Gusto kong mawala na, pero mawawala pa ba 'to?" I'm whining, lumayo ako sakanya at niyakap ang sarili.

"Kung bakit kasi sa lahat! Ikaw pa! Tangina Xian, kung alam ko lang talaga na ganito, simula pa lang ay iniwasan na kita! Pero, wala na eh! Nahulog na ulit ako! Ang nakakainis pa, hindi ko alam kung may sasalo ba sa'kin!" I shouted at his face. Lumapit siya sa'kin at niyakap na naman ako, wala na akong lakas kaya nagtago na lang ako sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak.

I felt comfort in his arms, but at the same time, it made my heart ache. Paano kung, ito na pala ang huling beses na mayakap ko siya?

A Love That LastsDär berättelser lever. Upptäck nu