Chapter 32

23 2 0
                                    

"So you're saying na kayo na?!" patiling sigaw ni Allie.

Gabi na at nandito kami ngayon sa kwarto ko. She saw me talking to Hexian outside, wala na akong choice kung hindi i-kuwento sakanya ang mga nangyari.

Umirap ako.

"Wala akong sinabi," ngumiwi ako.

"But you two kissed! And he said that he's inlove with you too!" bumangon siya sa pagkakahiga sa kama ko, nagkibit-balikat lang ako.

"Ay ano ba 'yan! Nauna pa halik kaysa sa label!" mariing sabi niya, ngumuso ako.

Hindi ko naman talaga alam kung ano kami, wala namang sinabi si Xian sa'kin. What if I'll ask him? Umiling kaagad ako. I think it's too much, I should be contented na mahal niya rin ako. Hindi na dapat ako manghingi ng sobra.

Maaga akong natulog at kinabukasan ay sumabay kina Xian na mag lunch. Nagyaya daw kasi si Zexie, sabi ni Allie. Pinilit niya akong sumama.

Naupo na kami sa table nang makarating sa restaurant. Nasa tabi ako ni Allie, sa kabila naman ay si Hexian.

"Kain tayo!" slang na sabi ni Zexie, she looks excited while looking at the food on our table. Mga seafood ang nakalatag. I smiled a bit. Nagpapaturo kasi sila kay Allie ng mga iilang tagalog words. Nahihirapan sila sa pagbigkas but they still manage to say it, slang nga lang.

"Sarap, ulam!" seryosong sabi ni Khassiana habang ngumunguya.

Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Xian na sinakop ang isa kong kamay na nasa aking paanan. I glanced at him.

"Eat your food," nguso niya sa mga pagkain na nasa harapan ko, I nodded.

Nahuli ko ang tingin sa amin ni Azalehn, nasa harap kasi namin siya. She looked away when our eyes met, yumuko siya at nag umpisa narin sa pagkain.

Tumikhim ako at kumain na rin.

Pagkatapos namin ay umuwi kaagad ako sa villa. Nag-ayos ako ng susuotin, sabi kasi ni Xian, maliligo kami sa dagat.

I'm excited, ofcourse. Sa ilang araw kong nandito ay nakakaisang ligo pa lang ako sa dagat. At ngayon, maliligo ulit ako, but with him!

Nagsuot ako ng cropped top at board shorts, sa loob nito ay ang aking bikini.

Hexian was already there when I went outside. He's dashing with just a white t-shirt and a board shorts.

Pumunta kami sa tabing-dagat. Umupo ako sa isang sun lounger sa gilid, sumunod naman siya at tumayo sa harapan ko.

"Maglalagay muna ako," pinakita ko sakanya ang sunblock. I need this to maintain my skin color. I like being white than tan, atsaka mas bagay daw sa'kin ang maputi.

Naghubad ako sa harapan niya, I'm only wearing my thin bikini top. Wala akong planong hubarin ang board shots ko.

"What?" tanong ko sakanya nang maabutan ang masamang tingin niya sa'kin. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Let me do that for you," paos niyang sabi at kinuha sa akin ang sunblock. Naglagay siya ng kaunti sa kanyang palad at nagsimulang pahiran ako sa likod.

His hands were rough, but he's spreading it slowly and gently on my back.

Tinaas ko ang buhok ko para hindi magkalat sa likod.

"Pati ba sa harap?" bulong niya nang matapos, sinamaan ko siya ng tingin at hinablot sakanya ang sunblock.

"Ako na!" pinanlisikan ko siya, he only chuckled.

Nang matapos ako sa paglalagay ay lumapit na ako sa dagat para samahan siya. Nauna kasi siya doon kasi atat na atat nang lumangoy.

Nasa malayo na siya nang makarating ako. I took a dip. Naisipan kong dito na lang muna ako malapit sa tabi.

I saw him swimming back to where I am, nang makalapit ay naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa baywang ko.

"I love you," he whispered, nagtindigan ang mga balahibo ko. He smirked at my reaction, tapos lumangoy ulit palayo.

Napabuntong-hininga ako. Because of that, hindi na ako makapag-concentrate sa pagligo kaya maya maya pa ay umahon na ako.

Sinuot ko ulit ang damit saka naupo sa sun lounger. Pinagmasdan ko si Hexian na lumalangoy sa malayo.

Nahagip ng mga mata ko si Helios na palapit dito, umupo ako ng maayos. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita ah.

"Hi!" bati ko nang makalapit siya.

Ngumiti siya sa'kin at naupo sa katabing sun lounger.

"Mag-isa ka?" he removed his shades, gumala ang paningin niya sa dagat.

"Uh, actually.." nakita ko ang pag-ahon ni Xian sa dagat at ang paglapit dito. He looked obscenely handsome wearing only his board shorts. His eyes were dark, kahit malayo ay ramdam ko ang masama niyang tingin sa akin.

"Oh," napatango-tango si Helios nang malingunan rin si Hexian.

"I gotta go," he chuckled at tumayo na. He waved his hands tsaka umalis na nga.

Napatayo ako para salubungin si Hexian.

His hands snaked on my waist, like owning his territory.

"Anong sinabi ng lalaking 'yon?" naiinis niyang tanong. Nagkibit-balikat ako.

"Tinanong niya lang kung mag-isa ako, nakita ka kasi niya eh kaya umalis,"

"So kung hindi pa ako lumapit ay magtatagal pa ang pag-uusap niyo?" his jaw clenched, kumunot noo ko.

"Teka, are you mad at me?"

"No, I'm jealous," nag-iwas siya ng tingin sa'kin. I cleared my throat.

"W-Why?"

"You shouldn't draw attention on other men while you're in a relationship with me," masama ang tingin niya sa'kin, nanliit ang mga mata ko.

"Relationship? With you? Huh? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"

Umahon na naman ang kaba sa dibdib ko. Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin.

"Anong hindi mo alam?" naiinis niyang sabi.

"Basta, akin ka lang," he marked. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko, napalunok ako.

You wouldn't believe it right? Boyfriend ko daw siya!

A Love That LastsWhere stories live. Discover now