Chapter 41

21 2 0
                                    

After that day, tuluyan nang namatay ang issue sa amin dahil sa panibagong issue na naman.

Tuluyan na akong nakalimutan ng lahat, at mabuti na lang at ganoon ang nangyari.

Tahimik na ulit ang buhay ko. Wala ng mga threats, mga baliw na fans, mga media at ng..

Pagod akong umuwi sa bahay pagkatapos ng matinding mga gawain sa trabaho.

Yes, I work now. Sa company namin.

Mabuti na 'to para may pagka-busy-han ako at para naman magkapera ako.

"Nag over time ka?" tanong ni ate na nasa counter ng kitchen, tumango ako.

"Tinapos ko na lahat ng pinagawa sa'kin,"

Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. I'm so tired.

"I gotta go now, may kinuha lang ako dito. You fine here alone?" tinaasan ako ni ate ng kilay, I rolled my eyes.

"Yeah, you can leave now Xiella," tumayo na rin ako at iniwan siya doon para pumunta sa kwarto.

I locked the door and stripped.

Napagsabihan na ako ni mama noon na pwede akong kumuha ng condo, yung mas malapit sa company pero umayaw ako. I'm used to living here in our house, bata pa lamang ay dito na ako nakatira. And I'll probably gonna be homesick if I stayed in a condo.

Biglang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Allie kaya sinagot ko 'yon. I put it in a loud speaker.

Pumunta ako sa banyo at lumubog sa bath tub, feels like heaven. After a long day, I'm here to rest and relax. 'Yan ang scene palagi sa araw-araw.

"Haven't heard of the news?" bungad niya kaagad. Pinaglaruan ko ang mga bubbles na nakapalibot sa akin.

"What news?" sagot ko sa kabilang linya.

"Before that, I wanna ask what happened to your day. Umaaligid parin ba sa'yo 'yong stupid manliligaw mo?"

"What? You mean, si Raven? Uh, no. And hindi ko siya manliligaw, binusted ko na, di'ba?"

She meant of Raven, na nagtatrabaho din sa kompanya namin. He's a friend, tapos bigla na lang ay sinabing manligaw sa akin.

I actually don't entertain suitors, tatanong pa lang ay umaayaw na kaagad ako. Mayroong mapilit, at kabilang na doon si Raven.

He even made a scene on my office. May kausap akong lalaki no'n tapos bigla na lang siya pumasok at pinagsasapak ang lalaki. He said he was jealous, but I can't get his point. He's not my boyfriend to be jealous of.

Mabuti na nga lang at hindi 'yon naka-abot kina mama, kung mangyari man ay paniguradong masisisante si Raven. He's a good friend to me, kaya sinekreto ko na lang ang nangyaring 'yon.

But Allie, ofcourse, she's like my human diary. She knows all my doings at inis na inis siya kay Raven matapos kong i-kuwento sakanya 'yon.

"Hindi pa nga boyfriend ay ganiyan na agad siya kung maka-asta! And as if, magiging boyfriend mo 'yan? Kaderti! Don't stoop low on that level!" sabi pa niya.

"What about the news? Anong news 'yan?" I changed the topic.

"Hay! Ikaw ha, andami-daming nanliligaw sa'yo! At pinapaasa mo naman sila! Oo at kaibigan lang ang turing mo pero mga malisyoso ang mga 'yan! Tangina akala mo kung sinong gwapo niyang gago'ng 'yan! Naiintindihan ko na bes, kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring boyfriend ay dahil wala namang maaayos sa mga manliligaw mo!" she stressed out, napailing ako.

"Huwag mo na lang sila isipin, wala akong sasagutin ni isa sakanila," I assured her just to make her calm.

"E'di mabuti!" she exclaimed.

"Oh, yung news nga pala!" she snapped. Naririnig ko ang hagikhik niya sa kabilang linya.

"Someone's going back in the Philippines, can you guess who's it?" she said in a playful tone now, umirap ako sa kawalan.

I've heard of that news pero hindi ko lang alam kung totoo ba o haka-haka lang.

"Stop it Allie, I'll just drop this call,"

"Noo! Wait lang, teka! Are you sure, you don't have any care? Moved on already? Hindi ako naniniwala!"

"It's been two years, come on! Hanggang ngayon ba ay 'yan parin ang itutukso mo sa'kin!" nangitngit ang ngipin ko.

I've already erased whatever happened in the past.

"Ah basta! He's coming back to his own country! Hmm.. hmm.." tumawa siya na parang bruha sa kabilang linya. I rolled my eyes and ended the call. Kainis!

This feels like déjà vu.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now