Chapter 51

20 2 0
                                    

Tahimik akong nakaupo sa counter habang tinitignan ang likod ni Hexian. Nakaharap siya sa sink at naghuhugas ng pinagkainan ko. May mga maids naman kami dito na pwedeng utusan maghugas pero nagpumilit talaga siya na siya na lang.

Umirap ako. Nagpapa-goodshot ba 'to?

"I'm done," baling niya sa akin ilang saglit. Nagpunas siya ng kamay at umupo sa harapan ko.

"Pwede ka nang umalis," humalukipkip ako, tumaas ang kilay niya.

"Nilalagnat ka parin, kailangan kitang bantayan," aniya, napaiwas ako ng tingin.

"Kaya ko naman dito mag-isa, at may mga katulong din naman kami. Eh, kailan ka uuwi?"

"Kapag gumaling ka na," he leaned forward, ngumuso ako.

"Eh paano kung bukas pa ako gagaling?"

"E'di bukas din ako aalis dito," he smirked, pinanlisikan ko siya.

"Seryoso, umuwi ka na nga. Kaya ko naman na," nag-iwas ulit ako ng tingin.

I don't get him. Minsan ay hindi ko rin mabasa ang utak ng isang 'to. Why is he doing this to me? Pambawi ba sa lahat ng kasalanan niya noon?

Tumikhim ako. I already forgave him, alright. Noon pa. But to hear his explanations last night made me feel better, parang bahagyang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Pero syempre, hindi ko parin makakalimutan 'yong nangyari noon. I'm scared, ayaw ko nang maulit pa 'yon.

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Is he.. pursuing me.. again? Or I'm just assuming? Maybe he's just doing this 'cause he's guilty of what he's done to me, or para narin kaya 'to sa closure namin?

After all, he's my bestfriend. Marami man ang nangyari, nasaktan niya man ako pero I still value him as a friend.

"What are you thinking?" he asked, nakakunot ang noo.

Umiling ako at tumayo na. Pumunta ako sa sala at pinaandar ang tv. The screen flashed and the first thing I saw is Hexian, he's singing his song.

"It's you," tinuro ko ang screen.

"Uh-huh.." umupo siya sa tabi ko. My eyes stayed on the screen.

Sa mga nakalipas na taon, mas lalo siyang umaangat. Nung nag disband ang grupo nila ay nagsimula ulit siya bilang isang solo singer. Mas lalo pa ata siyang sumikat dahil do'n, his popularity rose, marami din ang mga awards ang nakuha niya.

Habang tumatagal, napapalayo ako sa kanya. Sa tuwing nakakatanggap siya ng mga awards, tumataas pa siya lalo. Habang ako, nasa baba lang, hindi mapantayan ang kanyang lebel.

Sobrang layo naming dalawa, sa totoo lang.

"Are you okay?" he's worried, tumango lang ako.

"Kanina ka pa mukhang may malalim na iniisip, may masakit ba sa'yo?" kinapa niya ang noo at leeg ko. Umiling ako, I smiled to assure him that I'm okay.

But deep inside, I'm not.

Masakit.. 'yong puso ko.

Kahit anong deny ko sa isip ko, siya parin talaga. I tried to forget him, okay. Sa dalawang taon na nakalipas, araw-araw ko parin siyang naiisip.

And I think.. I fell for him more. Sa mga nakalipas na araw, at ngayong makita siyang nasa tabi ko at inaalagaan ako ngayon.

Pinilig ko ang ulo.

Ayaw ko na ulit pairalin pa ang nararamdaman ko. Ayaw ko nang matulad noon. Ayaw ko na ulit masaktan.

I made a wall, but that's not strong enough. He broke it, at ngayon ay nakapasok na naman siya sa puso ko. Or maybe.. kailanman ay nandito lang siya, nakatago.

Noon hanggang ngayon, siya lang ang nagmamay-ari sa puso ko.

Napabuntong-hininga ako. I wish I could go back to the past.. and stop my young self from falling for him.

"Do you regret it?" tanong ko sa kawalan, I can feel his stare at me.

"What?"

"What happened years.." hindi ko naituloy. He sighed.

"Ofcourse.. I could do better.." it's a whisper.

"But it's all in the past. Maybe.. destiny really don't want us.." he said, I smiled bitterly.

Siguro nga. Kasi, hindi naman ako makakaramdam ng ganitong sakit kung kami talaga? Everything just isn't right between us. It could've been just easy if we really are destined to each other.

"'Cause it isn't just the time.." dagdag niya.

Napalunok ako, nagbabara na naman ang lalamunan.

"Are you still mad?" tanong niya bigla, umiling ako.

"I'm not mad.." pang-ilang sabi ko na 'yan.

"Do you forgive me?" tanong niya ulit.

"I already forgave you years ago.." tinignan ko siya. He's also looking at me.

His eyes were always dark, hindi ko mabasa-basa.

"Then, are you still hurt?" he carefully asked. Naitikom ko ang labi at nag-iwas ng tingin.

He cupped my face for me to look at him, napalunok ako sa nakikita sa mga mata niya.

It's full of gentleness, care and.. adoration?

"I won't hurt you again Xian.." he said those words, like it's a promise he's sure that he won't break.

Pero.. maniniwala pa ba ako sa mga pangakong 'yan?

A Love That LastsWhere stories live. Discover now