Chapter 43

20 2 0
                                    

Mabilis kong tinungo ang bahay at nang makapasok sa gate ay nanatili ako sa aking kotse.

Unti-unting sumikip ang dibdib ko.

After that incident at the mall, wala akong luhang nailabas. Namamanhid na ata ako no'n.

Pero ngayong nakita ko na naman siya, parang ngayon lang nagsink-in sa'kin lahat ng mga masasakit niyang ginawa.

Nahampas ko ang manibela dahil naiinis ako sa sarili ko. All those years, kinimkim ko ang lahat ng sakit at tinago sa kaloob looban ko. Maybe seeing him triggered my emotions.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga, pilit kong inaalis ang mga luha sa mukha pero patuloy parin ang pagbuhos nila. I never cried so hard like this.

Kumawala ang hikbi ko, hanggang sa napahagulgol na lang ako.

Ang sakit.

Akala ko, nakalimutan ko na ang lahat. Na nakahilom na ako.

But no.

This is worse that I thought.

Akala ko, madali lang maka move-on. Na kapag ginawa kong busy ang sarili ko araw-araw ay makakalimutan ko na siya. Na iiyak ko lang ang lahat ay mapapawi na ang sakit.

Living like this is like living in hell.

Araw-araw ay para akong robot.

Akala ko ay manhid na ako pero may mas maibubuhos pa pala akong luha ngayon.

Pinunasan ko ulit ang pisngi dahil sa mga luhang bumubuhos.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kapag nakikita ko siya ay bumabalik ang sakit. So better get rid of him.

Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang muli at lumabas na sa kotse. Inayos ko ang sarili ko at pumasok sa loob ng bahay.

Thank God no ones here. Pumasok kaagad ako sa kwarto, saktong nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko 'yon.

It's Allie.

"Hay, na-ii-stress ako 'day! Ang dami daming pinapagawa dito, buti na lang nakaya ng bangs ko! Oh, kamusta naman ang araw mo? Hm, I have news for you.." humagikhik siya sa kabilang linya, napairap ako at napahiga sa kama.

I'm so tired. Well, araw-araw naman, but this day is different.

"Hmm,"

"Ano 'yan? Ungol?" she said sarcastically, I can imagine her rolling her eyes at me. "Umayos ka nga! Eto oh, may dala akong chika!"

"Spill it," napatihaya ako sa kama at nakatulalang nakatingin sa ceiling.

"Umuwi na kanina lang umaga si Hexian dito-" hindi pa niya natatapos ay umungol na ako.

Putangina, I don't want to hear that name. Ever again.

"Stop it Allie! I don't care about him anymore," mahina kong sabi, naalala na naman ang nangyari kanina.

"Hmm.."

"Nagkita ba kayo?" she asked, hindi pa nalalaman ang sagot ko ay parang sigurado na siyang nagkita nga kami, napabuntong-hininga ako.

"Oh my, true? Kailan? Hala, nagpunta ba siya diyan sa building niyo? Anong sabi? Magkaaayos na ba kayo? Oh my! Oh my!" nagpa-panic na siya sa kabilang linya.

"Li, huwag na natin siyang pag-usapan, please.." pagod kong sabi.

She grunted.

"Anong huwag?! Xiana, tell me! Parang 'di kaibigan oh!" she really wants to know, umirap ako.

"Yes, we've met," I sighed, tumili siya kaya nilayo ko ang cellphone sa tainga.

"Oh tapos? Ano? Nag-usap ba kayo?"

"No.. I mean, he wants me to hear his side.." naalala ko naman ang nangyari kanina.

"Then? Did you let him explain?"

"No," mariin kong sabi.

"Why?"

"I don't want his explanation, at ano pang magagawa no'n? It's all in the past now.."

"But his explanation can help you understand why he left you years ago.. You can finally understand, Xiana, and maybe if that happens, you can finally heal.." she said.

Umiling ako kahit na hindi niya 'yon kita.

"I'm not yet ready, not yet. Or maybe.. I will never be ready to face him, I just can't.. What he's done to me years ago made me so hurt, you know that. It made me so heartbroken.." napasinghap ako para pigilan na naman ang nagbabadyang mga luha.

Seriously, how can I talk about the past without a tear escaping my eyes?

"Okay, I understand. But you need to atleast talk to him, para maliwanagan ka, at para maayos niyo na rin ang kung ano mang issue sa inyong dalawa.."

"There's no need, Allie. I can move on, I know, when the right time comes, I'll heal. Hindi na kailangang makipag-usap pa sakanya. Hell, I don't want to see him again.." nagpakawala ako ng buntong-hininga, I am physically, mentally and emotionally tired.

"I'm not like the Xixiana years ago, hinding-hindi na ako magpapadala sakanya. I will never let myself be close to him anymore, I will never let my feelings decide for myself." Mariin kong sabi, hindi para sakanya, kundi para sa aking sarili.

A Love That Lastsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن