Chapter 6

32 1 0
                                    

Bumalik narin kaagad sila sa mga ginagawa pagkatapos nilang magpakilala sa'kin. Nakaka overwhelm ha.

Umupo si Xian sa tabi ko kaya nilingon ko siya.

"Hindi ka ba makikisaya sakanila?" tinuro ko ang kagrupo niya na ngayon ay nagkukuwentuhan, umiling siya.

"I'm so tired, let me rest," reklamo niya at kinuha ang towel sa loob ng bag niya.

Nagulat ako nang ilagay niya iyon sa kamay ko at pinunas sa kanyang batok na puno ng pawis.

"Titingin ka lang ba? Ikaw kaya magpunas?" ngumuso siya at binitiwan ang kamay ko, napabuntong-hininga na lamang ako at pinunasan ang mga pawis niya.

"Galing mo ah, parang nanonood narin ako kanina ng concert," puna ko, ngayon ay ang basang buhok na naman niya ang pinunasan. Kahit maliit na galaw lang, napapawisan agad 'to, yun pa kayang sa practice nila. Nagmumukha siyang basang sisiw na nakaupo sa tabi ko.

"Magpalit ka na lang kaya ng damit, basang basa na yang damit mo," nginusuan ko siya at naghanap ng panibagong damit sa bag niya. Kina-career ko talaga ang pagiging personal assistant niya eh, para namang may sweldo ako nito pagkatapos.

"Ito oh," binigay ko sakanya ang t-shirt na nakuha.

"Okay," nginisian niya ako at hinablot ang t-shirt saka walang pasabi ay bigla niya na lang tinaas ang suot na damit. Napaiwas ako nang maghubad siya sa tabi ko.

Tanginang yan, marami akong nakikitang staffs or assistant ng iba na naglalaway sa view. Sabing dapat sa cr siya magbihis.

"Okay na ba?" kinalabit niya ako kaya napatingin ako sakanya, nakasuot na ng bagong t-shirt. Tumango na lang ako at kinuha sakanya ang kaninang damit at nilagay iyon sa loob ng bag.

Kahit na puno ng pawis ay wala akong maamoy na mabaho, ano kayang perfume gamit ng lalaking 'to?

Maya maya pa ay tinawag na ulit sila kaya naiwan na naman akong mag-isa na nakaupo dito.

Yung ibang mga nandito ay nagtitipon at mukhang nagtsi-tsismisan. Wala naman akong kilala kaya nanahimik na lang ako dito.

Nagtagal pa ay pabalik-balik na ang mga tao, sina Xian ay nagpapractice parin.

Lalabas sila at pagpasok ay may mga dala nang pagkain, para ata sa mga kagrupo 'yon ni Xian. Bilang personal assistant ba ay ako din ang bibili ng makakain niya?

Napanguso ako at naisip na baka gutom na siya, wala pa namang pagkain dito sa bag niya.

Naisipan kong lumabas na lang at maghanap kung may pagbibilhan ba dito, hindi ako napansin ni Xian dahil busy siya sa pagsasayaw.

Nagtagal pa ako sa kakahanap ng cafeteria, sa ibabang floor lang pala. Nakakalito kasi dito eh, atsaka first time ko lang naman makapasok kaya syempre hindi ko alam ang mga pasikot-sikot.

Namili ako ng mga pagkain. Ano kayang gusto ni Xian?

Sa huli ay burger na lang ay binili ko tsaka soda. Hindi ako sure kung sakto 'to sakanya knowing na matakaw iyon, o kung gusto niya ba dahil mapili iyon sa pagkain pero bahala na. Tinatamad na akong mag-isip at isa pa, wala naman talaga akong sweldo sa pagiging personal assistant niya eh bakit ako magpapakahirap dito.

Pumasok ulit ako sa practice room nila at saktong binigyan na naman sila ng break. Naupo na ako sa bleachers bago pa si Xian makalapit.

"Sa'kin ba yan?" nakangiti niyang tanong tsaka kinuha sa'kin ang mga binili ko, napangiwi ako. Tingnan mo 'to, pagkain agad ang nakita.

"Oo, lamunin mo ng buo pati plastic, wag ka na magtira," inirapan ko siya at pinanood balutan ang burger.

"Uhm, I'm sorry to bother you, but.. Xian, you can't eat those foods," pareho kaming napatingin sa babaeng nagsalita. It's Azalehn, ngumiti siya sa'kin nang magtama ang paningin namin.

"We can't eat something with high calories, or even drink soda. We need to take care of our health and body especially now that our concert is approaching, I hope you understand." Sinabi niya iyon nang may pag-iintindi, saka siya ngumiti ulit at binalingan si Xian na kakagat na sana sa burger.

"Xian, our manager told us that as much as possible we should eat only nutritious foods like vegetables, you know that right?" napatingin sakanya si Xian, saka niya sinalubong ang tingin ko.

"Just this once Lehn," nguso niya at kakagat na sana nang kunin ko sakanya iyon.

"Wag ka ngang patay gutom, bawal pala sayo 'to eh," sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh paano yan? Sayang, binili mo pa naman yan para sa'kin," ngumuso siya ulit, napairap ako.

"Don't worry, uh, Perri!" tawag ni Azalehn sa baklang mukhang personal assistant niya. "I've bought you foods way nutritious than that," ngiti niya at kinuha ang pagkain sa bakla saka siya na mismo ang nagbigay nito kay Xian.

"Perri will take care of that foods," baling niya sa'kin. Kinuha ng bakla ang mga pagkain na hawak ko kaya wala na akong magawa.

Paanong take care? Sayang 'yon, nag effort pa naman akong bilhin 'yon tapos di naman pala makakain ni Xian. Baka itapon lang nila iyon sa basurahan, ako na lang sana ang kakain non kaya lang ay hindi na ako makatanggi.

At hindi ko alam kung saan nanggagaling ang hiya ko. Dahil ba sa pagbili ng mga pagkaing hindi pala dapat o dahil sa pagiging masyadong mapapel sa buhay ni Xian?

A Love That LastsWhere stories live. Discover now