Chapter 9

31 1 0
                                    

"Xian," he called me, papasok na sana ako sa gate namin. I faced him with a questioning look.

Xian was his nickname for me, ganon rin yung akin sakanya. It's just that, we don't have the same pronunciation. Mine was pronounced as "shan" while his' was "siyan".

"Mind if we'll go out again tomorrow?" ibinulsa niya ang kamay, kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba, just for this day mo lang ako magiging personal assistant, pati ba bukas? Ewan ko sayo, ayaw ko nga," inirapan ko siya.

"No, I mean, let's go out for a date," aniya. Natigil ako at napatingin lang sakanya, sinusuri kung nagbibiro lang ba.

"F-Friendly date," bawi niya at ngumiti, tumikhim ako.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko, alam mo na, sikat siya. Paparating na yung concert nila tsaka madami pa siyang mga appointments or what so ever.

"No, you? Are you free tomorrow?"

"Yes, well, okay," nagkibit-balikat ako. Dito lang naman ako sa bahay, mabobored lang ulit ako bukas kung hindi ako papayag at baka kung ano pang magawa ko dito sa bahay.

We bid goodbyes, pinanood kong humarurot ang kotse niya bago pumasok sa gate.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, ayaw na ulit tumulad kahapon na pinaghintay ko pa siya.

Nakahanda na agad ang mga damit ko kaya mabilis akong nakabihis.

I wore a simple black long sleeve dress partnered with my black killer heels with a big ribbon on it. I took my purse and wore my aviators.

Magpapahatid ako sa driver namin sa mall dahil hindi ako masusundo ni Hexian. Nag message siya sa akin kagabi, ang sabi ay sa mall na lang kami magkita.

I finger combed my straight hair when I went out from our car, umalis na rin kaagad ang driver.

I made my outfit simple for today. Hinayaan kong bumagsak ang mahaba kong buhok, nilagyan ko lang ng hair clip ang magkabilang dulo para hindi humarang sa mukha ko.

I walked confidently inside the mall, with my aviators on, diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan, neverminding the eyes of many people.

Pumasok ako sa restaurant kung saan ang usapan namin ni Xian magkita. He already booked a table for us.

The waiter came on the table, I just ordered a wine. Mamaya na ako mag order ng pagkain pagdating ni Xian, kahit na gutom na ay hihintayin ko na lang siya.

I haven't eaten anything yet, nagmadali lang akong pumunta dito dahil alam ko namang pagkain ang uunahin namin. But hours later, kumukulo na ang tiyan ko ay wala parin siya.

I sipped on my glass and bit my lip after drinking the wine. Naglagay ulit ako sa baso, mauubos ko na lang 'to, hindi parin siya dumadating.

I looked outside, luminga-linga, baka sakaling makita siya.

Ang ibang nandito kanina ay nakaalis na, ako ay naghihintay parin sakanya.

I tried to message him but he hasn't replied yet, nung tinawagan ko naman ay cannot be reached. Maybe he powered off his cellphone?

Napabuntong-hininga ako at tamad na sumandal sa upuan, I was waiting for him here for more than three hours.

Tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko iyong sinagot sa pag-aakalang siya ang tumatawag.

"What do you need?" napa-irap ako nang makita ang pangalan ni Allie sa screen.

"Nasan ka? I'm here at the mall, can you come?"

"Sakto, nandito rin ako, saan ka?" tumayo na ako at kinuha ang purse. Naglagay ako ng cash sa table, pambayad sa in-order kong wine.

I give up. Parang hindi na naman 'yon dadating kaya ano pang sense ng paghihintay ko dito. Naghihintay lang ako sa wala.

"Talaga? Anong ginagawa mo dito? By the way, I'm here at the arcade," sabi niya sa kabilang linya.

Napairap ako at pinatay na ang tawag, then I went to the arcade to see her.

Minsan, may pagka-childish talaga 'yon kaya palaging arcade ang punta kapag nasa mall.

Nakita ko kaagad si Allie na nagsho-shoot ng mga bola sa ring, siya lang mag-isa, nag-eenjoy.

"Talo ka na," sabi ko nang makalapit, saktong naubos na ang time niya.

"Oh pupunta ka pala, akala ko hindi kasi pinatayan mo kaagad ako!" sinamaan niya ako ng tingin. Naupo kami sa bench doon.

"Bakit mo ba ako pinapapunta dito?" inirapan ko siya.

"Wala lang, hehe. Alam mo ba na na-interview kahapon si Hexian sa isang show, gusto kong panoorin! Panoorin natin," bago pa ako makapagsalita ay binuksan na niya ang cellphone niya at pinlay ang video.

I was there when that happened, nasa backstage, nakikinig.

Hindi ko na lang iyon sinabi. Wala namang alam si Allie sa ugnayan namin ni Xian.

"Hm just a friend? Is there any chance that you would date her? I mean, she's gorgeous and you two would be perfect for each other, and don't you have feelings for her? Kahit na paghanga lang? Cause you've been together for years as a group," tanong ng host. Gustuhin ko mang i-pause ang video para hindi marinig ang susunod na sasabihin ay hindi ko naman magawa dahil baka magtaka si Allie.

Napabuntong-hininga ako at sabay namin inabangan ang sagot ni Xian.

"Like what I've said, she's a friend. Yes, she's gorgeous, madaling magustuhan but there's already someone who caught my attention, so my answer is no."

"Aaaah!" pagtitili ni Allie, hindi ko na marinig ang mga sinasabi sa video dahil sa ingay niya.

"Hindi lang tayo ang tao dito uy," suway ko sakanya atsaka umirap, damayin pa ako dito sa kahihiyan.

"You think? Who's that someone? At, ano kayang meron sakanya, isipin mo, nakuha niya ang atensyon ng nag-iisang Hexian Leviste!" aniya. Kaya nang dahil doon, ay napaisip din ako.

A Love That LastsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora