Chapter 34

21 2 0
                                    

"Ugh! Buti na lang at gising pa ako nang lumabas 'to! Natawagan ko kaagad si tita na magpahanda ng van para sa pag-alis natin!" nagsimula na namang mag-ingay si Allie nang makalayo na kami sa resort.

Nang makalabas kami sa villa kanina ay may van na naghihintay sa amin. Madilim kanina at malamig, tahimik at tanging ang mga alon lang ang maririnig namin dahil tulog pa ang lahat.

"Nakakainis ka! Ano ba kasing mayroon? Hindi naman edited yung mga pictures pero mukhang impossible din ang mga 'yon!" sabi niya ulit, kumunot ang noo ko.

"H-Huh?"

"My gosh Xixiana! Kalat na kalat na ang article sa internet at marami ang galit sa'yo! Mabuti na lang at nakita ko kaagad kaya nakaalis tayo doon! Kung nagtagal pa tayo ay baka dumugin ka ng media! Knowing those people, pupunta 'yon sa resort para lang makakuha pa nang mas maraming impormasyon!" she gritted her teeth.

Nakakunot lang ang noo ko buong oras na nagsasalita siya. I can't process anything. Naiwan pa ata ang kaluluwa ko sa resort. Well, bagong gising lang ako nang umalis kami kanina.

"A-Anong pinagsasabi mo?! Care to explain?" nagpapanic narin ako!

Bumuntong-hininga siya at pagod akong hinarap.

"Look, may kumalat na isang article kanina. There was a picture of you and Hexian together, nag include agad sila ng kung ano-ano at gumawa gawa pa ng kwento which I know is not true kasi hindi ka naman ganoon!"

My jaw dropped, umiling ako at hindi siya makapaniwalang tinignan.

"M-May I see?" nanginginig ang boses ko, maging ang kamay ko nang tanggapin ang kanyang cellphone.

Ang malaking headline kaagad ang nakita ko.

Hexian Leviste was seen on an island together with a girl.

'Yan ang nakasulat. Umahon kaagad ang kaba ko.

It was an article, hindi pa ata nag-iisang oras na na-publish pero marami na ang mga nakakita at marami nang comments!

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga pictures sa ilalim. It was a picture of me together with him! Yung araw na nalasing ako at umamin ako sakanya!

Tatlong pictures 'yon. Yung isa, magkaharap lang kami. Nakatalikod si Hexian sa camera, at ang mukha ko ay kitang-kita! I looked so haggard, with sleepy eyes at may bakas pang luha!

The second pic was me, in Hexian's arms. Ito yung time na nagtago ako sa kanyang dibdib at doon umiyak nang umiyak kaya hindi kita ang mukha ko!

The third was when Hexian hugged me from the back. Nakaharap ang camera sa amin ngunit hindi kita ang mukha namin. Nakabaon ang mukha niya sa leeg ko samatalang ako ay tinatabunan ang mukha ko!

Madilim man, kitang-kita parin kami!

And I was so sure that it was me, 'yan ang damit ko!

Nag-scroll ako sa mga comments and I saw how his fans were angry and full of hatred because of the article!

May ibang hindi naniniwala, sabi nila ay baka edited lang. Or hindi talaga yan si Hexian.

Pero halos lahat ay galit sa babaeng kasama niya! Which is me!

May iba pang hinanap ako! At nakilala nga nila ako!

I scrolled through the comments.

What the hell! That bitch! I stalked her account, mas maganda parin si Azalehn!

Xixiana's her name? Pigilan nyoko at sasabunutan ko 'yan! Malandi!

This is not true, the picture may be edited. Gagawa at gagawa talaga sila ng article na mga ganyan para masira si Hexian!

This girl is making my blood boil! How dare she! Maybe she seduced Hexian!

Maybe she's Hexian's secret girlfriend? I'm a fan of him and Azalehn but if this is true, I can't do anything but to support him.

Aba, mabuti pa 'tong isa! I stalked her account at tinandaan ang pangalan niya para ma-follow siya mamaya!

Biglang hinablot ni Allie ang cellphone niya kaya nabitin ang pagbabasa ko. Mariin niya akong tinitigan.

"Stop looking at the comments, you're just hurting yourself." Tinuro niya ang luha sa mukha ko, napalunok ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Just rest, Xiana. Hindi ka pwedeng umuwi sa bahay niyo dahil paniguradong alam na nila ang address mo kaya sa bahay tayo uuwi. I already messaged your mother and assured her that you're okay. Well, I hope so."

I nodded weakly. I don't exactly know what to react on this situation. The comments I've read hurt me and all I can do is to cry.

But I can't feel the pain. Manhid na ba ako?

Gosh. This is all fucked up.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now