Chapter 13

32 1 0
                                    

Nagsimula na nga ang concert, marami na agad ang nagsisigawan. Nakakalito, nakakahilo, pero ang paningin ko ay nasa kanya lang.

Sa bawat galaw niya, parang siya lang ang nakikita ko. Sa bawat ngiti niya, para bang nag s-slow motion ang paligid. At sa bawat tingin niya sa gawi ko, para bang ako ang tinitignan niya kahit na alam kong impossible pa na makita niya ako dahil sa dami ng tao.

Maraming kanta ang pinerform nila, si Allie ay todo tili sa tabi ko at nagtaas pa ng banner, sumasabay sa chant ng mga tao.

"World Icons!"

"Ahhh!"

"Az-ian! Az-ian!"

"Zexieeee!"

"World Icons! World Icons! World Icons!"

"Khassiana ang ganda mooo!"

"Aahhh Thunder anakan mo'ko!"

"Saranghaee Daeshim oppa!"

"Ji-el! Ji-el!"

"World Icons! World Icons!"

Iyan lang ang iilan sa mga naririnig ko.

Maya-maya pa ay natapos na sila, namatay ulit ang ilaw sa stage. Tapos bigla na lang may pinalabas sa screen. Iyon yung mga panahong nagsisimula pa lang sila. Yung nag a-audition pa lang, yung pinapagalitan sila ng trainor nila, at yung in-anounce na kasama na sila sa grupo.

"Being a part of this group is my biggest dream. To be part of this is not easy, you have to work hard and strive." Biglang nag pop si Xian sa screen.

"I'm the type of person that will never give up on his dreams, and just look how far I've made it. It's all because of you guys, you know who you are! World Icons will never be World Icons without our fans, without you." Aniya, nagtilian ang lahat.

"It's a pleasure performing here in my own country, Mahal ko kayo!" huling sabi niya bago namatay na naman ang screen. Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay mas lalong umingay ang mga tao, parang mababasag na nga ang eardrums ko tapos dumagdag pa 'tong nasa gilid ko.

Nagsalita rin ang iba niyang mga ka-grupo, hanggang sa nag perform na naman sila.

"Ahhh alam mo bang yung next na ipeperform nila is yung new music nila! First time nilang ipeperform! Dito! Live!" pagtitili ni Allie, ganon rin ang iba pa. I can't understand them, kung bakit sila ganyan ka baliw. Ni hindi ko nga alam na may bago silang music, at kung anong music 'yon?

Nagperform na nga sila, bagong tilian at sigawan na naman. Hindi ko sila masisisi kasi kahit ako ay napapahanga sa mga kanta nila. Their songs are a bop.

Maya-maya pa ay namatay na naman ang ilaw.

"Here's the pride of the Philippines, Hexian Leviste with his heart-warming special performance for his filo-fans!"

Nang bumukas muli ang ilaw ay naroon na sa gitna si Hexian, nag-iisa. Nakaupo siya sa stool, may hawak na gitara.

Biglang naging romantic yung theme ng stage. He started struming his guitar, the reason why everyone went crazy again.

"Uso pa ba ang harana?" it was his first words, the fans went wild, pati itong katabi ko. It was a tagalog song, ngayon lang ba sila nakarinig ng kantang 'yan kaya ganyan sila makaasta? O ang lakas lang talaga ng dating ng boses ni Xian.

Maging ako ay napapa-goosebumps. Mas maganda ata pakinggan ang boses niya kapag tagalog kaysa sa english.

"Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago?

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba"

He's focused on struming his guitar, minsan ay napapatingin sa itaas tapos babalik ulit ang mga mata sa gitara.

"Meron pang dalang mga rosas suot nama'y

Maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along"

Nakiki-sing along narin ang mga tao sakanya, pati nga si Allie ay nakikisabay kahit na wala sa tono.

Pero kahit yata anong ingay nang nasa paligid, parang boses niya lang ang naririnig ko.

His voice is soothing, masarap pakinggan, parang sumisikip ang dibdib ko habang nanonood sakanya.

He glanced my way, ngayon lang siya tumingin sa harapan. Hindi ko alam kung sa'kin ba talaga nakatingin, impossible naman atang mahanap niya ako.

"Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw"

His eyes stayed on mine, wala na talaga akong naririnig kundi ang boses niya lang. At wala nang makita kundi siya lang. Para kaming nag-uusap sa pamamagitan ng pagtinginan. I wasn't really sure kung ako ba talaga ang tinitignan niya, assuming ako eh. At yung tingin niya kasi, parang pati kaluluha ko ay nakikita niya.

"At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo"

May naisip ako bigla. Para malaman kung ako nga talaga ang tinitignan niya, ay ngumiti ako.

I didn't expect him to smile back. Nangiti na nga ako ng tuluyan habang nakatingin parin sakanya. Hindi niya rin binawi ang tingin sa'kin, hanggang sa matapos ang kanta.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now