Special Chapter : Allie

33 3 0
                                    

Allie is a great friend that's why this chapter will be her point of view. I'm also thinking of making her a story but I'm not yet sure. Maybe soon.

------

Cameras, spotlights, fans, reporters. 'Yan ang mga nakapalibot sakanya. Everybody knows him, isang banggit pa lang sa pangalan niya ay matutukoy mo na agad kung sino.

Minsan nga, naiisip ko kung tama ba ang ginawa kong desisyon?

Hindi kami bagay. Kung langit siya, lupa naman ako. I really can't believe that this is happening to my life. Akala ko ay sa drama lang 'to nangyayari.

Pero siguro.. sa drama lang talaga. Sa mga drama lang talaga may happy ending. Kahit gaano kahirap, kasakit at kadilim ang mga pinagdaanan ng bida, magiging sila at sila parin sa huli.

Or.. can I call myself the protagonist here? The leading lady of the leading man? Hula ko ay isa lang akong hamak na extra.. o 'di kaya ako talaga ang antagonist na sisira sa buhay niya.

We have so many differences, hindi lang sa social status. Maging din sa culture, place, language..

Bakit nga ba siya 'no? Hindi ko rin alam, basta nagising na lang ako na mahal ko siya.

Ugh.

Ganito pala magmahal. Hindi na ako nadala sa love story ni Xixiana na pang MMK. Balak ko pa talagang maranasan.

Napabuntong-hininga ako.

This may be hard for me.. for us.. but it makes me happy. Seeing him makes me happy. And I'm the best of me whenever I'm with him.

Niyakap ko ang sarili at mas binilisan pa ang lakad. Ang lamig pala dito sa bansa nila. Umuulan pa lang ay nanginginig na ako, paano pa kaya kung mag snow na?

Paano niya kaya natitiis ang lamig dito? Paano siya natutong magsalita sa lenguwahe nila? Kasing dali lang ba 'yan ng tagalog?

Siguro kung dito din ako pinanganak at pinalaki ay maiintindihan ko ang mga pinagsasabi ng mga tao sa paligid ko.

Napangiti ako. He doesn't know that I'll be here. Naisip ko lang na magpa-book ng flight patungo dito dahil namimiss ko na siya. He's so busy kaya hindi na kami nagkikita, at palagi na lang siya ang bumibisita sa'kin kaya ngayon ay ako naman. I'm sure he'll be surprised when he'll see me here.

I came here for him!

Wala man akong alam sa lugar na 'to pero marami naman akong nakikita sa internet. This place is really so beautiful. Ang daming mga magagandang view.

Kapag talaga magkita kami mamaya, yayayain ko kaagad siya na mamasyal dito!

Mabuti na lang at naitanong ko kay Zexie ang bahay niya dito. Nalaman niya kasi ang plano kong pag-alis kaya sinabi niya sa akin ang lugar dahil nakapunta na raw siya noon dito.

We're still friends, yes. Akalain mo 'yon, yung dating pinagsisigawan ko lang sa entablado ay kaibigan ko na.

Hinigpitan ko ang hawak sa payong nang marating na ang bahay. It's so big.

Parang katulad ng bahay sa mga k-drama na napanood ko.

Unti-unting umahon ang kaba ko. What if.. makita ko dito ang parents niya? Hindi ko naisip 'yon! Hindi ako prepared. Sana pala, bago ako pumunta dito ay nag-aral muna ako ng lenguwahe nila. Kahit yung mga basic lang!

Paano kung.. hindi nila ako magustuhan?

Pinilig ko ang ulo. I'll do everything to please them. Kaya ko 'to!

Pero.. paano kung wala pala siya dito? Saan ko naman siya hahanapin?

Hay bahala na nga.

Bago pa ako kumatok sa gate ay may narinig na akong kaluskos sa tabi lang nitong bahay.

Blank space kasi dito. I mean, walang bahay na nakatira sa tabi nila kaya blank.

Merong mga nakasabit na vines sa bakod pero kitang-kita ko parin kung sino ang nasa loob.

Nakatayo siya paharap sa akin.. pero ang atensyon niya ay nasa babaeng kaharap niya na ngayon ay hinahalikan niya.

I gulped at their intense scene. Halos mahubaran na ng babae ang lalaking.. dahilan kung bakit ako nandito.

Habol-habol ko ang hininga ko. Sumasakit na naman ang dibdib ko, unti-unting nanlabo ang paningin ko.

Kapag talaga may kahalikan siya, nasasaktan ako. Pero naiintindihan ko 'yon kasi kailangan 'yon para sa shoot nila. Pero ngayon.. walang camera.. walang director.. walang tao.. sila lang.

Anong nais iparating ng nakita ko? Does that mean na kusa silang naghalikan na walang nag-uutos na director?

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pagbuhos.

I came here to see him. I've been very sad the past few days that's why I'm here.. to be happy pero bakit ganito ang nadatnan ko? Nananadya ba ang tadhana?

Hindi ko akalaing ang mga nakikita ko lang noon sa mga drama ay mararanasan ko ngayon.

It's the stereotype plot of every dramas.. at talagang mararanasan ko ang ganito!

Masakit pala. Naiintindihan ko na kung bakit grabe na lang makapag-iyak ang mga bida sa pinapanood kong drama.

It's like my heart's been stabbed a multiple times.

Pero tulad ng mga nasa drama.. hindi ako susugod at aawayin ang babae.

It's his choice. He chose to kiss a girl even when he has a relationship with me.

Humikbi ako bago sila tinalikuran.

Kung alam ko lang na ganito ang karma sa lahat ng mga kasalanan ko. Sana ay inamin ko noon kay daddy na ako talaga ang gumasgas sa paborito niyang sasakyan, hindi sana napalayas ang driver namin. Kung hindi ko lang sana pinagkatuwaan ang dating maid namin ay sana nagtatrabaho parin siya sa akin. Kung umamin na lang sana akong ako ang nakawala sa alahas ni mommy..

But does it make sense? Nangyari na ang nangyari. Ano pa ba ang magagawa ko?

Humihikbi ako habang tumatawid sa daan. It's now dark, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nila binubuksan ang mga street lights dito.

All I can do now is to cry.. kahit alam ko namang hindi no'n mapapawi ang sakit na nararamdaman ko.

A blinding light came from something blocked my sight.

Before I could even see what's infront of me, I blacked out.

A Love That LastsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα