Chapter 12

27 1 0
                                    

"Alam mo ba na naging guest yung world icons sa isang show! Napakasweet ni Hexian kay Azalehn, grabe!" nasa kwarto kami ni Allie at nagmo-movie marathon. Focused ako sa pinapanood pero napabaling ako sakanya nang dahil sa sinabi, kumunot ang noo ko.

"Kailan yan?"

"Kahapon lang, hindi ko pa nga napanood kaya panoorin natin!" ang sabi niya at kinuha ang cellphone.

Kahapon ay umuwi kaagad kami dahil may tumawag kay Xian, hindi ko alam kung sino at kung ano ang sinabi pero nagmamadali kasi siyang umalis kaya alam kong importante. Gaya nga ng sabi ko, naiintindihan ko naman kasi alam kong busy talaga ang schedule niya at sino ako para magreklamo pa. Buti nga, kahit saglit lang ay nabibigyan niya ako ng time.

Umirap ako kay Allie at kumain ng pop corn. Nanonood kami dito ng movie tapos nasa cellphone ang tingin niya. But I was also curious kaya pinause ko muna ang pinapanood namin at tumingin din sa cellphone niya.

Nasa isa silang television show. Tinawag ang pangalan nila, naghiyawan ang mga tao nang magsimulang tumunog ang music.

They performed live, sabay sabay ang mga kilos at walang palya, may isang scene pa na moment lang ni Xian at Azalehn. They're both holding hands while singing, binuhat siya ni Xian at inikot saka lumabas na ulit ang iba pa nilang kasama.

"Kaya hindi talaga ako naniniwala na may someone si Hexian eh! For sure si Azalehn yung tinutukoy niya no? Natotorpe lang sigurong umamin aah!" pagtitili ni Allie, yakap yakap ang unan niya.

Maybe she is. Hindi naman impossible.

Pagkatapos nilang magperform ay kinausap pa sila ng mga hosts. They would ship Xian and Azalehn kahit sa kaunti lang nilang galaw.

"Hexian, do you like Azalehn?" tanong ng isang host.

"Yes," sagot niya, hindi pa natatapos ay nagkantyawan na sila.

"Shet, kinikilig ako!" sabi ni Allie na parang uod na binudburan ng asin.

"Oh, bat ka tahimik?" baling niya sa'kin, umiling na lang ako at pinlay na ang movie na pinapanood kanina.

The next days, kung hindi ako ayain ni Allie sakanila ay nasa bahay lang ako nakatambay. It's so boring, kain tulog lang ang ginagawa ko. Naisip ko nga na what if, maghanap na rin ako ng trabaho. Or magtrabaho sa kompanya namin pero iisipin ko pa nga lang, ay tinatamad na ako. Hay ano bang plano ko sa buhay.

Xian became busier, malapit na kasi ang concert nila dito kaya naghahanda na sila. I understand that, kaya okay na sa'kin ang pagte-text namin bawat gabi bago matulog.

Palagi siyang nag-a-update sa'kin sa mga ginagawa niya bawat araw, kung gaano siya kapagod, kung gaano siya ka-saya, kung gaano siya ka-inis sa bawat araw.

Until their concert came.

"Matagal ka pa ba," inip kong sabi tsaka sumandal sa couch nila Allie. Kanina pa kasi siya hindi makapili ng susuotin, eh pupunta lang naman kami sa concert. Hindi naman siya mapapansin sa dami ng tao dun.

Kanina pa nauna sina mama sa venue, syempre supportive din ang family ko kay Xian kasi para narin siyang part ng family namin.

Naiwan ako dito ngayon, dahil sabi ni Allie ay sabay daw kaming pumunta doon. Eh hanggang ngayon, di parin siya makapili. Baka pagpunta namin don mamaya, eh tapos na yung concert.

"Tapos na! Eto na nga lang, putangina halika na!" hinila niya ako palabas at sumakay na kami sa kotse nila, ang driver nila ang nagda-drive.

"Alam mo bang may mga photo cards nila ako ditong dala, tapos iba pang mga merchandise na naipon ko!" pinakita niya sa'kin ang laman ng bag niya, napangiwi ako sa dami ng mga dala niya.

"Anong balak mo diyan? Ipa-give-away mamaya?"

"Gaga, akin 'to no, syempre papapirmahan ko sakanila!"

"Sa tingin mo, makakalapit ka sakanila? Eh sa ang dami kayang nandon,"

"Kahit ano, gagawin ko para makalapit sakanila, kahit gumapang pa ako sa nagkukumpulang mga tao!" sabi niya at dumada pa ng dumada hanggang sa makarating na kami.

Binigay namin ang ticket namin para makapasok. Nasa vip seats sina mama, kami ay nasa upper box lang. Naubusan na kasi ng seats yung vip.

Naupo na kami, tumahimik ang lahat nang mamatay ang lahat ng ilaw. Maya maya pa ay biglang umilaw sa stage at may mga usok na lumabas, it's the start.

Aaminin ko, na e-excite na ako, para akong maiihi sa kaba. Ewan ko ba. Ngayon ko lang kasi makikita si Xian na live na magpeperform sa stage sa harap ng maraming tao.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now