Chapter 22

26 1 0
                                    

Gumagabi na nang makabangon ako sa kama. Natulog kasi ako dahil wala namang magawa kanina at para makawala na rin sa pag-iisip tungkol sa mga sinabi ni Allie.

Lumabas ako sa kwarto ko at naabutan siyang nakabihis na.

"San ka pupunta?" nangunot ang noo ko.

"Saan pa? Eh 'di ba nga, magdidinner tayo kasama ang World Icons," ngumisi siya, umirap ako.

"Sana tumanggi ka na lang kanina, nakakahiya na. Sumabay tayo sa lunch tapos sasabay din tayo sa dinner?"

"Ano ka ba! Hindi dapat tinatanggihan ang grasya, sila na mismo ang nag-aya tapos tayo pa ang hihindi?" inirapan niya ako.

"Magbihis ka na rin, pupunta na tayo dun!" sabi niya bago pumasok ulit sa kwarto niya.

I sighed. Bumalik ako sa kwarto para maligo.

I wore my beige colored maxi dress. It has a tie front bust, adjustable shoulder straps and it buttons down the front.

I let my hair flow, I tied the handkerchief on my head, ginawang headband para hindi magulo sa mukha ko ang buhok.

"Ganda mo naman!" puna ni Allie nang makalabas ako sa kwarto, umirap na lang ako.

We went outside and headed our way to the restaurant. Pagdating namin ay nandoon na sila.

"Ikaw kasi, ang bagal kumilos. Tayo dapat ang mauuna dito pero sila pa talaga ang naghintay!" bulong sa'kin ni Allie.

Hindi ko na lang siya sinagot at umupo na sa bakanteng upuan, nasa gilid ko si Xian. I can feel that his gaze were on me, hindi ko na lang siya tinignan at nagfocus sa pagkain.

Maya-maya pa ay natapos na kami sa pagkain, akala ko ay pwede nang bumalik sa villa pero nag-aya pa silang manatili daw muna kami sa tabing dagat at gagawa daw sila ng bonfire, talagang si Allie pa ang nag-suggest noon! Ang kapal ng mukha.

"Why are you so quiet?" tanong ni Xian na nasa tabi ko. Nakatayo kami ngayon dito sa tabing dagat, ang iba ay gumagawa ng apoy.

"Tumulong ka kaya sakanila?" tinuro ko ang mga kasama niyang nahihirapan sa pag gawa, umirap ako.

"Kaya na nila yan," aniya at humarap sa'kin, kumunot ang noo ko.

"Are you okay?" tanong niya bigla, tumango-tango ako.

"Weh?"

"Anong weh? Oo naman," inirapan ko siya.

"It's just that, you're too quiet. May iniisip ka ba? You can tell me," medyo yumuko siya para magtama ang paningin namin.

"Tapos na sila oh," tinuro ko ang nagbabaga nang apoy para makaiwas. Umupo ako sa isang kahoy na nakapalibot sa bonfire at hinila si Allie para tumabi sa'kin. Saktong dalawa lang ang pwedeng makaupo sa tig-iisang kahoy.

"Aray ko naman!" reklamo niya at inirapan ako.

Ngumiti ako kay Xian nang malingunang nakaupo siya sa harapan namin, napapagitnaan man ng apoy ay kitang-kita ko ang malalim niyang mga tingin sa'kin, umiwas na lang ako. Azalehn then sat beside him kaya nawala ang tingin niya sa'kin.

"Bakit ka ba kasi umiiwas?" tanong sa'kin ng katabi ko.

"Ayaw ko ng gulo," I sighed.

"What do you mean?"

"He can't be seen with another girl. Sa tingin mo, kapag naging malapit kami at makita ng mga tao, matutuwa sila? They'll treat me as a threat to their beloved Hexian," umirap ako.

"Hay, eh 'di iiwasan mo na lang siya? Kahit, nakakasakit sa'yo?" tanong niya, I glanced at her and slowly nodded.

That's what I'm going to do. I don't want to be involved with him. I know my limits, at hangga't sa maaari ay iiwasan ko siya para makaiwas narin sa gulo.

I glanced at him and caught him smiling while listening to Azalehn. Thay have a strong bond, kung titignan kasi ay parang close na close na talaga sila.

And why can't Allie see the sparks in between them? Kung nakukunan lang siguro sila ng video ay paniguradong kilig na kilig na ang madla.

A Love That LastsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin