Chapter 49

21 2 0
                                    

Hindi nagtagal ay bumalik na rin naman si Hexian. Tahimik niya akong hinatid sa bahay at nagpasalamat ako.

It continued that way.

Raven, on the other hand, is always on me. Para siyang asong sunod nang sunod sa'kin but I have already made my mind clear about this.

Iniiwasan ko na lang siya, hindi nagtagal ay tumigil na rin naman siya sa pangungulit. There, finally!

Natagalan ako ngayon sa trabaho kaya ginabi akong matapos. Ngayon na lang ulit ako ginabi, I wonder if Hexian's still at the basement? O umuwi na sa tagal ng kakahintay sa'kin.

Well, I don't really care kung hindi niya ako masusundo, I can just call our driver instead. Pero iba ngayon eh, gabi na. Natatakot akong mangyari na naman ang nangyari noon.

Ime-message ko ba ang driver namin? Eh paano kung naghihintay pala sa'kin si Hexian?

I sighed and went to the elevator. Okay, may mga guard naman sa basement kaya paniguradong hindi na mauulit 'yon.

Pagkarating sa basement ay bukas na ang mga ilaw. I scanned the whole place just to find out that Hexian's car is not here!

Great, sana pala ay tumawag na lang ako sa driver namin!

Ofcourse Xixiana, sino ba siya para maghintay sa'yo dito ng ganitong oras? It's past nine!

Kinuha ko na ang cellphone ko just to witness it shut down! Ugh, nakalimutan kong i-charge!

Nagpapadyak ako sa inis! May mga guards naman na umiikot, meron nga akong nakikita sa hindi kalayuan. Maybe I can just ask for help.

Sasakay na lang ako sa taxi.

Images from those dramas who're brutally killed or kidnapped on a taxi flashed on my mind, it sent shivers down my spine. Ano ba 'to!

Nagsimula na lang akong maglakad papalabas nutong building. Bahala na, kaya ko namang lakarin ang daan papunta sa bahay!

It's not really far, hindi rin naman malapit pero sakto lang! Kaya ko namang makapunta doon ng naglalakad lang.

I almost cursed when I felt droplets of water dripping on my head, that's when it started to rain! Sobrang lakas pa at sobrang malas ko dahil hindi naman ako nagdadala ng payong!

Putangina, this is worse than I thought! Gusto ko lang naman umuwi dahil pagod na ako!

Sa halip na sumilong ay mas pinili kong maglakad na lang. Basa na rin naman ako, ano pang sense ng pagsilong?

Hindi ko na binilisan ang lakad dahil pareho lang naman 'yon, mababasa parin ako. Para na nga ako ditong basang sisiw!

Nakayuko ako habang mahigpit ang kapit sa bag. When was the last time na nagpaulan ako? I can't remember!

Malalakas ang paghampas ng tubig sa balat ko, kumukulog din kaya mas lalo akong napayuko. Whoever watching me might think that I'm on a drama or something. Nakikita ko ang sarili ko bilang kawawang bida na naglalakad sa ulan pagkatapos maliitin ng mga tao.

Nagulat ako nang biglang may humablot sa'kin at pinapasok ako sa kotse. I couldn't shout, nakikita ko na naman ang sarili ko sa mga drama bilang kawawang bida na walang mahingan ng tulong habang tinatangay siya ng mga masasamang tao at handa nang patayin! Ugh, I must stop watching those dramas!

"What the hell are you thinking?!" mas malakas pa sa kulog na sigaw ni Hexian nang makapasok narin siya sa kotse. He's all wet too, droplets of water trickled down from his hair, to his face and down to his neck. Napalunok ako.

Bigla akong nabuhayan ng pag-asa nang siya ang makita ko! Akala ko talaga ay matsutsugi na ako!

"Bakit ka nagpaulan?!" he shouted again. Napakurap-kurap ako, he's obscenely handsome with his wet hair and clothes.

"Uh.." hindi ako makapagsalita. Bigla akong napaubo, I heard him grunt and took a towel at the back, binigay niya 'yon sa'kin.

"Basang-basa ka!" singhal niya ulit. Kinuha ko ang towel na binigay niya at niyakap 'yon sakin, nilalamig ako.

"I-I'm sorry, wala kasi akong dalang payong.."

"You could've just wait at the basement! Bakit ka naglalakad?" inis niyang sabi, pinasadahan niya ng kamay ang buhok at humawak sa manibela.

"A-Akala ko kasi, umalis ka na.." nanginig ang labi ko.

"Haven't you opened your phone? I texted you! Ang sabi ko ay may pupuntahan lang ako saglit at babalik rin kaagad para sunduin ka!" nahampas niya ang manibela.

"Teka, bakit ba galit na galit ka?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Kasi ang tigas tigas ng ulo mo," singhal niya, tulyan akong humarap sakanya.

"What? Hindi ko nga alam na susunduin mo pala ako do'n, at namatay ang cellphone ko kaya hindi ko nakita ang text mo." Mariin kong sabi, I gritted my teeth just to prove to him that I'm angry too.

"You could've just wait, alam mo namang uulan, umalis ka parin do'n,"

"Eh sa hindi ko nga alam na pupunta ka? Hindi naman pwedeng maghintay lang ako do'n, ano? Maghihintay ako hanggang sa kailan ka dumating kahit na walang kasiguraduhan na dadating ka talaga? Isusugal ko ba ang oras at maghihintay lang do'n imbes na gumawa ng paraan para makaalis?" walang preno kong sabi, napahingal ako matapos kong masabi sakanya lahat ng 'yon. Nagtiim bagang ako, nakita ko siyang nag-iwas ng tingin.

"Is this still about our topic?" malamig niyang sabi, pinanlisikan ko siya.

"Bakit? May bigla ka bang naalala?" I sarcastically said.

He sighed, hinilot niya ang kanyang sentido.

"Xian-"

"Are you stopping me now? Hindi ba, no'ng una palang ay hinihingi mo nang pakinggan kita? Ano na?" hamon ko, umaamba na ang luha.

"Please, this is not the right time-"

"Damn! Umuurong ka na ba? What's your reasons? Tell me now Hexian! I want to know!" sigaw ko, a tear escaped my eyes.

"Xian.." his voice is so soft, marahan ang mga mata niya habang tinitignan ako pero hindi ako nagpadala do'n.

"Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo?" nanliit ang mga mata ko, bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko.

"You promised me! Naghintay ako.." tears started falling from my eyes, napahikbi na rin ako. "I waited! Kahit na malinaw na ang narinig kong aalis ka.. umasa parin ako! Umasa ako na babalik ka sa'kin! I need you that time! Pero nasa'n ka?" my voice broke. Ni hindi ko ma siya makita ng mabuti dahil sa mga luha.

"Masakit. Sobrang sakit. Hinahanap kita araw-araw, nag-aabang ako sa'yo, umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo.. hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng iba! Hinihintay kitang magpaliwanag! Araw-araw kong hinihintay ang mga reply mo!" hinampas ko ang dibdib niya.

Kung pwede ko lang ibato sakanya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ay ginawa ko na.

"Sana, una pa lang ay hindi mo na ako pinaasa! I would understand if you'll reject me! I would understand kung iiwasan mo ako pagkatapos ng pag amin ko! Sana pala, sana.. pinrotektahan ko ang sarili ko laban sa'yo.. sana pala hindi ako nagpadala sa damdamin ko.. sana hindi mo na lang sinabi sa aking mahal mo'ko dahil umasa ako! Kumagat ako sa mga salita mo!"

I wiped my tears away, nanghihina ako. It hurts big time. It caused me so much pain.

"Binigyan mo ako ng panandaliang saya.. at walang katapusang sakit.." hikbi ko.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now