Chapter 50

24 3 0
                                    

Lumapit siya sa'kin at umambang tutulungan ako sa pagpunas ng mga luha ko pero iniwas ko sakanya ang mukha ko.

Tumahimik ako, gano'n din siya. Akala ko ay mananatili kaming gano'n lang pero bigla siyang nagsalita.

"I was about to go to your place that time, pero pinigilan ako ng manager ko," he said. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaya nanatili akong tahimik, he sighed.

"Una pa lang, he already told me na bawal akong makipagkita sa ibang babae 'cause it might ruin my career.." biglang kumulog ng malakas kaya napaayos ako ng upo. Imbes na tignan siya ay minabuti kong tumingin na lang sa bintana.

"But I was so eager to get close to you.. like how we used to be before. Hindi ko siya pinakinggan. Kaya nang kumalat ang pictures ay galit na galit siya sa'kin, pinagbawalan niya akong umalis ng building nang hindi siya kasama o ang mga guards.. he won't allow me to visit you. I swear, I did all my best, nagpaawa ako sakanya pero hindi siya nadala. He even cut all my cords to my social media accounts. Siya at ang mga staffs ang naghahandle noon, hindi nila ako pinapahawak ng phone ko.." he sighed again, sumandal ako sa bintana.

"I feel like a caged animal on his building, wala akong magawa.. I feel helpless, kahit ang mga kagrupo ko ay walang magawa para tulungan ako. Nangungulila na rin ako sa'yo noon, walang araw na lumipas na hindi kita naisip. Naririnig ko ang mga issues tungkol sa'yo at sinisisi ko ang sarili ko do'n. Wala akong magawa.. kahit na sa pag-alis ay wala akong magawa kundi ang sumunod.."

Nilingon ko siya at nang magtama ang paningin namin ay nag-iwas kaagad ako. His eyes were bloodshot.

"Naisipan ko na ring umalis but they can jail me for that, nakapirma ako sa kontrata kaya hindi pwedeng umalis na lang basta-basta. Nasasaktan ako tuwing naiisip ka.. galit ako sa sarili ko dahil hindi matupad ang pangako ko sa'yo.. galit ako dahil wala akong magawa kundi ang sumunod!" humigpit ang hawak niya sa manibela.

My eyes widened when I saw a tear escaped from his eyes, yumuko siya at palihim 'yong pinahiran na para bang hindi ko nakita.

"'Yung nasa bar.. nagising na lang ako no'n nang may nakitang video na gano'n. Wala akong maalala, hindi pa nga ako makapaniwala na ako 'yon! I cursed myself for that! I felt.. disgusted! Maging ako ay galit sa sarili ko! Hindi ko maalala ang mga nangyari.. and to think of you seeing the video made my heart broke.." his jaw clenched.

"If you truly loved me that time, hindi ka nagpadala sa tukso, kahit na lasing ka.." I said coldly. Masakit parin para sa aking maalala ang mga 'yon.

"I know, that's why I'm mad at myself! I couldn't understand why I did that! Ang huling naalala ko lang noon ay umiinom ako ng alak at bigla akong nahilo.." napayuko siya.

Nagtiim bagang ako. Kung nagpapaawa siya sa'kin, hindi ako naaawa. What he did is still called cheating. He have a relationship with me, kahit na kami lang ang nakakaalam ay mali parin ang ginawa niya!

"You could've think better," nag-iwas ako ng tingin.

Nanatili kaming tahimik. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang tubig na tumutulo sa bintana.

Maya-maya pa ay pinaandar na ni Hexian ang kanyang kotse. Without saying a a word, he drove through our house.

Mabilis ang naging biyahe, hindi ko siya tinitignan, maging sa paglabas at pagpasok sa bahay ay hindi ko na siya tinignan.

Dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ako. Nagising na lamang ako dahil sa lamig.

"Mainit naman sa labas ah.." pikit ang isang mata ay tinignan ko ang bintana. It's sunny outside kaya hindi ko alam kung bakit ako nilalamig. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at natulog ulit.

Naalimpungatan lang ako dahil sa isang tawag.

"Hey.."

Inis kong kinusot ang mga mata, inaantok pa pero nagising dahil sa kung sino man 'tong tumawag sa'kin!

"Five more minutes.." niyakap ko ang unan ko.

"But it's almost noon, wala ka pang kain," aniya.

Napabangon kaagad ako dahilan ng pagkahilo ko, napapikit ako ng mariin.

"Gosh. I'm late!" sigaw ko.

Nagpapa-alarm naman ako pero bakit wala akong narinig kanina! Baka sira 'yong alarm clock ko!

"Tsh, wag ka nang pumasok. Kailan mong magpagaling, nilalagnat ka oh,"

Napakurap-kurap ako nang malingunan si Hexian na nakaupo sa paanan ko, nakatingin siya sa'kin. Am I just dreaming?

Tinakpan ko ang mukha ko ng comforter at sinipa siya.

"What are you doing here?!" sigaw ko. Pinadaan ko ang kamay sa mukha para maghanap kung may dumi, ni hindi pa ako nakakapag toothbrush!

I heard him chuckled, he pulled the comforter making me face him. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam ko nang lalagnatin ka, nagpaulan ka ba naman kagabi. Kaya pumunta ako dito," lumapit siya sa'kin.

Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang mga kamay, I don't have the courage to face him. Not when I just woke up from a good sleep! For sure, I looked so sabog right now!

He cupped my face, dinikit niya ang likod ng palad sa aking noo at leeg.

"Mainit ka parin," nakakunot noo niyang sabi. Unconsciously, I stared at him for a long moment. Nag-iwas lang ako nang tumingin siya sa'kin.

"You should eat, I brought here a porridge. Para makainom ka na rin ng gamot," kinuha niya ang tray na nakalagay sa lamesa sa gilid ng kama ko.

Nagsandok siya ng soup sa kutsara at hinipan 'yon bago ilapit sa akin, I pursed my lips.

"I have a hand, I can eat alone," sinamaan ko siya ng tingin, he only raised a brow at mas nilapit sa akin ang kutsara. Wala akong magawa kundi ang hayaan siyang subuan ako!

Nang matapos ay may kinuha siyang gamot at pinainom sa akin. Nilapag ko ang baso matapos kong lunukin ang gamot.

"Why are you doing this?" I asked him, he pursed his lips. Sa halip na sumagot ay nangiti na lang siya at may binulong sa sarili. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now