Chapter 21

29 1 0
                                    

"Hay, ang saya ko!" sabi ni Allie nang makapasok kami sa villa, umirap ako.

"Oo 'no, hindi mo man lang sinabi sa'kin na nandito ka para sa mga idols mo!"

"Eh kasi," umupo siya sa couch. "Alam mo namang si tita ang nagha-handle nitong resort. Nasabi niya sa'kin noon na magbakasyon daw dito yung world icons kaya pinilit ko siyang magbabakasyon din ako dito kahit na may naka-reserve na noon. Buti na nga lang, nag back-out!" aniya, umirap ako at umupo din sa tabi niya.

"Lahat talaga, gagawin mo para sakanila 'no?"

"Oo naman! Ang saya ko kaya, isipin mo 'yon, nakasabay natin silang maglunch tapos nagkuwentuhan pa kami!"

"Oo nga, halatang ang saya mo," umirap ulit ako.

"Oh, maiba naman! Anong meron sainyo ni Hexian? Hm? Parang iba yung nga galawan niyo ah!" niyugyog niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Close ba kayo? Anong hindi ko alam? Bakit hindi ka nagsasabi sa'kin? Ang daya mo!"

"Teka, paano ko ikukuwento kung talak ka nang talak!" umirap ulit ako.

"Sige, ikwento mo!" humarap siya sa'kin at handa na sa kung ano man ang marinig niya.

"He's my childhood bestfriend," sabi ko, her mouth formed an 'o'.

"Woah, talaga? Bakit hindi ko alam yan?!" gulat niyang sabi, napairap ako.

"I met him at a very young age, we became close friends. Nandiyan ako palagi sakanya noon, pati nga sa pag-a-auditon niya sa kung ano-anong grupo ay kasama ako, sinasamahan ko siya." Pagkukuwento ko. Bumabalik sa'kin ang mga pangyayari noon.

"He's like a family to me, kapag may problema ako, sakanya ako lagi tumatakbo. Kapag may nang-aaway sa'kin, nandiyan siya palagi para ipagtanggol ako. Kapag may nangyaring hindi maganda sa araw ko, nandiyan siya para pasayahin ako." Napangiti ako, those memories were very fresh na parang kahapon lang nangyari ang lahat ng 'yon.

"Teka, siya rin ba yung kinukuwento mo dati? Your bestfriend? Your first love?!" nanlaki ang mga mata niya.

"Sino pa ba yung bestfriend kong lalaki bukod sakanya," I sighed.

"Oh my God! Truely? Bakit hindi ko alam? Bakit ngayon mo lang sinabi?!" pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay.

"Hindi ko akalaing bestfriend mo ang nag-iisang Hexian at siya pa yung first love mo? I've been with you for years pero ngayon ko lang nalaman? Para naman akong others niyan, kung hindi ko pa tinanong ay hindi ko pa malalaman na siya!" patiling aniya at niyugyog pa ako.

"Teka lang, eh ano naman kung sinabi ko kaagad sa'yo? It's in the past na," sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong in the past? Di'ba, based on your kwento dati, you have a mutual feelings! So girl, nagustuhan ka ni Hexian, ni Hexian!"

"Then? Sabi ko nga, it's all in the past na. He liked me, past tense." Paglilinaw ko.

"Based sa nakikita ko kanina, parang hindi naman. Ano, friends lang ba talaga kayo?" ngumisi siya. Tumango ako.

"Weh? May feelings ka parin ba sakanya?" nanliit ang mga mata niya, umirap ako at nag-iwas ng tingin.

"Wala na," mahina kong sabi.

"Weh? Tingin ka nga sa'kin,"

"Wala," umirap ako.

"Sus, sa'kin ka pa nagsinungaling! Eh alam ko yang mga galaw mo!"

"Eh alam mo naman pala, bakit ka pa nagtanong?" naiinis kong sabi dahilan para tumawa siya.

Nakakalokong tawa.

"So true? Yun naman pala eh! Bakit hindi pa maging kayo? Looks like you have feelings for each other parin, marami akong nababasa niyan eh!"

"Anong we have the same feelings? We don't! Ako lang ang may gusto parin sakanya, tsh," sumandal ako sa couch.

"Sa nakikita ko, parang hindi. Try to confess kaya? Wala namang mawawala, at para alam mo rin kung ano ka talaga para sakanya." she said, umiling kaagad ako.

"Kapag nag-confess ako, maraming magbabago. Mas mabuti nang ilihim ko na lang 'tong nararamdaman ko kaysa sa masira ang friendship namin. At anong mangyayari kapag nagconfess ako? Eh ganon parin, hindi niya naman ako gusto na eh," ngumuso ako.

"And, he have Azalehn. They have a wonderful connection, napapakilig nila ang lahat. At perfect na perfect sila sa isa't-isa," naisip ko na naman ang narinig kanina.

"People used to say that they're perfect kasi they're in the same group, they're both superstars, they're both an icons. People shipped them together cause they're always seen on the screen together. People says merong spark sakanila kasi, napapangunahan sila ng utak nilang maisip iyon kahit wala naman talaga. They're pushing it cause of the thought na bagay sila kasi they're both superstars. Ganyan naman talaga sa showbiz industry, kahit walang sparks ay sasabihing meron at kahit walang meaning ay lalagyan. Masabi lang na may mai-ship sila." she said.

"But when I saw you together, hindi naman ganon tratuhin ni Hexian ang mga kagrupo niyang babae, I saw the real sparks between you two. Maniwala ka man sa hindi, but I'm saying the truth!" tinaas niya pa ang kamay niya.

I sighed. Hindi ko alam kung maniniwala ako kay Allie, she have a point though.

Pero, ayaw ko naman umasa.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now